CHAPTER 11

1152 Words
KATHERINE “Ate, ako na po ang maghuhugas ng mga hugasin,” nakangisi na sabi ni Lauren na para bang inaasar pa niya ako. Kakatapos lang namin kumain na dalawa kaya naman ako na ang maghuhugas nito. Nakakahiya naman kung siya pa ang maghuhugas eh siya na ang nagluto. “Ako na, ikaw na nga ang nagluto eh,” sabi ko sa kanya. “Ako na po, ate.” Nakangisi pa rin na sabi niya. “Bakit ba ang kulit mo? Ang sabi ko ay ako na, kung ayaw mong makinig sa akin ay–” “Ang ingay mo talaga, ate.” sabi niya sa akin at pinatakan niya ng halik ang labi ko. “Tumigil ka nga! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa m–” “Hinahalikan ka,” nakangisi na sagot niya after niya ako ulit halikan sa labi. “Bakit ka ba panay halik? Alam mo ba na hindi tama itong ginagawa m—” “Ituro mo nga sa akin kung ano ba ang tamang paghalik,” nakangisi na sabi niya kaya ako itong maang na nakatingin sa kanya. “You’re unbelievable,” bulalas ko habang nakatingin ako sa gwapo niyang mukha na ngayon ay nakangiti. “Yes, at mas unbelievable pa ang kaya kong gawin, ate.” “Lauren, kung ayaw mong magalit ako sa ‘yo ay tumigil ka na sa kalokohan mo. Hindi ko alam kung bakit ganito ka lakas ang trip mo pero please lang, tumigil ka na dahil tatawag na talaga ako kay Adam para palayasin ka niya sa bahay ko,” sabi ko sa kanya na para bang may mali na naman akong sinabi dahil ang sama na naman ng tingin niya sa akin. “Bakit ba siya na lang ang bukambibig mo? Gusto mo ba talaga na tuluyan kong patahimikin ‘yang bibig mo para hindi ko na marinig pa ang pangalan niya?” seryoso na tanong niya sa akin. Ako naman itong hindi maintindihan ang trip ng batang ito. Kung bakit ba siya inis na inis kapag naririnig niya ang pangalan ni Adam. Hindi kaya.. “Umamin ka nga sa akin. Kaaway ka ba ni Adam? Bakit parang ang laki ng galit mo sa kanya?” tanong ko sa kanya. “Hindi, dahil magiging kaaway pa lang niya ako dahil ng sa ‘yo,” sabi niya sa akin at mabilis niya akong kinabig palapit sa kanya. At muli na naman niyang hinalikan ang labi ko. Ano ba ang batang ito? Bakit ba siya panay halik sa akin? Ayaw ko mang aminin pero bakit parang nagugustuhan ko ang halik niyang ito. Nadadala ako sa paraan ng paghalik niya sa akin. May kung ano talaga na damdamin akong hindi matuloy. Pero kasi masyado na akong matanda para makipaglaro sa katulad niyang bata pa. Akmang pipigilan ko siya ay niyakap niya ako na naging dahilan para hindi ako makagalaw. “Mali ito,” sabi ko sa kanya nang bitiwan niya ang labi ko. “No, hindi ito mali. Walang mali sa ginagawa nating dalawa,” sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata niya. “Sinasabi ko ito para sa kapakanan mo at para hindi ka–” “Kung hindi ka pa ready ay maghihintay ako. Huwag mo lang akong itaboy, huwag mo akong itulak palayo at higit sa lahat ay ‘wag mo akong pagselosin,” sabi niya sa akin. “Nagseselos ka?” wala sa sarili na tanong ko sa kanya. “Ano sa tingin mo, ate?” nakangiti na tanong niya sa akin. “Ibig sabihin ay seryoso ka? Seryoso ka sa akin?” tanong ko sa kanya. “Ano ba tingin mo sa akin? Mukha ba akong playboy?” “Oo, mukha kang playboy. Marami kang babae at sa tingin ko ay na challenge ka lang sa akin, gusto mo lang yata patunayan na lahat ng babae ay kaya mong makuha,” sabi ko sa kanya. “Yeah, you’re right. Sobrang challenging nga nito, kasi sa matanda na ako nagkagusto eh,” nakangisi na sabi niya. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako o hindi. Pero tama naman kasi ang sinabi niya. Matanda naman talaga ako kaya nga hindi kami bagay na dalawa. Kahit pa sinasabi niya na gusto niya ako ay ang hirap pa rin talagang paniwalaan dahil malabo talaga. Malabo talaga na magustuhan niya ang isang katulad ko. Kung siguro alam lang niya ang lahat nang mga nangyari sa akin noon ay lalapit pa rin kaya siya sa akin. Oo takot ako, takot ako na hayaan ang sarili ko na mapalapit sa iba. Takot ako na magmahal ulit dahil takot na akong masaktan pa. “Lauren, maniwala ka sa akin. Hindi talaga ako nababagay sa ‘yo. Isipin mo ang mommy mo, ang daddy mo o ang kapatid mo. Ano na lang ang sasabihin nila sa ‘yo. Ayaw ko na matulad ka kay Adam. Sa akin kasi ang mali, ako ang nagloko, ako ang nakipaghiwalay sa kanya. Makati, malandi at lalakero ako, Lauren. Masasaktan lang kita,” sabi ko sa kanya. “Hindi ako matutulad kay Adam dahil hindi kita iiwan,” sabi niya sa akin na mukhang mali ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko. “Ako, ako ang nagloko, Lauren. Ako ang nakipaghiwalay kay Adam at pumatol sa kung sino lang,” sagot ko sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng mga hindi magandang salita para lang layuan niya ako. “Kung sa tingin mo ay lalayuan kita dahil d’yan ay nagkakamali ka. Simula ngayon ay akin ka na at ang akin ay akin lang. Kung hindi ka na naniniwala sa pag-ibig ay gagawin ko ang lahat para maniwala ka. Akin ka na, Katherine, akin ka lang,” sabi niya sa akin at nakatingin pa siya sa mga mata ko. “Ikaw ang bahala, pero wala kang aasahan sa akin.” sabi ko sa kanya kahit ppa alam ko sa sarili ko na nagsisinungaling lang ako. “Malalaman natin, ate.” sabi na naman niya at nakangiti siya. “Ngayon pa lang ako nagka-interest sa mas matanda sa akin kaya humanda ka sa akin,” nakangisi na sabi niya na dahilan para bigla na lang uminit ang pisngi ko sa narinig ko mula sa kanya. “Ewan ko sa ‘yo, bahala ka sa buhay mo!” sabi ko at nagmamadali akong pumasok sa room ko. Mabilis kong ni-lock ang pintuan dahil baka bigla pa siyang pumasok dito. Nakakainis dahil bigla na lang niya akong ginugulo ng ganito. Hinalikan niya ako tapos gusto niya ako. At kahit pa ano ang sabihin ko sa kanya ay mukhang wala siyang balak na tumigil. Pero parang ang imposible naman ng sinasabi niya lalo na hindi naman kami ganun katagal na magkakilala. Posible ba talaga na magustuhan niya ako ng ganun kabilis? O baka pinaglalaruan lang talaga ako ng batang ito. Ang gwapo pa naman niya kaya halatang playboy siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD