CHAPTER TWO

1483 Words
"NAKIPAG-AWAY KA?!" Nanlaki ang mata ni Sheryl nang makita ang mga pasa at galos sa mag-kabilang braso ng anak. May sugat din ito sa bibig. Ito ang unang beses na may tumawag sa kanya sa school na na-involve ang anak niya sa gulo. Wala siyang nagawa kundi mag-absent sa trabaho. Dahil pinapatawag ang mga magulang ng anak na na-involve sa away. At tanging anak lang niya ang nag-iisang babae. For Pete sake! kababaeng tao ng anak niya ang mga kaaway nito ay mga lalaki. "Pinagtanggol ko lang ang sarili ko, mommy." nakangusong sabi nito. "That's not the reason para makipag-away ka. This is not you anak. Hindi kita tinuruan na makipag-away lalo na at puro mga lalaki pa ang kaaway mo," hinila niya ito at dinala kung saan nakalagay ang mga first aid kit. " I treat your wound. Basta mangako ka sa 'kin na hindi ka na makikipag-away. " "I can't promise." Parang hindi man lang ito umaray habang dina-dampian niya ng bulak ang mga galos nito. "So, bakit ka nakipag-away?" "Dahil sinumbong ko sila kay Ma'am. I saw them stealing money from Oliver. I don't get it bakit kailangan nilang gawin 'yun sa classmate namin. Hindi na nga siya bumibili ng pagkain sa canteen para lang may pamasahe siya . Sigurado ako gusto lang nilang pag-trip-an yung classmate namin, katulad din ng ginagawa nila sa iba." Bigla siyang may naalala. "Ah, Kaya ba gusto mong dadagdagan 'yun baon mo. Binibigay mo ba 'yung iba kay Oliver." Tumango ito. Bukod sa pera pinababaunan din niya ng pagkain si Tyronia. "Inabangan nila ako sa labas ng school building," sumbong nito. "I don't want to be called weak, mommy. Kaya nang itulak ako ni Samuel at natumba, tinulak ko din siya at sinapak. Akala 'ata nila hindi ko sila kaya," matapang na sabi nito. Kasamang pinatawag din ang kaibigan nitong si Baxter. Hindi niya alam kung saan ito nagmana. Umiling-iling na sabi niya. Paano pa kaya kung nging lalaki ito. "Tyronia... You are sweet and lovely child. Why don't you play with the girls at your age." Nang hindi ka umasta na parang lalaki. Umiling lang ito. Ayaw nito ng mga manika na binibili niya. Mas gusto lang nitong maglaro sa harap ng computer. Napabuntong hininga nalang siya at pinaghanda ito ng snack. Pinanood niya ito habang kumakain. Ngayon lang niya napansin na nakuha pala nito ang magandang mata ni Cupid but the rest, Tyronia look like her a lot. "Gusto mo bang mamasyal tayo?" tanong niya sa anak. "I know some place you like. How about we go in Science Museum. Hindi ba matagal mo nang gustong makapunta doon?" "Yes po," matipid na sagot nito. "Pero bakit parang hindi ka naman excited." Kung dati nagtatalon pa ito sa tuwa ngayon simpleng tango nalang. "Mas masaya sana kung may daddy din ako katulad ni Tristan," malungkot na sabi nito at tiningnan siya sa mata. Here we go again... Mukhang alam na niya kung saan papunta ang usapan. "Lagi silang namamasyal ng mga magulang niya. Hinahatid at sinusundo 'rin siya palagi ng daddy niya sa school. Naiinggit ako kasi buo 'yung pamilya nila." "Bakit masaya naman tayo kahit tayo lang, ah." Niyakap niya ito. "I'll tell you soon pero hindi pa ngayon anak. Hindi mo 'rin maiintindihan." "Kahit pangalan nalang ni Daddy. I promise Hindi ko na kayo kukulitin ng tungkol sa kaniya." Hindi alam ni Sheryl ay may nakuhang lumang larawan si Tyronia sa lagayan niya ng mahahalagang gamit. Kaya nagsimula itong magtanong tungkol sa ama nito. Wala siyang nagawa kundi sabihin dito ang pangalan ng ama nito. Para tigilan na siya ng anak. Pero hindi niya sinabi na Lizalde. Cupid Anstacio, ang pakilala sa kanya noong una silang magkita at 'yun ang sinabi niya sa anak. Nagmamadaling inubos nito ang kinakain at nagpaalam ng pupunta sa kwarto nito. Sinundan nalang niya ito ng tingin. * * * * * "SIGURADO KA BA Ron? Siya ang Daddy mo. Imposible." Hindi ito naniwala nang ipakita niya ang picture ng isang lalaki na nahanap niya sa Google. Palihim na pinasok niya ang tablet sa bag at dinala sa school. Breaktime at halos lahat ng mga kaklase nila ay nasa labas para maglaro. Samantalang nagpaiwan sila ni Baxter sa room. Siguradong pagagalitan siya ng mommy niya kapag nalaman nitong dinala niya ang tablet na pinapa-gamit lang sa kanya pag week ends. "Siya nga ito, Baxter. May picture ako na nahuha sa gamit ni mommy. At magkamukha sila." "Ang yaman niyan, sure ka. Teka English yung nakasulat mahina ako diyan hindi ko maintindihan." Umiling iling ito. Pero siya naiintindihan niya. Ang sabi sa article nakatakdang manahin ng daddy niya ang milyon milyong investment at negosyo. "Tingin ko nakita ko na siya isang beses," sabi niya sa kaibigan. Pinagpuyatan niya ang paghahanap sa internet pero sa lahat ng picture na lumabas na may pangalang Cupid Anastacio ay hindi tumugma sa lalaking nasa larawan na nakita niya sa gamit ng mommy niya. Pero may lumabas na Cupid Lizalde ng i-search niya ang pangalang sinabi ng mama niya. At malaki ang pagkakahawig nito sa larawan. "Saan mo siya nakita?" Binulong niya dito maging ang gagawin niya kapag nagpakita uli ang lalaki sa bahay nila. Noong una natakot siya dahil ilang beses niyang nakita ang magarang sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay nila. Nasa labas siya niyon at nakikipaglaro ng lumabas ito sa sasakyan nito at tumambay sa tindahan. Walang pasok ang mommy niya nang araw na iyon kaya pinayagan siyang lumabas ng bahay. Napansin niyang hindi 'rin nagtagal ang lalaki at umalis na 'rin. Nakita niya pa ito isang beses ng mamukhaan niya ang sasakyan nito. * * * * * "SAGUTIN MO na kasi ako Sheryl. I can be a father figure to Tyronia." Biglang singit ni Paul na biglang sumulpot sa mesa nila sa canteen. Office mate niya na matagal ng nagpapalipad hangin sa kanya. Breaktime kaya naikwento niya kay Mia ang problema niya sa anak, kung bakit lumiban siya sa trabaho noong isang araw. Nginitian nalang niya si Paul. Kahit anong gawin niya hindi niya talaga ito magustuhan. Gwapo naman si Paul may magandang posisyon sa kumpanya. Pero wala siyang nararamdaman na kahit ano dito. "Hindi ka 'rin makaintindi noh. Hindi ka magugustuhan ni Sheryl. Babaero ka at lahat nalang ng babaeng nakapalda gusto mong patusin." "Hindi kaya. Sinisira mo ako kay Sheryl," tanggi nito na napakamot sa ulo. "Hindi ba totoo? Eh bakit pinagkakalat ni Janette na kayo na daw." Tukoy nito sa katrabaho nila sa kabilang department. Nabigla ito. "Naalala ko may kailangan pa pala akong tapusin. Sige maiwan ko na kayo." Nagmamadaling umalis na ito kaya naiwan ulit silang dalawa ni Mia. "Gagong 'yon. Hilatsa palang ng mukha manloloko na. Ilan na kaya ang na-bilog nang lalaking 'yun, " Biglang sabi nito. Tumingin ito sa kanya. "Bakit hindi ka nalang maghanap ng magiging tatay ng anak mo. Just get a man, you're not any younger Sheryl. Gusto mo may ipapakilala ako sa 'yo." Natatawang umiling lang siya. "Don't tell me mahal mo pa 'rin ang tatay ng anak mo." "Matagal na kaming wala at masaya naman kami ni Tyronia kahit dalawa lang kami." "Pero iba pa 'rin kung may katuwang ka sa pag-aalaga sa anak mo. Kami nga ng asawa ko, kahit may hindi kami pagkakaunawaan. Matatag pa 'rin. Pero curious lang ako. Sino ba 'yang tatay ng anak mo? Gwapo ba? Anong trabaho?Magkwento ka naman." Wala siyang napagsabihan nang tungkol kay Cupid. Pero hindi naman masama kung ikukwento niya kahit kaunti. "Na meet ko siya ng malasing ako. It was after Graduation ng magkayayaan kaming mag-celebrate ng mga kaklase ko. Nakita niya akong nalasing at hinaharass ng customer din sa bar. Dinala niya ako sa hotel–" "May nangyari sa inyo?" "Walang nangyari sa 'min. Nang magising ako doon ko nalaman na siya ang tumulong sa akin ng malasing ako. Nag-offer pa nga siya na ihatid ako sa bahay pero tumanggi ako. Ayokong may masabi ang tiyahin ko kung bakit hindi ako umuwi sa bahay," pagkukwento niya. "Hindi ko alam na magkikita ulit kami. Hotel Manager pala siya at Kaka-hire lang sa 'kin as human resource sa isang manpower agency. Nagkaroon kami ng convention at ang hotel kung saan siya nagtatatrabaho doon ginanap. Doon niya hiningi 'yung number ko. Naging magka-text kami, Hanggang sa niligawan niya ako at naging kami." Dahil akala ko simpleng tao lang siya at hindi mayaman. Pero sa isang iglap doon ko nalaman kung gaano kayaman ang pamilya niya. Magiging isa rin sa dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay kay Cupid. He was born with a golden spoon on his mouth. "Paano kayo naghiwalay?" Doon siya natahimik. Malamang hindi ito maniniwala kapag sinabi niyang ang tatay ni Tyronia ay walang iba kundi si Cupid Lizalde, laman ng mga business magazine at lagi din itong napi-pi- feature sa mga articles at news.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD