IKADALAMPU'T TATLO

1437 Words

“Ahhhh!!!” Bumagsak sa sahig ang mga mamahalin na alak nang itumba ito ni Mr. Wang sa labis na galit. Ilang buwan nang sunod-sunod na bumabagsak ang kanilang mga negosyo at isa-isa na ring umalis ang kanilang mga VIP client at alam niyang si Lord Spade ang may pakana nito. “Mr. Zhu, mainit na naman ang ulo mo dahil sa Lord Spade na yun. Bakit kasi hindi mo na lang siya ipapatay? Marami tayong skilled assassin na kayang pumaslang sa gaya niya hindi ba?” Ani ng ama ni Deo na si Park Tzung Tang. “Hindi siya madaling kalaban Tzung. Alam mo yan. Kaya nga dapat hindi ko na pinakawalan ang kapatid niya. Para bigyan siya ng babala na kung hindi siya titigil sa pangingipit sa Wang Clan ay papaslangin namin ito. Ngunit hindi lang si Deo ang naki-usap sa akin. Pati na rin si Zai na may hawak dito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD