Habang tahimik lang kaming kumakain sa mesa bigla nalang nagsalita si Grace
" Oyy! Diba magkaklase naman tayo? Baka naman pwede kayong mag-pakilala sa amin para hindi awkward ang atmosphere." sabi nya habang may malaking ngiti sa labi.
" Oo, nga naman, Para makilala rin naman namin kayo diba girls?" kampi naman ni Hanna kay Grace at talagang nagkampihan pa silang dalawa.
" Kaya nga, para may bago naman kaming friend na gwapo, ayy este may bagong friend na transferee pala Sorry." wika naman ni Maica " or ayaw nyo lang talaga kaming maging kaibigan?"wika ni maica kaya nagkatinginan naman silang dawalang magkaibigan.
" Hindi ahh! Gusto nga namin kayong maging kaibigan nitong pare ko ehh, by the way Ako nga pala si David Carson, itong kasama ko naman ay si Renzo Martinez nag transfer kami dito galing sa kabilang university." mahabang paliwanag nya sa amin kaya napatingin ako sa kasama nya, sya pala si Renzo ba't ang tahimik naman ata niya.
" Ah, Hi David and Renzo ako naman si Mary Ann Grace but you can call me mine for short." may landing sabi ni Grace sabay pacute pa na parang baliw.
" Ako naman si Jamica Lyn Santos pwede nyo akong tawagin na Jam or maica pero pwede rin naman na baby kung gusto nyo." isa patong baliw na to halatang halata na nagpapapansin sa dalawang lalaking nasa harap namin ngayon. Hay ewan, ko ba ba't naging kaibigan ko tong mga to.
" Ako naman si Hanna Aquino, Pag may kailangan kayo sabihan nyo lang ako, Akong bahala sa inyo." wika naman ni hanna sabay ngiti sa kanila. Kaya napatingin naman ako sa reaksyon ng dalawang lalaki si Marcos parang kinikilig si Renzo naman tumango lang kay Hannna.
" Huy Mel! Ikaw na." siko sa aking ni hanna kaya napatingin ako sa kanya sabay sabing
" Anong ako na?" tanong ko .
" Mel naman ikaw na ang sunod na magpapakilala sa kanila, Ano ka ba." wika ni maica.
" Ayy ako na ba? Sorry hindi ko napansin, Ako nga pala si Meliza San Jose." pagpapakilala ko sabay ngiti nang bigla nalang nilahad ni renzo ang kamay nya sa harap ko kaya napatingin ako sa mga kaibigan ko na parang bang nagtatanong kung ano ang gagawin, at base sa mga tingin palang nila parang sinasabi nila sa akin na tanggapin ko ang kamay nya.
Kaya naman na kipagkamay narin ako kay renzo pero wala pang isang minuto binawi ko na agad ang kamay ko kaya napangiti si renzo sa ginawa ko, Bakit may na-kakatuwa ba sa ginawa ko? wala naman diba?.
Pero bakit ngumiti sya? hala siguro baliw din tong si Renzo na to. Habang masayang ng nag kwe-kwentohan sila David, Hanna, Maica at Grace kaming dalawa naman ni Renzo ay tahimik lang sa gilid habang nakikinig lang sa kanila hanggang bigla nalang nabaling sa akin ang kuwentuhan nila.
" Huy! Mel ba't ang tahimik mo ngayon hindi ka naman ganyang dati ha? o siguro nagkakaganyan kasi nakausap mo yung crush mong si Marcos no? baling na tanong sa aking ni maica kaya na pa lingon agad ako sa kanya.
" Ano? hindi ah! Bakit bawal na bang maging tahimik lang dito? or baka wala lang talaga ako sa mood magsalita, Ano ba kayo." sabi ko sa kanila.
" Ehh sus! parang hindi ka kinilig kanina ah nung lumapit siya sayo at nakipag-usap sayo, If i know deep inside super kilig mo na." bulalas sa akin ni Hanna.
" Hindi naman talaga ah! " pagdedenay ko pa sa kanila sabay yuko.
" Hindi daw, Pero yumuko naman asus, kilalang kilala ka namin Meliza San Jose hindi mo kami maloloko oyy." Sabi naman ni maica sabay tawa kaya lalo lang akong nahiya, Bwisit naman tong mga kaibigan kung to, talaga bang ipahiya ako sa mga bago naming kakilala, lagot talaga tung mga to sa aking mamaya.
" Ayy teka Mel, yun na yung crush mo kanina yung lalaking kausap mo? eh mas gwapo patong si Renzo sa kanya eh." wika ni David sabay akbay sa kaibigan nya.
" Diba pre mas gwapo ka pa dun? " tanong nya kay Renzo kaya ngumiti naman si Renzo sabay sabi na " Yun na ba ang gwapo para sayo? eh, hindi pa nga yun nakakalahati sa aking." proud na proud na sabi nya sabay tawa na parang nangiinis talaga.
" Oyy wag nyong pagusapan yung crush ni Mel ba ka mapikon yan at masunkot kayo, inlove na inlove pa naman yan kay marcos lagot talaga kayo." bulalas naman ni hanna.
" Ah talaga ba? atleast si Marcos mabait at friendly hindi tulad mo na hindi na nga palangiti ang yabang yabang pa, para kang kung sino." inis na sabi ko kay Renzo kaya lalong nagtawaan naman silang lahat.
Wow naman parang nakalimutan na agad ng mga kaibigan ko na ako talaga yung kaibigan nila at hindi itong si David at Renzo, or sadyang mga traydor lang talaga tong mga kaibigan ko at gusto lang talaga nila akong mainis kasi kung Oo, panalo na sila kasi inis na inis na talaga ako ngayon at kulang nalang na kalimutan ko sila bilang kaibigan.
" Oyy, si Mel pikon, siguro gustong gusto mo talaga si Marcos kasi hindi mo mapigilan na mainis sa amin." wika ni maica na may halong pag iinis parin talaga lang ha.
" Eh bakit ba? wala namang problema kung crush ko sya ha, at saka crush lang naman hindi naman mahal mga baliw to." pagpapaliwanag ko sa kaniya sabay kain ulit nang sandwich ko kanina.
" Kung crush lang naman ang hanap mo pwede naman itong si Renzo oh, available na available pa at gwapo rin naman mabait, at lalong lalo na may pagasa ka sa kanya." wika ni David sabay tawa pero agad din naman na wala ng bigla nalang siyang sikuhin ni Renzo sa tagiliran kaya na tahimik siya sa sakit.
" Yan ang bagay sayo ang dal-dal dal-dal mo kasi buti nga." wika ko naman na may halong pang iinis din.
"Atsaka pano ako magka-kagusto sa kaibigan mo eh! Gwapo nga mayabang naman at lalong lalo na hindi sya tulad ng crush kung si marcos kasi si marcos mabait, Ehh yang kaibigan mo ang hilig mag asar para bang close kami."
mahabang paliwanag ko sa kanila kaya naging dalihan ito ng pagtahimik nilang lahat at napatingin sa akin. Nang bigla nalang tumayo si Renzo sabay sabing
" Hindi nga ako si Marcos kasi magkaibang iba kami. at lalong lalo na wag mo akong ikumpara sa kahit sa sino kasi, hindi ako sila." masungit na sabi nya sabay walk out pa alis kaya natigilan ako, siguro sumobra ako ng nasabi kanina kaya na offend siya. kasalanan din naman nya ha, ang hilig mang inis pero pikon pala.