“At saan ka matutulog?” Nakataas ang kilay na tanong ni Xanthe nang makita niyang kumuha ng unan si Westley sa kabinet. “Beside you.” sagot nito sa kanya pagkatapos ay ipinatong ang unang sa kanyang tabi. “Diba sabi ko? No kissing, no hugging, no touching? Bakit dito ka matutulog?” “Baby–” “May hawak ba akong tsupon?” inis na sabi ni Xanthe. Akala niya ata madadala siya sa mga pa-baby nitong endearment. “Eh Anong gusto mong itawag ko sayo? Asawa ko?” “Tawagin mo ako sa pangalan ko dahil hindi naman tayo.” seryosong Sabi ni Xanthe sa kanya. “Okay, Xan. Hindi ako kasya sofa. Saka Wala naman sa deal natin na bawal tayong magtabi diba?” Katwiran ni Westley sa kanya. Umusod si Xanthe at nagpatong ng maraming unan sa gitna niya upang boundary nilang dalawa. “Kapag lumagpas ang ka

