C6: First Kiss

1193 Words
C6: First Kiss "G*g* ka talaga, dude!" Natatawang bungad ni Jayson kay Davien nang makapasok sa classroom nila. "Bakit?" "It's been one week since nakuha mo ang gusto mong kotse galing sa akin. Eh ba't 'di mo na tinigilan si Eli? Mukha ngang nag-eenjoy ka pa." Kumento nito sa napapansin. "It's for me to keep and for you to f*ck*ng shut up, dude." He replied. "Baka magkaproblema ka diyan, dude." He warned. "Ako ang bahala. Nakakatuwa nga eh. Mapupuntahan ko siya sa apartment niya kung kailan ko gustuhin kasi nasa probinsya nila ang buo niyang pamilya!" Nakangising sabi ni Davien. "At sasamantalahin mo ang pagkakataon? Mahirap 'yan. Hindi si Eli katulad ng mga babae mo." He warned with a concern look. "For the record, dude. Kailangan kong mapakinabangan ang pinaghirapan ko. Mag pipitong buwan rin ang paghihirap ko." Dahilan niya rito. "Hindi ka naman nahirapan. Madalas ka lang masupalpal at mapahiya." Natatawang kumento ni Jayson saka napailing-iling. Ayaw niyang isipin ang mga pusible mangyari sa kaibigan. - Tuwing uwian ay nakaabang na si Davien sa labas ng classroom nila Eli. Hinihintay ang dalaga para maihatid niya. Madalas na niya itong ihatid pauwi at minsan lang sila magsabay papasok ng paaralan dahil may ibang agenda ang binata tuwing gabi na naabutan ng madaling araw o umaga na kaya madalas na ma-late ang binata sa first class nito. "Nauna na si Jayson?" Kumportableng bungad na tanong ni Eli nang makalabas ng classroom nila. "As always." Tipid na sagot ng binata. Minsan kasi ay magkasama ang magkaibigan kapag maghihintay kay Eli si Davien saka lang sila maghihiwalay sa parking area. Ang binata ang nagbuhat sa bag ni Eli na puno ng libro na nakasanayan na rin ng binata. It's been two months since he decided to pursue courting Eli kahit tapos na ang usapan nila ni Jayson. Friends na rin sila sa f*******: ngayon kung saan pareho silang hindi ganoon ka-active doon. May cellphone number na din sila ng isa't-isa pero nasa mahahalagang tao ang numero ni Eli sa isang simcard ng binata na bilang lang ang nakalagay na numero. Hindi niya itinuturing na isa sa mga paburito niyang babae si Eli, hindi niya alam kung ano ito pero sigurado siyang nag iisa lang si Eli sa mundong ito. Mabait si Eli kaya ang konsensyang tumubo noon sa kanya ay nadadagdagan pa habang tumatagal na nagkakasama sila na hindi man lang ina-acknowlege ng binata sa sarili niya. "Maupo ka muna." Sabi ni Eli nang makapasok sila sa apartment nitong hindi kalakihan sakto lang sa isang tao. Ilang beses na din namang nakapasok dito si Davien. Walang tv at radio kaya medyo boring sa loob. Buti na lamang may cellphone na laging naka-music. "Saan ka pupunta?" Biglang tanong ni Davien dito nang papalabas na sana ng pintuan si Eli. "Bibili ako ng meryenda." " 'Wag na. Nagpadeliver na ako. Umuulan eh." " 'Di mo nanaman sa akin sinabi." "Eh nagbibihis ka." Dahilan ng binata. Nakinig lang sila ng music habang hinihintay ang pagdating ng pinadeliver na pagkain. "Gusto mo bang kape muna?" Tanong ng dalaga dito. "Iba gusto ko." "Anong gusto mo? Ba't ba parang 'di ka mapakali diyan? Masakit ba ang upuan?" "Hindi. Sanay na ako sa upuan mo dito eh." Natatawang komento ng binata, "Ito ang gusto ko." Dugtong pa nito saka biglang dinampian ng halik sa labi ang dalaga na nagulat sa ginawa ng binata. "Hala!" Biglang sambit ng dalaga saka ito namula. Nagulat. "Ang cute mo!" Patawa-tawang sabi ng binata. "Ba't mo 'yon ginawa?!" Biglang simangot ng dalaga. "Huh? Sorry. Nabigla lang din ako." Pagdadahilan ng binata. May bigla namang kumatok sa pintuan kaya naagaw nito ang atensyon nila. Sabay silang napatayo at pinuntahan ito. Bumungad ang delivery boy. Binayaran ito ni Davien saka bumalik sa pagkakaupo nila. Pizza ang pinadeliver nito with drinks. "Kain na." Biglang sabi ni Davien dito. Kumain naman sila ng tahimik dahil pinatay na ni Eli ang music. "Galit ka ba sa ginawa ko kanina?" Nagdadalawang isip na tanong ng binata dito nang matapos sila sa pagkain. Umiling na lamang ang dalaga. "Nagulat lang ako." Mahinang sagot ng dalaga, "First kiss ko kasi 'yon." Mas mahina pang dugtong nito. Napangiti bigla ang binata saka hinila sa yakap ang dalaga. Maya-maya ay naisipan ng umuwi ng binata. "Ang lakas ng ulan. Mamaya ka na umuwi. Madulas ang daan." Biglang sabi ni Eli dito. "Sige." Agad na sagot ng binata, "Pero inaantok. Pwede ba muna makitulog?" "A-s-sige." Inayos ng dalaga ang higaan niyang single bed bago pinahiga doon si Davien. "Sa'n ka pupunta?" Tanong ng binata dito nang akmang aalis na ang dalaga. "S-sa labas." Hinawakan ni Davien ang isang kamay nito saka hinila si Eli kaya napaupo bigla ang dalaga sa tabi ng kama. "Dito ka lang. Higa ka din dito sa tabi ko." "Maliit lang ang 'to. Baka mahulog ako." Natatawang sabi ng dalaga. "Hindi ka mahuhulog. Hahawakan kita ng mahigpit. Kung sakali man na mahulog ka, sasaluhin na lang kita." 'F*ck! What am I saying?!' " 'Wag na. Matulog ka na muna. Gigisingin kita kapag medyo humina na ang ulan o tumigil na." "Sige." Nagising na lang si Davien ay hindi pa rin humihina ang ulan. Parang mas lumalakas pa ito. "May bagyo yata." Biglang sabi ni Davien saka humikab. "Oo nga eh. Paano na 'yan? Baka hanapin ka sainyo." Mahinang sabi ng dalaga dito. "Hindi. Wala namang nag-aalala sa akin doon." Natatawang sagot ng binata. "Grabe naman." "Tatawag na lang ako sa bahay." Sabi na lamang ni Davien. Nagluto si Eli ng makakain nilang hapunan na nagustuhan naman ng binata. "Magaling ka pa lang magluto." "Salamat. Bata pa lang kasi ako. Marunong na ako. Si Mama ang nagturo sa akin." Nakangiting sagot ng dalaga. Napahigpit naman ang kapit ng binata sa spoon and fork nitong hawak. "Close kayo ng Mama mo?" "Oo. Don't worry kapag nakilala mo ang Mama ko pwede mo na rin siyang ituring na Mama mo." Pagpapagaan ng loob nito sa binata na alam ng dalagang wala ang ina nito sa tabi. Sa paraang 'yon ay gumaan naman kahit papa'no ang loob ng binata. Pagkatapos kumain ay naghugas na ng pinagkainan ang dalaga saka inayos muli ang mahihigaan ng binata. "Saan ka matutulog? Kung hindi ka tatabi sa akin ngayon?" Pagtataka ng binata. "Sa lapag. May maliit naman akong carpet eh." Dahilan ng dalaga. "Mamaya maapakan kita. Dito ka na kasi. Para walang harang sa lapag." Tumitig muna ang dalaga sa mga mata ng binata na para bang may ipinaparating. "Wala akong gagawing hindi mo magugustuhan, Eli. Don't worry." Paninigurado ng binata saka lamang nakahinga ng maluwag anhmg dalaga. 'Sh*t! Mukhang 'di ako makakatulog nito.' Ito ang unang pagkakataong may katabi siyang babaeng hindi niya pwedeng galawin. Nakapajama at t-shirt ang dalaga. Puno ng kaba ang dib-dib nito nang mahiga na siya sa tabi ng binata. Hindi man komportable sa posisyon nilang nakayakap sa baywang niya ang binata ay nakatulog pa rin naman ang dalaga. Samantalang ang binatang inaantok na ang diwa ay nagising na at hirap na hirap makatulog. 'F*ck! Dapat pala hinayaan ko na lang siyang matulog sa lapag. Kung ganito din lang namang walang magandang mangyayari sa pagtatabi namin.' -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD