C12: Reasons

1338 Words
C12: Reasons "Anong nangyari sa leeg mo, Davien?" Kunot noong tanong ni Eli sa noybong may maliliit na pantal sa leeg. Ngayon lamang nakakita nito ang dalaga parang kinagat ng lamok o langgam pero mas malala ang pantal. "Kinamot ko lang kagabi. Nasobrahan yata sa kamot. Ang kati eh." Dahilan ng binata. Pauwi na sila ng apartment ng dalaga at doon siya ngayon matutulog para bumawi. "Anong gusto mong lutuin kong ulam?" "Ikaw na ang bahala. Masarap naman lahat ng niluluto mo eh." Nakangiting sagot ni Davien. Nakalimutan agad niya ang mga nangyari sa kanila ni Veronica. Ganito siya lately. Hindi niya na na-eenjoy ang mga paburito niyang babae sa kanyang listahan kaya isa-isa na rin niya itong kinakalimutan pero natutuwa pa rin naman siya kapag may nai-kakama. Nang makarating sa apartment ng dalaga ay hinawakan ng binata ang kamay nito para pigilang lumabas ng sasakyan. "Bakit?" Pagtataka ang dalaga nang balingan niya ang nobyo na seryosong nakatingin sa kanya. Hindi sumagot ang binata. Inalis niya lang ang seatbelt saka kinabig ang mukha ni Eli papalapit sa mukha niya. He kissed Eli breathlessly na agad namang nadala ang dalaga. She even pulled Davien, too. This kind of kiss is the most magical kiss he ever felt kaya walang araw na hindi niya mahahalikan ang dalaga. Bumaba ang mga kamay ng binata sa bewang ng dalaga. Humaplos-haplos ito doon then he stopped. Pinagdikit niya ang kanilang mga noo saka humabol ng hininga. Ngumiti si Eli na namumula saka yumakap sa binata. - Graduating na sila kaya nabibusy sa school works ang dalaga na kahit miss na miss na niya ang binata ay hindi niya magawang makipag-date dito na every Sunday nila nagagawa dati. Kulang ang twice a week na pagtulog ng binata sa apartment ng dalaga para mawala ang pagka-miss ni Eli dito. Their relationship's has been mature katulad ng isipan ng dalaga dahil sa binata. They are almost one year in a relationship and it's getting complicated habang tumatagal dahil sa paulit-ulit na away-bati nila sa maliliit na bagay na kahit nakasanayan na nila'y ikinagagalit pa rin ni Davien. Katulad na lamang ngayon na may balak si Eli na mangibang bansa after graduation nila. Ayaw ng binata dahil para sa kanya ay si Eli lang ang safe zone niya maliban kay Jayson na may sarili din namang plano sa buhay. "Davien! Oy!" Walang ganang lumabas ang binata sa apartment ng dalaga habang nakasunod si Eli na gusto pa sanang magpaliwanag sa kanyang desisyon. Agad na pinaharurot ng binata ang kanyang sasakyan saka tinatawagan ang isa sa mga natitira niyang paburitong babaeng si Kelly. Dumiretso siya sa hotel kung saan ito makikipagkita. "Hi, Davien. Long time no see." Nakangising bungad ni Kelly kay Davien nang magkita sila sa parking area ng hotel. Pagkapasok nila sa elevator ng hotel ay agad na hinalikan ng binata si Kelly na sinabayan naman agad nito. Pagkahinto ng elevator sa lobby ay agad silang tumigil. Walang mkikitang emosyon sa mukha ni Davien. He booked a room saka sila muling sumakay sa elevator. Pagkapasok ng room nila ay ipinagpatuloy nila ang nasimulan sa elevator. Agad na hinubad ng binata ang saplot ni Kelly saka siya naghubad at hinalikang muli ang mga pabi nito. Doon kahit nangingibabaw ang konsensya ng binata sa ginagawa ay hindi wala siyang pakialam. Poproblemahin lang niya ang konsensya niya kung mahuhuli siya ni Eli. "F*ck!" Hinihingal na sambit ng binata nang makaraos sa ikatlong pagkakataon. "More?" Malanding tanong ni Kelly dito pero imbis na sumagot ay bumangon si Davien saka isinuot ang hinubad niya. Kinuha ng binata ang bag niya saka kinuha ang isang pack ng sigarilyo at nanigarilyo sa parteng terrace ng room nila. Dahan-dahan namang lumapit si Kelly saka yumakap mula sa likuran nito. "I missed you, Davien." Bulong ni Kelly saka dinampian ng halik ang batok ng binata, "I'm expecting na sa pagkikita nating muli ay magseseryoso ka na sa akin pero mukha hindi na 'yon mangyayari. You're in love with someone. Am I right?" Pinatay ng binata ang sinindihang sigarilyo saka hinarap si Kelly. "I'm not in love with someone or anyone." Seryosong sabi ng binata dito saka muling nagdikit ang kanilang mga labi. And for the first time hindi niya ginawa ang 'f*ck and go' policy niya. - Dahil walang natatanggap na text o chat si Eli dahil nag-away sila ng binata minabuting puntahan niya ito sa bahay. Pagdating niya sa tapat ng gate ng bahay nila Davien ay agad siyang nagdoorbell. It's already nine in the evening kaya nakauwi na sa bahay ang ama ni Davien. Pinapasok siya ng isang katulong sa bahay. Naupo siya nang makarating sila sa sala. Napatayo naman agad ang binata nang dumating ang ama ni Davien sa sala para harapin siya. "Ija, what brought you here?" "Itatanong ko lang po sana kung nandito si Davien." "Wala siya dito. Akala ko nga kasama mo. Saan nanaman kaya pumunta ang batang 'yon." Pagtataka nito kahit may ideya na siya kung saan. "Salamat po. Sige po. Uwi na po ako." "Late na ah. Mag-ingat ka. Don't worry about my son. Uuwi din 'yon." Namomroblemang nakauwi ang dalaga sa apartment niya. Hindi siya makatulog kaya puyat siya kinabukasan sa paaralan. Pinuntahan pa niya ang room nito pero si Jayson lang ang naabutan niya. "Hinahanap mo si Davien?" Biglang tanong ni Jayson nang makita siya. "Oo. Alam mo ba kung nasaan siya?" Napabuntong hininga si Jayson saka yinaya sa canteen si Eli para makapag-usap sila. "Maupo ka muna. Gusto mo ba ng juice?" "Hindi na. Anong pag-uusapan natin? Nakausap mo ba si Davien?" Naupo sila pareho saka muling napabuntonghininga si Jayson. "Sorry, Eli. Malaki ang kasalanan ko sa'yo. Alam kong mabuti kang tao kaya ko ito sasabihin sa'yo." Mahinang sabi ni Jayson habang naguguluhang nakatingin sa kanya ang dalaga, "You deserve someone who will value your worth, Eli. Who will love you more than you love him. And that's not Davien." "Ano bang sinasabi mo, Jayson? Hindi kita maintindihan. Pakilinaw naman." Kinakabahang sambit ng dalaga. "I challenged Davien to court you and be his girl. Premyo niya ang sasakyan ko. Dahil kinumpiska ang sasakyan niya ni Tito. Noong naligawan ka niya at naging kayo, sinabihan ko siyang umamin na lang about sa challenge na napag-usapan namin para hindi ka masaktan pa." Seryosong kwento ni Jayson na nahihirapang magpaliwanag. Unti-unting nagtubig ang mga mata ni Eli, "I'm really sorry dahil dinamay pa kita sa kalokohan naming magkaibigan pero ilang beses ko na siyang pinagsabihan na tigilan ka na dahil nakuha na niya ang gusto niya. Hindi ko ito sinasabi para sinisiraan ang kaibigan ko, gusto ko lang tapusin na itong kalokohan niya. Gusto ko siyang matuto sa pagkakamali ko pero hindi niya magawa. Ikaw na ang bahala sa kung anong magiging desisyon mo sa relasyon niyo. Alam kong pagkatapos nito'y hindi na ako mapapatawad pa ni Davien pero kung ito lang ang daan para maitama ko ang pagkakamali, be it. I'm really sorry, Eli." Madamdaming pagtatapos nito sa kwento. Hindi makapaniwalang nakatingin lang si Eli kay Jayson habang lumuluha nang hindi niya napapansin. Biglang napatayo si Eli saka iniwan si Jayson sa canteen. Pilit na pinahid ni Eli ang kanyang mga luha. Kailangan niyang kumalma sa sakit na nadarama at pakinggan ang side ni Davien pero mukhang mahihirapan siyang magtanong pa kaya sa ngayon ay, itatago na lamang niya ang sakit. He texted Jayson na 'wag ipaalam kay Davien na alam na niya ang lahat. 'Hindi pala totoong seryoso siya't mahal niya ako. Ang t*ng* ko!' Pagkatapos ng klase ay agad ng umuwi si Eli at doon ibinuhos lahat ng sama ng loob sa pag-iyak. Ngayon lamang siya nasaktan ng ganito. Mas masakit pa sa sakit na naramdaman niya noong iwan sila ng kanyang sariling ama. Para siyang hinihika sa kakahikbi. Hindi niya alam kung mapapatawad pa niya si Davien o magagawa pa niyang pakinggan kung may paliwanag man itong ibibigay sa kanya. Natatakot siya sa katotohanan kahit alam na niya talaga ang totoo. Hahayaan niya pa ba itong kausapin siya at magpaliwanag sa kanya? -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD