PROLOGUE

998 Words
SOBRANG LAKAS ng ulan, na may kasamang kulog at kidlat. Madilim ang buong paligid ng kalsada. Ilang araw nang walang tigil ang buhos ng ulan gawa ng may paparating na bagyo. Pero sinuong ni Sheryl ang masamang panahon kahit lubhang delikado para sa kanya. Kapapanganak lang niya at hindi pa lubusang naghihilom ang tahi sa kanyang tiyan, pero kailangan niyang gumawa ng paraan para mailigtas ang buhay ng anak na nasa panganib ang buhay. Hindi niya kakayanin kung mawawala sa kanya ang anak nang hindi siya nakagagawa ng paraan. Agad na pumara ng taxi'ng masasakyan si Sheryl na maghahatid sa kanya sa bahay ng mga Lizalde. Mahigit kalahating oras ang lumipas nang huminto ang sasakyan sa harap ng malaking gate. Nang makababa halos kalampagin niya ang gate at paulit-ulit na pinindot ang doorbell. Hindi alintana ang malakas na ulan. Nanginginig ang tuhod, at may nararamdaman kaunting kirot mula sa tahi sa tiyan, pero nagtiis si Sheryl at naghintay. Hindi siya pwedeng umalis, kahit walang kasiguraduhan kung haharapin siya ni Victoria Lizalde. Muli niyang kinalampag ang gate ng paulit-ulit. Kailangan niyang maka-usap si Victoria Lizalde dahil alam niyang ito lang ang makakatulong sa kanya. Desperado na siya. Ang pride niya kapalit ng buhay ng anak niya ang nakasalalay. Kahit nangako si Sheryl na hindi na muling magpapakita sa mga ito, lalong lalo na kay Cupid pero heto siya at nilulunok ang kakaunting pride na meron siya. Abot-abot ang dasal niya na sana naroon si Victoria Lizalde. Dahil madalas mag out of town ang ginang at bihira lang maglagi sa bahay nito. Nakahinga ng maluwag si Sheryl nang maramdamang may paparating. "Pisteng yawa! neh, Kinsa man gyud neng sigeg katok? Ay bayhana ka!" Gulat na gulat ito ng makita siya. "Maam, Sheril, ano pung ginagawa niyo dito? Ay maulan!" Nagmamadaling binuksan nito ang gate. "Si Maam Victoria nandiyan ba?" "Opo. Pero kabilin-bilinan po niya na huwag daw po kayong papasukin. Kaya umalis na po kayo maam." Akmang isasara na nito ang gate nang magmakaawa siya dito. "Please, Annette kailangan ko siyang makausap. Kapag hindi niya kamo ako hinarap, ang anak niya ang pupuntahan ko. Maghihintay ako dito at hindi ako aalis." "Susubukan ko po maam, pero malalagot po talaga ako," sabi nito na sinara ang gate pagkatapos ay nagmamadaling bumalik ng mansyon. Matiyagang naghintay si Sheryl sa labas. "What the golddigger b***h doing here?" Napaatras si Sheryl ng makita ang nanlilisik na mata ni Dianna--Cupid, younger sister. Hindi niya naramdaman ang pagbaba nito mula sa sasakyan. "Ang mama mo ang gusto kong kausapin hindi ikaw," matapang na sabi niya. "Huh! Bakit naubos na ba ang perang binigay namin sa 'yo at nanghihingi ka ulit?" Hindi niya sinagot ito, ayaw niyang aksayahin ang natitirang lakas niya para patulan ito. "So, tama ako? Silent means Yes. Makapal 'din ang mukha mo noh, inutusan ka ba ng lalaki mo na hingian ulit kami ng pera." "Hindi mo alam ang sinasabi mo." "Abat–" "Dianna, pumasok ka na! Ako na ang bahalang kumausap sa kanya." anang boses ni Victoria Lizalde na paparating, "Mommy! Are you serious? Paalisin nalang na 'tin siya. Sigurado ako na hihingian na raman tayo ng pera ng babaeng 'yan! We are not charitable institutions just to let this woman milking us whenever she wants." Masakit man ang mga salitang sinabi ni Diana. Wala siyang magawa dahil may katotohanan ang sinabi nito kung bakit siya nagpakita kahit nangako na siya at may kasunduan na sila ni Victoria. "I said go inside, now!" sigaw nito sa anak na walang nagawa kundi tumalikod pero bago iyon muli itong nagsalita. "I'm warning you, Sheryl, Don't ever come near to my brother again. Ako ang makakalaban mo."  Pagkasabi nito at tuluyan na itong umalis. "Sa loob tayo mag-usap." Sumunod si Sheryl nang dalhin siya ng ginang sa malawak na silid, "Maupo ka," kalmadong sabi nito. "Salamat." "Anong sadya mo?" "Pasensya na po."  Hindi ba may usapan na tayo na hindi ka na magpapakita?" Naglabas ito ng checkbook mula sa drawer ng mini table. "How much? I know money is the reason kung bakit mo ako pinuntahan sa pamamahay ko."  "Pa-pasensya na po ma'am Victoria. Pero kailangan ko po talaga ng pera ngayon. 'Yung ka-kalahating halaga na binigay niyo gusto ko po'ng kunin," pikit matang sabi niya. "I see. So, hindi nga ako nagkamali na pera lang ang habol mo sa anak ko." Kailanman ay hindi pumasok sa isip ni Sheryl na magmakaawa. Pero ngayon alang-alang sa anak niya na nasa hospital.  Tandang-tanda niya kung paano siya magmatigas sa ina ni Cupid, na hindi niya hihiwalayan ang anak nito, na patutunayan niya dito na hindi pera ang habol niya. Pero sa huli, kakainin din pala niya ang sinabi sa harap mismo ng ina ni Cupid. Noon ay isang milyon ang binibigay ni Victoria sa kanya kapalit ng paglayo niya sa anak nito. Pero kalahati lang ang kinuha niya dahil noong mga panahon na iyon ay kailangan niyang tanggapin ang inaalok nitong pera dahil wala siyang pagpipilian. "Ibibigay ko ang hinihingi mo–" "W-wala na po akong pakialam sa anak niyo. Basta bigyan niyo lang po sa akin ang napagkasunduang pera. Nangangako po ako na magpapakalayo-layo na ako at hindi na magpapakita sa inyo." Buo ang loob na sabi ni Sheryl. "That's what I want to here from you. Dadagdagan ko ang bayad," nakangiting sabi nito habang nagsusulat ng presyo sa blank check. At matapos kunin ni Sheryl ang tseke nagulat siya kung magkano ang sinulat nito. "Sobra sobra na po ito maam Victoria!" akmang tatanggi si Sheryl. Limang milyon seryoso? "Maliit na bagay lang 'yan kapalit ng paglayo mo sa anak ko." Biglang kumirot ang dibdib ni Sheryl. Hanggang ngayon ay mahal pa 'rin niya si Cupid. Kahit isang taon na ang nakalipas nang maghiwalay sila. Tanggap na niya, na kailanman hindi niya pwedeng hangarin ang isang katulad ni Cupid Lizalde. Kahit hindi siya tumanggap ng pera mula sa ina nito. Nasisiguro niyang gagawa ito ng paraan para paghiwalayin sila ng anak nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD