Akala ni Helen, matatapos na ang lahat noong nagsumbong siya kay Tita Juana. Bagaman hindi siya pinaniwalaan, umaasa pa rin siya na sa pamamagitan ng distansya at pag-iwas, hindi na siya gagalawin o lalapastanganin pa ng mag-ama. Ngunit nagkamali siya dahil simula lang pala yun.
Mula noon, ilang beses na niyang nahuli ang mag-ama na binobosohan siya, minsan sa bintana ng kwarto, minsan sa siwang ng pintuan ng banyo. Gabi-gabi ay binabalot siya takot---sa takot na baka hindi siya makaligtas sa kamay ng mag-ama…Para siyang ibong nakakulong sa hawla, dahil alam niyang pinagmamasdan ng mga matang may masamang balak kapag nakahanap ng tiyempo.
Isang gabi, mahimbing na natutulog si Helen nang maramdaman niya ang bigat sa kanyang dibdib. Pagdilat niya, nanlaki ang mga mata niya sa nakita, ang kanyang tiyuhin, nakapatong sa kanya, at ang malamig nitong kamay ay nakahawak na sa kanyang bewang.
“Tito! Anong ginagawa mo?!” halos pasigaw niyang tanong, sabay pilit na itinulak ang mabigat na katawan ng lalaki.
Ngumisi ito, mabaho ang hininga, at bumulong, “Wala ito, Helen… matagal na kitang gusto. Bibigyan kita ng pera. Pumayag ka na,” bulong nito sa kanya.
“Umalis ka! Hayop ka!” sigaw ni Helen sabay bigwas ng kamay sa mukha nito. Nagpumiglas siya, tinadyakan ang tiyan ng lalaki, at sa kabutihang-palad ay natumba ito sa sahig.
Nagising ang mga kasama nila sa bahay dahil sa ingay. Ilang saglit lang, bumaba si Tita Juana mula sa itaas..“Anong nangyayari dito?!” singhal nito.
“Juana, inaakit ako ng pamangkin mo! Siya ang pumasok sa kwarto ko kanina!” agad na wika ni Tito Lucas kaya natigilan ako.
“Ano?! Hindi po totoo ’yan!” halos maiyak si Helen. “Tita sinubukan niya akong gaha--…” Hindi na niya natapos dahil nanginginig na ang boses niya sa takot at galit.
Ngunit imbes na siya ay unawain, mariing tumingin si Tita Juana sa kanya. “Wala kang hiya, Helen. Pagkatapos kitang kupkupin dito, ganito igaganti mo? Inaakit mo pa ang asawa ko?”
“Tita, hindi! Ako ang biktima rito! Bakit hindi mo ako paniwalaan?” pakiusap ni Helen, halos maglupasay sa sahig. Nanghihina siya.
“Tumahimik ka!” sigaw ni Tita Juana. “Kung ayaw mong malintikan, magbago ka ng ugali mo at huwag mo nang ulitin ito. Huling babala ’yan!”
Naiwan si Helen na nanginginig at hindi makapaniwala. Ang lalaking halos lapastanganin siya, nakaligtas na parang walang kasalanan. Ang babaeng inaasahan niyang kakampi, ipinagtanggol pa ang asawa.
Habang umiiyak si Helen sa gilid, isang masamang tingin ang pinukol sa kanya ni Vanessa.
“Malandi ka kasi, tulad ng nanay mo. Wala kang patawad. Pati ba naman si Papa? Nakakadiri ka!”
Halos hindi makahinga si Helen sa narinig. Hindi siya makapaniwala na kayang palagpasin ng tiyahin niya ang ginawa ng asawa nito at siya pa ito ang nagmukhang manyakis.
“Dapat kasi ako na lang, Vanessa. Kaya naman kitang dalhin sa langit,” sabat ni Marco, nakangisi at nakatingin kay Helen na parang isang hayop na naglalaway.
“Kuya!” mabilis na saway ni Vanessa. “Nakakadiri ka! Papatol ka na nga lang, sa basura pa.”
Tumawa si Marco, malisyoso ang mga mata. “Eh kung ayaw niya kay Papa, baka ako naman ang magustuhan. Mas bata, mas matibay.”
Nanlamig ang buong katawan ni Helen dahil sa narinig. Takot na takot na nga siya ay nagtatawanan pa ang mga ito… Ang lalaking halos lapastanganin siya, nakaligtas na parang walang kasalanan.
****************
Habang nagluluto si Helen sa kusina, pilit niyang kinakalma ang sarili. Bagamat hindi na siya panatag sa mga nangyayari ay pinipilit niya pa rin na maging maayos ang lahat… May plano na siya, tatakas siya sa impyernong bahay na ito..Subalit kahit anong gawin niya, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Pakiramdam niya ay laging may matang nakasunod sa kanya…Narinig niya ang mabibigat na yabag mula sa likod. Kilala niya ang yabag na iyon. Hindi na niya kailangang lumingon para malaman kung sino. Ang lakas ng t***k ng puso niya. Inabot niya rin ang kutsilyo kung sakali man na may gawin ito sa kanya. Nilamon na yata ng droga ang utak ng kanyang tiyuhin.
“Tito…” mahina niyang usal, halos pabulong.
Lumapit si Lucas, nakangisi, at tumayo sa tabi niya. Ramdam ni Helen ang malamig nitong hininga na dumampi sa kanyang pisngi habang nagsasalita. Bahagya siyang lumayo.
“Ang kapal mo rin ano? Para magsumbong sa tita mo?” ani nito, puno ng panunuya.
Mariing napakapit si Helen sa kutsilyo na hawak niya, pilit pinapakalma ang sarili. Hindi siya agad sumagot.
“Sa tingin mo maniniwala siya sa’yo? Hah! Tingnan mo ang sarili mo, Helen. Wala kang silbi. Walang maniniwala sa iyo,” bulong nito, halos idikit ang bibig sa tenga niya.
Kinagat ni Helen ang kanyang labi, pinipigilang umiyak. “Tito, tama na. Wala akong kasalanan sa inyo. Bakit kailangan bastusin mo ako ng ganito?”
Tumawa si Lucas, nakakapangilabot ang boses nito. “Pasalamat ka at walang nangyari sa atin kagabi. Pero wag kang mag-alala…” Huminto siya saglit at lalo pang inilapit ang mukha kay Helen. “May ibang araw pa naman. At sa araw na ’yon, sisiguraduhin kong hindi ka na makakawala. Tandaan mo ’yan.”
Nanginginig ang kamay ni Helen habang hinahalo ang niluluto. Pinipilit niyang itago ang panginginig ng kanyang katawan, ngunit halata iyon kay Lucas.
“Tingnan mo ’yang katawan mo…” bulong nito, nakamasid sa kanya na parang hayop na gutom. “Sayang lang kung hindi matitikman ng lalaki. Hindi ka na inosente, hindi ba? Kaya ano pa ang inaarte mo? Katulad ka rin ng ina mo na nabuntis ng kung sinong lalaki.”
“Tumigil ka!” halos pasigaw na tugon ni Helen, sabay lingon dito. Nagbabadyang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. “Hindi ako ganyan! Hindi ako gaya ng iniisip mo! At lalong wag mong idamay si Nanay dito dahil kung tutuusin mas malinis siya kesa sa inyo!” sigaw niya sa mukha nito pero isang malakas na suntok ang natanggap niya sa tiyan. Napangiwi siya sa sakit. Napahawak sa tiyan.
Ngumisi si Lucas.. “Talaga ba? Akala mo kung sino ka kung magsalita ah? Pinapalamon kita dito, Helen.. Huwag mong kakalimutan yan! Gusto ko lang din na malaman mo na mas lalo kang umiilap, mas lalo kitang gusto. Sabik na sabik akong matikman ka!” ngisi pa nitong wika kaya kinalabutan siya.
Nanlumo si Helen, pero pinilit niyang magsalita. “Kapag sinubukan mo ulit, isinusumpa ko… gagawa ako ng paraan para pagbayaran mo ang lahat ng ginagawa mo,” sagot niya.
Humalakhak si Lucas, malakas at mapangutya. “Pagbabayaran? Anong ipambabayad mo? Ang mga salita mo? Sino ang makikinig sa iyo? Ang tita mo? Si Vanessa? Si Marco?” Humagalpak siya ng tawa. “Wala kang kakampi dito, Helen. Wala kang pag-asa. Dahil kahit ang kaluluwa mo kulang pa na kabayaran.”
Bago umalis, dumampot si Lucas ng isang pirasong karne sa mesa, kinagat iyon, saka tumingin kay Helen na para bang isang demonyo…. “Magluto ka na lang nang maayos, Helen. Ako naman ang mag-eenjoy sayo balang araw.”
Pagkaalis nito, biglang nanghina si Helen. Nabitiwan niya ang sandok at halos mapaupo sa sahig. Niyakap niya ang sarili, nanginginig.