KATHERINE
“Matanda na ako para mag-asawa pa ulit. Saka walang lalaki ang gustong—”
“Paano naman kung mayroon,” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
“Mauna na ako sa ‘yo,” sabi ko sa kanya at tumalikod na ako dahil tapos na akong magbayad ng mga binili ko.
Ayaw ko kasi na nag-uusap kami ng ganito sa harap ng ibang tao. Lalo na matanda na ako. Ayaw ko ng ganito kaming dalawa at nag-uusap ng tungkol sa personal kong buhay eh hindi naman kami close.
“Ihahatid na kita,” sabi niya at bigla na lang niyang kinuha sa kamay ko ang bitbit kong grocery.
“Baka may ibang lakad ka pa. Okay lang ako,” sabi ko sa kanya.
“Wala na akong pupuntahan. Ihahatid muna kita sa bahay mo bago ako uuwi,” sabi niya sa akin.
“Okay lang ba sa ‘yo?” tanong ko sa kanya.
“Okay na okay,” nakangiti na sagot niya sa akin.
“Sige, ikaw ang bahala.” sabi ko sa kanya at hinayaan ko na lang siya.
Sa parking lot na kami pumunta na dalawa. Kahit pa may hawak siya ay pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto ng kotse. Gentleman talaga ang batang ito. Mas bata naman talaga siya sa akin.
“Thank you,” sabi ko sa kanya.
Nang makasakay na ako ay inayos niya sa backseat ang mga pinamili ko. After ay sumakay na siya sa driver seat. Ako naman ay tahimik lang dahil hindi ko rin naman alam ang dapat kong sabihin sa kanya.
“Hindi ka ba malungkot na mag-isa ka lang sa bahay mo?” tanong niya bigla sa akin. Siguro ay naiinip na siya sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“Sanay na ako,” sagot ko sa kanya.
“Ayaw mo bang magkaroon ng makakasama?” tanong niya sa akin.
“Kailangan ko ba ‘yon? Sa totoo lang masyadong madilim ang nakaraan ko at wala ng lalaking tatanggap sa akin. Hindi na rin ako umaasa na magkakaroon dahil magiging kahihiyan lang niya ako,” sabi ko sa kanya dahil ‘yon ang totoo.
Ayaw kong gawing malinis ang sarili ko dahil hindi naman ako ganung klase ng babae. Totoo naman na may maganda lang akong mukha pero bulok naman ang nakaraan ko. Ang mga maling desisyon ko noon na kahit hindi naman talaga ako ganun ay ginawa ko at pinalabas ko para lang makawala ako kay Adam.
Dahil ang akala ko noon ay hindi ko siya mahal pero saka ko lang talaga na-realize na mali ako dahil minahal ko pala talaga siya. Naging tanga ako at naging masama ako sa pag-aakala ko na ako pa rin ang mahal niya. Tuwing bumabalik ang mga alaala ko na hindi maganda ay hindi ko maiwasan na mainis at kamuhian ang sarili ko.
“Paano kung may taong handa kang tanggapin?” tanong sa akin ni Lauren.
“Mahihirapan lang siya sa akin. Sanay na ako sa buhay ko, ayaw kong mandamay pa ng iba,” nakangiti na sabi ko at pilit na kinakalma ang sarili ko dahil baka bigla na namang bumigay ang emosyon ko. Ganito siguro talaga kapag nagkaka-edad na. Nagiging sobrang sensitive na.
“Hindi ka na ba talaga naniniwala sa pag-ibig?” tanong niya sa akin.
“Hindi na,” sagot ko sa kanya.
“Salamat sa paghatid sa akin,” nakangiti na sabi ko sa kanya dahil nasa tapat na ako ng bahay ko.
“Ihahatid na kita sa loob–”
“Huwag na, kaya ko na ito. Salamat ulit sa paghatid sa akin, ingat ka sa pagmamaneho.” sabi ko sa kanya at ngumiti pa ako sa kanya.
“Mahal mo pa ba ang ex-husband mo?” tanong niya sa akin.
“Bakit ka nagtatanong ng ganyan?” tanong ko sa kanya dahil kanina pa siya panay tanong sa akin.
“Gusto ko lang malaman. Baka kasi siya ang dahilan kaya ayaw mong pumasok sa isang relasyon,” sabi niya sa akin.
“Oo, mahal ko pa siya. At siya lang ang huling lalaking mamahalin ko,” sagot ko sa kanya bago ako pumasok sa loob ng gate.
Hindi na ako lumingon sa kanya. Mas binilisan ko ang lakad ko para makapasok agad ako sa bahay. Nagsisinungaling lang kasi ako. Ang totoo ay kaibigan na lang talaga ang tingin ko kay Adam tulad ng tingin niya sa akin. Pareho ko silang kaibigan ni Rachel kaya naman nirerespeto ko sila. Nagsinungaling ako para tumigil na sa pagtatanong niya si Lauren.
Hindi ko alam kung bakit ba niya ako tinatanong ng tungkol sa mga ganoong bagay. Ayaw ko talaga isipin na interesado siya sa akin dahil ang bata niya kaysa sa akin. Tapos nagmula pa siya sa isang mayaman at desenteng pamilya. Ayaw ko naman na maging kahihiyan ako sa pamilya niya. Hindi naman lingid sa kanila kung anong klaseng pamilya ang mayroon ako.
“Stop it, Katherine! Bakit ba ‘yan ang iniisip mo?! Ang bata pa niya!” saway ko sa sarili ko.
Hindi ko kasi dapat iniisip ang mga ganitong bagay lalo na wala akong pakialam sa kanya. Aaminin ko naman na gwapo siya, ‘yon lang ‘yon at wala ng iba pang kahulugan pa.
Inayos ko na lang ang mga binili ko para makapagpahinga na ako. Inaantok na rin kasi talaga ako ngayon. After ko ayusin ang mga binili ko ay naligo na ako para fresh ang pakiramdam ko bago ako matulog. Hihiga na sana ako pero nakita ko na may chat sa akin ang anak ko. Kaagad naman akong napangiti.
Sweetie: Hi, mom. How’s your day?
Sweetie: kumain ka na ba ng dinner?
Sweetie: Huwag ka pong magpapagutom ha.
Sweetie: I miss you, mommy.
Sweetie: I love you, mom.
Habang binabasa ko ang chat sa akin ni Reighn ay hindi ko mapigilan na hindi ngumiti. Siya pa rin talaga ang sweetie ko na sobrang lambing. Ang bait at ang buti ng puso niya dahil pinatawad niya ako.
Me: Hi, sweetie. How about you, how’s your day?
Me: Pumunta ako kanina sa mall at doon ako kumain. Then nanood ako ng movie.
Me: Dumaan rin ako sa grocery bago ako umuwi.
Me: Ikaw rin, ‘wag mong pabayaan ang sarili mo. Huwag kang magpapagutom.
Me: I miss you too, Reighn.
Me: I love you, sweetie.
Alam ko na busy na siya kaya hindi na siya nakapag-reply sa akin. Ang mahalaga ay ako, na nagrereply ako sa kanya para hindi siya mag-alala sa akin. Sinasabi ko sa kanya ang ginagawa ko pero hindi ko kayang sabihin na may na kasama ako kanina. Baka kasi ano pa ang isipin niya.
Inayos ko na ang higa ko dahil ano oras na. Inaantok na rin ako kaya matutulog na ako. Pinatay ko na ang ilaw at tanging lampshade na lang ang buhay. Pumikit na rin ako para matulog pero nagulat ako dahil may malakas na tunog akong narinig na nagmula sa labas.
Kinakabahan man ay tumayo ako para silipin sa bintana ang nangyari sa labas. At nang sumilip ako sa binatana ay hindi ko inaasahan ang makikita ng mga mata ko.
“Baliw ba siya?”