Kabanata 5: Isang Panaginip

1549 Words
Nagising si Lili kinabukasan at napansin niyang nakahiga pa rin siya sa dibdib ni Diogo. Sa kabila ng nangyari kagabi, nakakaramdam parin siya ng comfort sa mga braso nito, at ilang sandal pa ang nakalipas ay nakaramdam na sya ng pagnanasa dito. Gusto niyang mas lumapit pa, kaya dahan-dahan niyang inilapat ang kanyang kamay sa tiyan ni Diogo, at huminto malapit sa kanyang p*********i. Ang pagnanasa ni Lily na hawakan si Diogo doon ay mas tumindi, ngunit alam niyang hindi niya ito kayang gawin. Ano kaya ang sasabihin niya kapag nagising siya? At ‘yun nga ang nangyari. Hindi nagtagal ay nagising na si Diago. Narinig ni Lili ang malalalim nitong paghinga, kaya ipinikit niya ang kanyang mga mata. Nararamdaman niyang hinawakan nito ang kanyang kamay at dahan-dahang ibinalik ito sa kanyang dibdib. Inaasahan na niyang papagalitan siya nito, nang biglang may maisip siyang idea. Nagkunwari syang umuungol na parang nananaginip ng masama, habang gumagalaw ang kanyang ulo. Narinig ni Lili na nagsalita si Diogo. "Lili, Lili, okay ka lang ba?" tanong nito. "Uh-huh?" kunwaring pagtataka. Mabilis siyang umupo at nag-ayos ng sarili. "Okay ka lang ba? Di ka mapakali at umuungol. Kaya naisip kong gisingin ka," sabi ni Diogo. "Nanaginip lang ako nang masama," kasinungalingang sagot niya. "Tapos na ‘yun, Princess. Halika, bigyan mo ako ng yakap," sabi ni Diogo. Pumwesto siya sa pagitan ng mga binti ni Diogo at niyakap ito. "Maligayang Kaarawan, Lili. Sana hindi maapektohan ng nangyari kahapon ang espesyal na trip na ito." Tumango siya at mas lalong idinikit pa ang kanyang sarili. "Matulog pa tayo nang kaunti," mungkahi ni Lili. "Hindi mo ba gustong lumabas? Mag-enjoy? Mag-explore sa beach? Kaarawan mo ngayon," tanong ni Diogo. Kumilos lang si Lili na parang hindi sumasang-ayon. Nagbuntonghininga si Diogo at pinikit ang kanyang mga mata. Nakaramdam siya ng guilt at nagdesisyon na sundin ang kahilingan ni Lili. Humiga siyang muli at hinila si Lili at niyakap palapit sa kanyang dibdib. Naramdaman ni Lili ang comfort, pag-aalaga, proteksyon, at relaxation, kaya’t hindi nagtagal ay nakatulog siyang muli. Nang magising sila, tanghali na. Nagdesisyon silang mag-order ng pagkain mula sa hotel, at habang naghihintay na dumating, ay lumabas sandali si Diogo. Pagbalik niya, kumatok siya sa pinto. Mabilis itong binuksan ni Lili, akala’y isa sa mga staff ng hotel. Ngunit nagulat siya nang makita si Diogo na nakatayo doon, hawak ang isang bouquet ng mga rosas. "Para sa akin ba ang mga ito?" tanong niya, nanlaki ang kanyang mga mata sa surpresa. "Sino pa nga ba?” sagot ni Diogo, iniabot ang bouquet ng mga rosas sa kanya. Kinuha ni Lili ang mga bulaklak, nilanghap ang matamis nitong amoy, at pagkatapos ay niyakap si Diogo ng mahigpit. "Salamat, Diogo. Ang ganda nila." "Recommended ng receptionist ang isang magandang restawran, at nakapagpareserba na ako para mamaya. Kaya... papayag ka bang lumabas at kumain kasama ko?" tanong ni Diogo. "Oo naman, gusto ko!" sagot ni Lili nang masaya. "Magandang balita! Kain na tayo. Kakadating lang ng pagkain. Mainit pa at amoy na amoy ang sarap." Hinawakan ni Lili ang kamay ni Diogo at dinala patungo cart kung saan nakalagay ang mga pagkain. Ipinatong ni Lili ang mga rosas sa ilalim ng maliit na mesa, at inayos nila ang mga dishes bago sila umupo sa kama upang ienjoy ang pagkain. Pagkatapos ng tanghalian, humiga si Lili sa kama niya, hawak ang unan. Napansin ni Diogo na nasasakop ni Lili ang space na para sana sa kanya at nagsalita. "Bakit hindi ka na lang pumunta sa kama mo, iha?" tanong niya. "Kasi mas komportable ako dito," sagot ni Lili. "Pero pareho lang naman sila," komento ni Diogo. "Sabihin mo nga, paano kayo nagkakilala ng mommy ko? Hindi niya kasi ako kinukwentuhan," tanong ni Lili pagkatapos ng ilang sandali. Umuupo si Diogo sa gilid ng kama at dahan-dahang inalis ang buhok na tumatakip sa mukha ni Lili. Huminga siya nang malalim at nagsimulang magkwento. "Ang mommy mo ay nagtatrabaho sa kumpanya bilang isang tagalinis. Nang una ko siyang makita, may naramdaman ako sa loob ko na kailangan ko siyang makasama," pagsisimula ni Diogo. "Pag-ibig ba agad 'yun?" tanong ni Lili. "Siguro tadhana. Hindi madali makuha ang tiwala niya. Palagi siyang malungkot at laging umiiwas. Pero nung nakuha ko ang tiwala niya, naintindihan ko kung bakit siya ganoon. Pagkatapos nun, parang natural na lang at mabilis ang lahat. Nag-uusap kami habang nililinis niya ang kwarto ko, tapos... well, hindi mo na kailangang malaman ang mga detalye," sabi ni Diogo, na ikinatawa ni Lili. "Hindi naman ako matra-traumatize niyan. Pero sabihin mo, kailan kayo nag-move-in sa bahay mo?" tanong ni Lili. "Nagde-date na kami ng ilang buwan, at sigurado na akong gusto kona siyang makasama. Ganoon din siya. Sa totoo lang, ipinarating ko na ang nais ko na maging higit pa sa kanyang kasintahan. Pero parang nag-atubili siya. Handa na siyang umalis sa bahay nya, pero natatakot siya sa mga posibleng mangyari. Natatakot siya sa mga pwedeng gawin ng lalaking iyon sa kanya... Isang araw, dumating siya sa kumpanya at nagsimulang iwasan ako. Alam kong may mali, at totoo nga. Nang magtagpo kami, narealize ko kung anong nangyari. Sinaktan siya, may mga marka sa kanyang katawan. Sa mga sandaling iyon, nagdesisyon na akong hindi na siya pabalik sa bahay na 'yun. Pero nag-aalala din siya tungkol sa iyo. Kaya agad kaming pumunta sa school mo, at nang makita kita, may naramdaman akong kailangan ko kayong alagaan. Isa kang maganda at matalinong bata, kagaya ng mommy mo. Pero tulad niya, kailangan ko munang makuha ang tiwala mo," ikwento ni Diogo. "At nagawa mo," sagot ni Lili. "At talagang sulit, aking mahal na munting prinsesa," tugon ni Diogo. Nakangiting ibinalik ni Lili ang kanyang sinabi. Habang nakikinig siya sa kwento ni Diogo, ang mga pagdududa ay nagsimulang gumapang sa kanyang isipan, at napaisip tungkol sa pagtigil nya sa kanyang mga binabalak. Dahan-dahang hinawakan ni Diogo ang kanyang kamay at inalalayan siya sa isang kamangha-manghang hardin na pinapalibutan ng iba't ibang ilaw, at pinalamutian ng kislap ng mga bituin. Pakiramdam ni Lili ay pamilyar ito, at hindi nagtagal ay naisip niyang ito ay hardin ng bahay ni Diogo. Nang pumasok sila, itinulak siya ni Diogo papunta sa pader at hinalikan siya ng may kasabikan. Ang halik ay matindi, malakas, at naramdaman niyang ang buong katawan niya ay sumuko na sa kanyang mga yakap. Ang mga halik ay lumipat patungo sa kanyang leeg, dahilan upang maglabas siya ng mahinang ungol at tawagin ang pangalan ni Diogo, "Diogo..." "Lili, gising!" narinig niyang sinabi ni Diogo. Unti-unti, naglaho ang mga imahe dahil sa kanyang pagkakagising. Nasa tabi niya si Diogo, tinitingnan siya ng may tanong na tingin. "Ano'ng napanaginipan mo?" tanong niya. Tahimik lang si Lili, inaalala ang panaginip, at namula ang mga pisngi dahil sa pagkahiya. Kaya nagdesisyon siyang magsinungaling para maiwasan ang kahihiyan. "Oo... napanaginipan ko na kinikiliti mo ako. Buti na lang at ginising mo ako. Uh, excuse me, kailangan ko lang mag-CR," mabilis siyang tumayo at nagmamadaling pumasok sa banyo, Hindi makapaniwala. Hindi nya akalaing makakatulog sya. Pagpasok sa banyo, tumingin siya sa salamin at huminga nang malalim. "Diyos ko, gusto ko ang lalaking ito," bulong niya sa sarili, bahagyang hinaplos ang kanyang labi, habang naalala ang matinding halik. Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik na si Lili sa kwarto. Si Diogo ay nakahiga sa kama, abala sa kanyang cellphone. Tumingin siya kay Lili at tumawa. "Ano'ng pinagtatawanan mo?" tanong ni Lili. "Isipin mo nga yung mga staff na kailangang palitan ang sapin ng kama dahil sa nabasa ng ihi," sabi niya, tumatawa, at naisip ni Lili, "Kung alam mo lang." "Ang tanga mo, kahit kanino ay pwedeng mangyari 'yan, pati sayo. Pangako ko, kapag matanda ka na at senile, tatawa ako tuwing mangyayari 'yan sa 'yo," sagot ni Lili, nang nakangiti at palihim na lumapit sa kama ni Diogo. “Tatanda ka rin," sagot ni Diogo. "Pero aabutin pa ng napakatagal na panahon 'yan. Pero ikaw, well, parang nandiyan ka na," pang-aasar ni Lili. "Hindi ako ganun, at malinaw na naaalala ko na sinabi mo lang kahapon na mukhang bata pa ako," sagot ni Diogo, mabilis na umupo. "Baka nagsinungaling lang ako," sagot ni Lili, na nagbigay ng nakakatawang ngiti. "Siguro ay hindi ka nananaginip; may premonition ka na," sabi ni Diogo, hinawakan ang braso ni Lili at nagsimulang kilitiin siya. Sobra ang tawa ni Lili, sinusubukang umiwas sa pagkiliti, ngunit mas malakas at mabilis si Diogo. "Stop, Diogo," pakiusap ni Lili. Pero hinawakan siya ni Diogo ng mahigpit sa kanyang kandungan at ipinagpatuloy ang pang-kikiliti. Tumulo ang mga luha sa gilid ng kanyang mata dahil sa sobrang pagtawa. "Diogo, iihi ako sa kandungan mo kapag pinagpatuloy mo 'yan," warning ni Lili, habang patuloy pa rin ng kakatawa. Agad na tumigil si Diogo at tinitigan siya at nagtanong. "Seryoso ka?" "Hindi, pero sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa," sagot ni Lili. Nagkatawanan sila at nagyakapan ng mahigpit. Ipinatong ni Lili ang kanyang mukha sa leeg ni Diogo, habang nilalanghap ang nakakarelax na amoy nito. "It’s getting late, at hindi ko alam kung naaalala mo, pero aalis tayo para kumain," sabi ni Diogo. "I completely forgot. Maghahanda na ako, okay?" "Mauna na akong maligo, kasi kapag ikaw ang pumasok sa banyo, ilang oras ka bago lumabas," pang-aasar ni Diogo. Tumawa lang si Lili sa sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD