CHAPTER 9

1231 Words
KATHERINE “Ano ba ang problema mo? Bakit ganyan ang mga tanong mo sa akin?” tanong ko sa kanya pero hindi naman siya sumagot dahil lumalapit siya sa akin. Ako naman itong umaatras hanggang sa muntik na akong matumba pero mabilis niya akong hinila kaya napahawak ako sa dibdib niya. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Hanggang sa nagulat ako nang bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Feeling ko ay bigla na lang tumigil ang lahat ng nasa paligid kahit pa kaming dalawa lang naman ang nandito ngayon. Literal na lumaki ang mga mata ko sa pagkagulat. After ilang taon ay ngayon lang ulit ang may humalik sa akin. Hindi ko alam pero bakit may kakaibang bigay sa puso ko ang naging halik niya. Nang mahimasmasan ako ay mabilis ko siyang itinulak. “Ano bang ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya. “Pinapa-tahimik lang kita dahil ang ingay mo,” sabi niya sa akin kaya buong pagtataka akong tumingin sa kanya. Kanina ay nagtatanong siya about kay Adam. Tapos ako ang maingay? Ako ba talaga? Ewan ko sa batang ito. Kung ano-ano na lang ang ginagawa. “Bahala ka nga sa buhay mo! Kung gusto mo ay umuwi ka na lang,” sabi ko sa kanya at nagmamadali akong pumasok sa loob para magbanlaw na ng sarili ko. Pagpasok ko pa lang sa may banyo ay wala sa sarili kong hinawakan ang labi ko. Hindi kasi ako makapaniwala na hinalikan niya ako. Feeling ko ang naka-dikit pa rin ang labi niya sa labi ko. Naguguluhan rin kasi ako kung bakit ba niya ako hinalikan? He said that pinapa-tahimik niya ako kasi maingay ako? Pero siya nama kasi itong nagtatanong sa akin. Gusto kong sumigaw dahil hindi ko talaga alam ang problema niya. Nalilito talaga ako sa nangyari. Kaya bago bago pa ako masiraan ng bait ay kailangan ko ng maligo. Pero ang laking tanga ko dahil wala pala akong towel na dala dito. Binuksan ko ng kaunti ang pintuan at sumilip ako. Wala naman akong nakitang tao kaya sa tingin ko ay umuwi na siya. Naririnig ko pa rin ang malakas na bagsak ng ulan mula sa labas. Pero kasi sumilip ako at wala naman siya. Huminga ako ng malalim bago ako lumabas sa banyo na nakahubad lang. Dahan-dahan lang ang lakad ko dahil nga baka madulas naman ako. Nasa living room pa lang ako nang bigla na lang bumukas ang pintuan kaya para akong napako sa kinatatayuan ko. “Huwag kang pumasok! Pumikit ka!” Sigaw ko kay Lauren. “What the—damn it! Wala akong nakita.” Narinig ko na sambit niya bago tumalikod. Kaya naman mabilis akong tumakbo papasok sa room ko at mabilis kong sinara ang pintuan. My gosh! Nakakahiya! Sobrang nakakahiya talaga! Bakit kasi hindi pa siya umuwi? Bakit kasi nandito pa siya? Oh my gosh! Hindi naman ako v*rgin pero syempre ayaw ko naman na may ibang lalaki ang makakita sa katawan ko. Nagbago na ako at may hiya na ako. Hindi na ako ang dating Katherine na walang pakialam. Ang dating Katherine na masyadong mataas ang tingin sa sarili. After kong malugmok at mabaon sa putik ay doon ko talaga natutunan ang lahat. Doon ko pinili na magbago para sa anak ko at para sa sarili ko. Natutunan ko na may mga bagay na hindi para sa akin. May mga pagkakataon at pangyayari na hindi ko kontrolado at higit sa lahat hindi lahat ay kayang tapatan ng pera. Nang ma-realize ko ang lahat ng ito ay doon ko napagtanto na mali pala ako, na wala pala akong kwentang tao. Napahinga na lang ako ng malalim. Hindi ko kasi alam kung paano ko ba haharapin si Lauren. Alam ko naman na marami na siyang nakitang katawan pero lalaki pa rin siya at babae pa rin ako. Nagbihis na ako at ginawa ko ang mga kailangan ko. Ilang minuto na akong tapos at nakatulala lang ako dito habang nakaupo sa kama ko. Hindi ko kasi alam kung lalabas na ba ako o hindi? Ang alam ko ay hindi siya lumabas dahil sobrang lakas ng ulan at nasa labas pa ang sasakyan niya. Binuksan ko ang phone ko at nalaman ko na may bagyo at dito tatama sa lugar namin. May mga kalsada ng mataas ang tubig at hindi na puwedeng daanan. Ayaw ko mang lumabas ay kailangan kong sabihin sa kanya na delikado na kung sakaling umalis siya. Kapag kasi may nangyari sa kanya ay kargo de konsensya ko pa ito. Kailangan kong balewalain itong hiya na nararamdaman ko. Masyado na akong matanda para masyadong magpaapekto sa tingin mo sasabihin niya. Wala siya dito sa sala pero naririnig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo. Bumalik ako sa room ko para kumuha ng towel. Alam ko kasi na walang towel doon. Kumatok ako. “Why?” Tanong niya sa akin. “‘Yung towel,” sagot ko sa kanya. Wala akong narinig mula sa kanya pero binuksan niya ang pintuan kaya iniabot ko ito sa kanya. Kinuha naman niya ito. Ako naman ay pinili na lang na ayusin ang mesa para makakain na kami. Napangiti ako dahil amoy pa lang ng niluto niya ay mukhang masarap na. Narinig ko na bumukas ang pintuan ng banyo pero hindi ako lumingon. Dahil alam ko na siya ito. “May bagyo pala ngayon. Baha na ang ibang mga kalsada. Hindi ko alam kung makakadaan ka,” sabi ko sa kanya pero nanatili lang siyang tahimik. Nang lumingon ako sa kanya ay nagulat ako dahil topless siya at ang tanging nakatakip lang ay ang sa ibabang parte ng katawan niya. Pumuputok ang abs niya at kitang-kita ko ang butil ng tubig na tumutulo mula sa buhok niya. Kaagad akong umiwas ng tingin. “Wala akong damit na panlalaki kaya wala akong maipapahiram sa ‘yo. Malayo ba ang bahay mo dito? Kung gusto mo ay tatawagan ko na lang si Adam. Puwede akong humiram ng bagong damit para sa—” “May damit ako at hindi ko kailangan ang damit na galing sa ex mo,” sabi niya sa akin na hindi ko alam kung naiinis ba siya o hindi dahil iba ang tono ng boses niya. “Okay, nag-suggest lang ako. Magbihis ka na para makakain na tayo,” sabi ko sa kanya. “Kukunin ko muna ang damit ko sa labas—” “Akin na ang susi ng kotse mo, ako na ang kukuha doon. Baka kasi may makakita pa sa ‘yo na ganyan ang itsura mo. Baka isipin nila ay may relasyon tayo,” sabi ko sa kanya. “Wala namang mali sa—” “Alam ko naman na confident ka sa katawan mo pero kasi iba mag-isip ang ibang tao. Ayaw ko ng eskandalo. Matagal ko ng iniiwasan ‘yon at nagbago na ako. Masyado kang bata para maging laman ng chismis. Kaya sana ay—” “Ang ingay mo talaga,” sabi niya sa akin at bigla na lang niyang hinapit ang baywang ko. Nagkatinginan kaming dalawa hanggang sa muli akong nagulat sa ginawa niya. Hinalikan niya ang labi ko at ako naman itong nakadilat ang mga mata. “Kailangan pa ba kitang utusan na halikan rin ako?” Tanong niya sa akin na alam kong may kasamang utos. “Anong gagawin ko? Dapat ko bang sundin ang batang ito?” Tanong ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD