“Dad, puwede bang ipatigil niyo na Kay Tito Demeanor ang punishment ni Genesis. Hindi sa kinakampihan ko ang ginawa niyang pagtakas sa ating clan. Labin-limang taon na ang nakakaraan. Pero paano kung hindi niya makayanan ang isang daan na latigo? Matagal natin hinintay ang pagkakataon na ito. Ang makabalik siya tapos ito ang sasalubong sa kanya?” katwiran ni Deo sa kanyang ama. “Shut up Deo! Hindi lang milyon ang nawala sa atin para mahanap lang ang babaeng yun! Kung tutuusin kulang pa ang parusa niya sa kahangalan niya! At ikaw? Hindi ka man lang ba nagagalit na Ang babaeng yun na tumira sa iisang bubong kasama ng ibang lalaki?!” “Wala na ang lalaking yun, inihulog ko na siya sa Laguna de bay at hindi mahalaga sa akin kung may nangyari man sa kanila o wala ang gusto ko lang matuloy na A

