2

1772 Words
Hindi ako nakatulog dahil sa tagpong yun. Pilitin ko man, halos pabalik-balik naman sa'king balintataw ang kanyang mukha at hubog. Hindi ko tuloy napigilang tayuan. Nagbibilang na lang ako ng sampo para pakalmahin si Manoy. At mabuti na lang, bago pa man mag-umaga ay nakatulog ako. Kaya lang tinanghali naman ako sa Talyer. "Kuya Fred, Good morning po! Tinanghali kayo a!" Bungad sa akin ni Lotti na noon ay medyo abala sa kaka-entertain ng mga bagong customers. Napatango ako't humigop ng mainit na kape. Naligo naman na ako kanina, pero pakiramdam ko parang maalingasaw pa rin. Sa aking paglingon, nakita kong hindi na naman maampat-ampat sa dami ng mga sasakyan at motorsiklong kailangang ayusin. May nadagdag pa. Sa sampung mekanikong na naging tauhan ko, wala ni isang bakante. Kailangan ko na yatang kumilos. Nilapag ko sa counter ang naubos na kape. "Lotti, pakilagay sa kusina 'pag hindi ka na busy." Wika ko. "Opo Kuya! Walang problema. Pero yung si Clea, interviewhin niyo mamaya a!" Excited na sabi nito. Medyo natigilan ako roon, at nandoon na naman ang pakiramdam na parang may nabubuhay sa akin. At tangina! Nakakafrustrate na. Pumwesto ako sa pinakadulo kung saan madalas akong naroon. At nagsimula nang magkumpuni ng mga sasakyang sira. Dalawa ang malapit sa akin na naroon, parehong sports car. Ang alam ko ay parehong babae rin ang may-ari nito. Naging abala ako dahil do'n at hindi ko na namalayan ang oras. Alas onse na pala at tinatawag pa ako ni Lotti mula sa labas. "Kuya... Nandiyan na po si Clea. Pahihintayin ko po ba muna?" Pumikit ako roon, at tinanaw ang mga makinang nasa itaas ko. Umislide ako palabas para maharap noon si Lotti. "Maghuhugas lang ako, pahintayin mo sa loob ng kahera at doon ko iinterviewhin." Tumango ito ng may ngiti sa labi. Mukhang excited nga talaga. Saan ba? Sa pag-alis niya o sa tuluyang pagkakapasok ni Clea? Tinititigan ko ang sarili sa malaking salamin. Maayos naman ang mukha ko maliban sa ilang guhit ng grasa. Inihilamos ko ang tubig at pilit na binubura iyon. Napapikit na naman ako at halos hindi na naman ako lubayan ng mukha niyang inosente. "Tangina!" Napapikit naman ako ng mariin at pumasok sa isa sa mga cubicle at umihi. Kaya lang, pagkatapos ng lahat, bakit nakatayo pa rin?! Tangina! Hindi na malusog 'to. Kahit anong pampakalma at hindi pa rin bumabalik sa dating ayos iyon. Mas lalo akong natatagalan kaya pikit matang hinawakan iyon ng aking palad at ilang ulit na ibinababa-taas. Na ang kanyang inosente at maliit na mukha ang inaalala! "Tangina!" Mahinang mura pagkatapos kong labasan. Nagagalit ako kung bakit ganoon ang tinatakbo ng aking katawan at isipan. Hindi ko lubos maisip kung bakit nalilibugan ako sa batang yun. Hindi ko naman ipagkakaila ang kagandahan at kaseksihan niya ngunit hindi ko rin ipagkakaila na iba ang epekto niya sa akin. Pinakalma ko muna ang sarili bago tuluyang lumabas. Sa tamang bilis ay nilakad ko ang kahera na siya lang ang tao. Nagtaka naman ako sa tila pagkawala ni Lotti. "Ah, Hello po! Good morning po Sir!" Mabilis itong tumayo at bumati sa akin pagkatapos niya akong makita sa labas. "Good morning din. Dala mo ba ang mga kailangan?" "Opo, narito po..." Mabilis na hinagilap nito ang kanyang mga gamit sa isang upuang nasa tapat niya. Mabilis akong umikot at pumasok sa loob. At sa paglingon ko sa harap, hindi ko napigilang mamangha sa mga kalalakihang ayaw lubayan ng titig ang babaeng nasa aking harapan. Hindi lang pala ako ang naaakit sa babaeng 'to. Mas maganda pala ito sa malapitan lalo na't maaliwalas ang kanyang mukha at nakapusod nang maayos ang kanyang mahabang buhok sa likod. Mas iba ang dating niya sa liwanag. Hindi ko na naman mapigilang titigan siya ng matagal. Medyo namumula ang kanyang pisngi at mapula rin ang kanyang labi. Sinong hindi maaakit sa ganitong kagandang babae? "Ito po..." Putol nito sa pagkakatitig ko. Parang nailang siya, ganoon din ako. Tinitigan ko na lamang ang kanyang resume at birth certificate na nilapag niya sa aking harapan. Clea Fleur Radaza, born on August 25, 1999, lives in Tarlac City. May nakita pa akong nakausling papel, diploma niya sa pagkakagraduate nang highschool last year. "Wala ka bang valid ID?" Natanong ko. Ngumiwi ito, at hindi ko na naman napigilang humanga sa mapupulang gilagid niya. Tumikhim ako't nilingon ang malaking space sa gitna. Nandoon pa rin ang mga kalalakihang pinaghalong customers at mekaniko na nakatingin dito sa kahera. Noon lang sila umiwas nang makita nilang nakatitig ako sa kanila. "Kung wala, okay na ang mga 'to." Sagot ko at nilingon siya. Noon naman siya ngumiti ng matipid. Hindi ko na naman napigilan ang sariling mamangha sa ganda niyang taglay. Para bang dinaya ng panahon. At ngayon nga'y ito ang resulta. "Maalam ka ba sa Math?" Naitanong ko kalaunan. "Opo." Mabilis na sagot nito. Tumango ako. Noon naman dumating si Lotti na nakatingin sa'ming nasa loob ng kahera. "Ano, Kuya? Okay ba?" Tanong nito pero nakakindat kay Clea na noon ay nakalingon sa kanya. "Oo... Simulan mo nang e-train bukas." Nakangising saad ko, kalaunan lumingon si Clea sa akin na parang bang hindi makapaniwala. Agad na ginagap nito ang aking kamay. Na siyang ikinabigla ko. Nalaglag nga ang mga mata ko sa kanyang dalawang kamay. Noon ko lang napansin ang mga mapapayat at mahahaba niyang mga daliri. Bagay sa mala-labanos niyang kutis. "Salamat po Sir, salamat po talaga!" Di magkamayaw na sabi nito. Tumango ako bilang ganti at pagkatapos ay binitawan niya na rin ako. "Ikaw nang bahala, Lotti." Tumalikod ako't lumabas sa kahera. Kailangan ko nang pangdistract. At sa tingin ko, kailangan ko rin abalahin ang sarili sa dami ng aayusin ngayon. Kahit sa paglabas, hindi maipagkakaila na pinagtitinginan pa rin siya ng mga kalalakihan. May ilang hindi naman nakatingin, dahil mga babae at mga binabae iyon. May isa pang binabae na lumapit sa kanya pagkalakad nito palabas ng Talyer. Umiling ito sa kung anumang sinabi no'n at nagmamadali na ring magtawag ng tricycle pauwi sa kanila. Napahinga naman ako ng malalim. Sa pagsilip ko sa sout na relo, nakita kong malapit na palang mag-ala una. Tangina! Pati sa pananghalian ay nakalimutan ko pa. Kaunti na lang naman ang mga customers na nandarito. Ang ilan ay abala sa pagpapahinga sa isang sofa sa tabi. "Lotti." Tawag ko noon kay Lotti na medyo nakakunot ang noo at may kausap na customer sa harap ng kahera. "Bakit po Kuya?" Mukhang nakalimutan din ng isang 'to. "Lunch time... Tawagin mo ang first batch." "Tatapusin ko lang po ito." Mahigit limang minuto rin akong naghintay bago tuluyang dumating ang lima sa sampung mga mekaniko. Kasama rin si Lotti. Nasa tapat lang naman ng Talyer ang kainan kaya pwedeng tumawid na lang. "Ganda no'ng kahalili mo Lotti. Saan mo ba nahanap yun?" Tanong ni Jude, isa sa mga medyo matagal na rin. Tatlong taon na itong nagtatrabaho sa akin. "Lah! Interesado Jude? Bata pa yun 'no! Tsaka boardmate ko yun sa kina Ate Melai. Tubong Tarlac." Ngumiti si Jude pagkarinig sa impormasyon. Ganoon din ako. Napakagandang bata nga naman talaga. "May boyfriend na ba yon?" Hindi napigilang itanong ni Jude. Lahat kami ay napatingin sa kanya. Lahat din ay interesado. Nahuli kong nakangisi sa akin si Lotti. Na para bang alam niyang nagkakainteres din ako sa batang yun. Umiling ako bilang sagot. Mas lalong lumawak ang kanyang ngisi. "As far as I've remembered, nabanggit niyang wala." "Yes!" Humalakhak na sigaw ni Jude. Napatawa niya rin ang iba. Ako lang yata ang hindi magawang matawa. "Tseh." Narinig kong singhal ni Lotti, kaya napatingin ako sa kanya. At nadatnan kong kanina pa pala nakatingin ito sa akin. "Wag Jude. Wag. Mukhang may ibang tao rito ang nagkakagusto na roon sa dalaga. Sa iba na lang." Natatawang wika ni Lotti. Tuluyan akong natahimik at ang mga kasama naming mekaniko ngayo'y nakatutok na sa akin. Nagpipigil naman ako ng ngiti at binaling na lamang sa mga ulam ang aking pansin. "Ano bang gusto niyo?" Tanong ko. "Wooohhh!" Sigawan ng mga kasama namin. Napatawa ako at umiiling-iling na nagbukas pa ng mga ulam. "Iba. Sa wakas tinamaan ka rin Boss. Baka yan na si the right one! Kung siya naman ang magugustuhan mo Boss. Willing kaming magparaya." Biro ni Melchor. Hanggang sa pumasok kami sa loob, puro tuksuhan ang mga ginagawa nila. Nakisali pa ang dalawang serbedura na noon ay binibiro pa ako lalo. "Sus! Kinikilig ka naman diyan Kuya! Alam mo no'ng isang gabi pa kita napapansin. Parang iba kasi yung tingin mo kay Clea. So saan ka dinala no'ng mga sinabi mo? Kita mo pati ikaw nagugustuhan na yung bata." Segunda ni Lotti. Hindi ako makapaniwalang ako na ngayon ang tinutukso ng mga tauhan ko. Hindi ko naman magawang mag-deny sa katutuhanan na nagkakainteres ako roon sa bata. "Alam niyo namang hindi pwede... Mukhang tatay na ako noon." Natatawang sabi ko. Natahimik naman sila. At si Melchor lang yata ang nagkalakas loob na basagin ang pader sa sinabi ko. "Batang ama Boss? E ilang taon na ba yun, Lotti?" Tanong niya sa kahera ko. "18." Simpleng sagot nito na noon ay kumakain sa tapat ko. "O? E di 17 years gap. Hindi na masama Boss. Yung iba nga diyan, 15 pa lang pero humigit kumulang 40 yung kasintahan o asawa. Di'ba mas pangit iyon? Sa panahong ngayon, age doesn't matter. At sa tingin ko bagay naman kayo no'ng dalaga. Gwapo ka, maganda siya. Magandang baby ang kalalabasan." Naghahalakhakang nag-ingay na naman ang mga mekanikong kasama namin noon ni Lotti. Napapailing na lang ako sa kakulitan nila. Minsan sinasakyan ko naman ang mga biro ngunit kadalasan mas nananaig sa akin ang katahimikan. Naging abala rin kami kinahapunan. Tulad ng mga nagdaang araw, ginabi na naman kami bago natapos ang mga trabaho. Tulad ng dati, kaming apat na lang ang naiwan. Sina Aldo at Joseff ay nag-aayos ng mga naiwang gamit. Hindi katagalan tumigil din sila at naligo sa common bathroom. "Kuya... Pwede po bang hanggang next week na lang ako?" Maya'y tanong ni Lotti. Kaming dalawa na lang ang nandoon. "Pwede naman Lotti, pero sana maturuan mo kaagad iyong bata." Sabi ko. Ngumiti ito at nagbilang ulit ng kita sa araw na yun. Hinatid ko rin siya kalaunan. Hindi ko na nagawang dumaan sa katabi niyang kwarto dahil wala namang rason para pumasok pa ako sa loob. Nagpaalam din kaagad ako at dumaan sa isang nakabukas na karinderya para bumili ng mauulam sa gabing yun. Pagkatapos maglinis ng katawan ay umakyat na ako't natulog ng maaga. Hindi ko nga lang mawari ang sarili kung bakit gusto kong maagang magising kinabukasan. Unang araw niya. Ano pa nga ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD