C10: It's Official

1248 Words
C10: It's Official Dalawang araw na nanatili si Davien sa apartment ni Eli para bantayan at alagaan ang dalaga. "Sigurado ka bang hindi na masama ang pakiramdam mo?" Paninigurado ng binata dahil gusto na agad pumasok ng dalaga sa klase. "Oo naman. Ang galing kaya ng nag-alaga sa akin." Nangingiting sagot ng dalaga dito. "Magaling talaga? Eh ngayon lang ako nag-alaga ng may sakit." Natatawang sabi ng binata. "Ang swerte ko pala kung gano'n! Thank you." Nakangiting sabi ng dalaga saka mabilisang hinalikan ang pisngi ng binata, "Pumapayag na ako, Davien." "Huh? Pumapayag kang ano?" Gulat na tanong ng binata. "Na maging tayo na." "Sh*t! Really?" Tarantang sambit ng binata saka yinakap ang dalaga. Bakit parang ang saya-saya ng binata? - Pagdating sa kanilang paaralan ay agad itong ibinalita ng binata sa kaibigan. "Seryoso?" Panonigurado ni Jayson. "Oo nga. Alam mo ba ang feeling na nagbunga na ang paghihirap ko? Ang sarap sa pakiramdam, dude!" He said with satisfaction written on his face. "So, ano plano mo ngayon?" May panunuksong tanong ni Jayson dito. "Anong plano? Wala akong plano." Natatawang sagot naman ng binata. "G*g*! Anong wala kang plano? Plano mo sa buhay ngayon!" "Wala nga kasi." "Wala talaga? As in wala kang balak na baguhin ang nakasanayan mong pambababae kung saan-saan?" "Sh*t! Hinaan mo nga ang boses mo, dude! Baka mamaya marinig ka ni Eli." Tarantang sambit nito. "Patay tayo diyan! Ibig sabihin ba nito, wala kang balak seryosohin siya?" Mahinang tanong ni Jayson. "Hindi ko alam." May pagdadalawang isip na sagot nito. "Anong hindi mo alam? Kailangan alam mo na. Baka nakakalimutan mong ito ang unang pagkakataong pumasokka sa isang relasyon." "Hindi ko nakakalimutan, dude. Hindi ko lang talaga alam. Tyaka alam mo namang hangga't nag eenjoy akong kasama ang isang babae, hindi ko sila binibitawan 'di ba?" Napabuntonghininga si Jayson saka napailing-iling. "Paano kung hindi ka na mag enjoy kasama siya? Iiwan mo? Makikipagbreak ka?" Sunod-sunod na seryosong tanong ni Jayson dito. "Ganoon naman lagi eh. Ba't ba ang seryoso mo ngayon? Nag away ba kayo ni Riona? 'Wag mo akong dinadamay sa away niyo." "Hindi kami nag away. Ang akin lang naman kung wala ka naman pa lang balak na seryosohin si Eli, sana hindi mo na ginirlfriend." "Kanino ba itong idea? Idea na ligawan siya at maging girlfriend ko?" "Pero wala akong sinabing lokohin mo. Sinabihan na kita noon pa bago pa maging kayo." " 'Wag mo na nga akong pakialaman. Alam ko ang ginagawa ko." Pagmamatigas niya sa kaibigan. "Alam mo pala pero wala kang plano." "Problema ko na 'yon, dude. Easy ka lang." - Tuluyan na ngang napamahal si Eli sa binata na lahat ng nakikita niya'y kabutihan lamang mula dito. Naikikwento na rin niya ito sa pamilya niya sa probinsya. "Saan tayo pupunta?" Pagtataka ni Eli nang mapansin niyang iba ang daan na tinatahak ng sasakyan ni Davien. "Sa bahay." Kaswal na sagot ng binata. "Huh? Bakit?!" Gulat na tanong ng dalaga na agad na sinalakay ng kaba. "I want you to meet my Dad." "Hala! Ba't 'di mo naman sinabi agad? Nakakahiya. Hindi ko man lang napaghandaan." Sunod-sunod na sambit ng dalaga na ikinatawa ng binata. "Don't worry. Harmless din naman si Dad. Katulad ko." What he really means is pareho silang babaero at maloko ng kanyang ama na gusto niyang asarin sa pagdala niya ng babae sa bahay nila sa unang pagkakataon. Gusto lang talaga niyang mabawasan ang konsensyang nararamdaman niya sa dalaga kaya niya ipapakilala sa kanyang ama bilang girlfriend na ngayon lamang niya gagawin na nagbabakasaling makakadagdag sa tiwala ng dalaga na seryoso talaga siya dito. Magkahawak kamay silang pumasok sa bahay nila Davien. Agad silang sinalubong ng mga katulong na may pagtataka sa mga mukha nilang nakatingin sa kanila. "Stop staring and go back to work." Seryosong utos ni Davien sa mga ito na tinapik naman ng dalaga. "Nakakatakot ka namang amo." Puna ng dalaga dito. "Kung hindi ko sila tatakutin eh baka pagchismisan tayo." "Sa bagay pero 'wag naman masyado." "Okay." Saktong pagkapasok nila sa living area ay nandoon nanonood ang ama ng binata. "Good afternoon po." Kinakabahang bati ni Eli sa ama ng binata. Pinisil naman ni Davien ang kamay ng dalaga para iparating na 'wag kabahan. "Dad, this is Eli my girlfriend." Pakilala ni Davien kay Eli sa kanyang ama na kunot noong nakatingin sa kanila na may pagtataka. "Hi, Eli. I'm Homer. Davien's father. Nice to finally meet my son's girlfriend. This is unbelievable." Hindi makapaniwalang sabi ng ama ng binata saka nakipagkamay sa dalaga saka binalinangan si Davien, "I'm hoping that you're serious with her dahil ngayon ka pa lang nagpakilala ng girlfriend mo sa akin." Natatawang sabi nito sa kanyang anak. "Of course." Walang ganang sagot ng binata sa ama, "Sige. Alis na kami. Ihahatid ko pa ang girlfriend ko." Dugtong pa ng binata saka hinila si Eli. "Hoy! Grabe ka naman. Alis agad tayo?" "Oo." Agad na sagot ng binata habang palabas na sila ng bahay. Hinayaan na lamang siya ng kanyang ama na mukhang natuwa sa pagpapakilala niya kay Eli. - Naging active na rin ang f*******: account nila lalo na si Eli para lang i-stalk at kausapin ang boyfriend niya. May in a relationship status na rin sila. Madalas na ring makitulog ang binata sa apartment ng dalaga kahit naka-electric fan lang sila doon at masikip ang kama. Twice a week lang naman na hinahayaan lang ng dalaga dahil masaya siyang kasama ito kahit parang ang dami ng iniisip. Hindi sila nagsi-celebrate ng monthsary dahil hindi 'yon uso sa kanila pero inaabangan ng dalaga ang anniversary nila. "Malapit na maluto ang sinigang. Sino ba 'yang katext mo't tumatawa ka mag-isa? Si Jayson ba?" Tanong ni Eli dito. "Oo." Agad naman sagot ni Davien na hindi binabalingan ng tingin ang dalaga. Madalas na may katext ang binata na hindi naman maiwasang isipan ng masama ni Eli pero hinahayaan na lamang niya dahil malaki ang tiwala niya dito. Isang beses na rin niya itong nakitaan ng ilang condom sa bag noong nilinis niya ang bag nito pero hindi 'yon alam ng binata. Wala namang nangyayari sa kanila para hindi niya pagtakahan kung saan ito ginagamit ng binata. Gusto niyang magtanong pero hindi niya magawa dahil natatakot siya sa pwede nitong isagot. Ayaw niya na ring mapalayo o mahiwalay sa binata. Hulog na hulog na siya dito. Habang kumakain sila naisipang magkwento ng dalaga dito. "Alam mo sabi nila, playboy will always be a playboy." Kwento ng dalaga saka sumubo ng kanin at ulam bago tiningnan ang reaction ng binatang biglang napatingin sa dalaga, "Dati naniniwala ako kaya ang tagal bago ako naniwalang seryoso ka sa akin." Napatigil sa pagnguya ng kinakain si Davien at kumunot ang kanyang noo kaya uminom ang dalaga ng tubig, "Kaya isa sa mga kinatatakutan ko na bumalik ka sa dati, Davien." Mahinang dugtong pa ng dalaga. "You're thinking too much, Eli. Kumain na lang tayo." Sabi na lamang ng binatang tinamaan nanaman ng konsensya. "Hindi mo naman ako iiwan 'di ba? Hindi mo ako ipagpapalit sa iba 'di ba? Mahal mo ako 'di ba?" Paninigurado ng dalaga dito. "Yes, Eli. So, stop thinking too much." He lied pero nangingibabaw pa rin ang konsensya niya sa lahat ng pagsisinungaling at pagpapanggap niya. Hindi nga lang sapat para itigil niya ang mga ginagawa niyang kalokohan. Nabawasan pero hindi pa rin niya natitigilan. Ilang beses na din siyang pinagsabihan ni Jayson na ngayon ay bumabalik na sa pagiging good boy para sa babaeng kinababaliwan nito. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD