Malapad ang kama at mahimbing ang tulog ni Jade. Sa kanyang tabi ay si Dimitri, payapang nakahiga, gaya ng mga nakaraang gabi. Sanay na siya sa ganoong set up—ang tahimik at tila walang malay na anyo ng kanyang asawa. Ngunit ngayong gabing iyon, bigla siyang naalimpungatan. May malamig ngunit matatag na kamay ang mahigpit na humawak sa kanya. Napabalikwas siya ng bangon, at nang ibaling ang tingin, halos mapahinto ang kanyang paghinga. Si Dimitri… gising. Ang mga mata nito’y nakadilat, nakatitig sa kanya, at mahigpit na nakahawak sa kanyang kamay. Natigilan si Jade, nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. “Jade…” Isang paos ngunit malinaw na tinig ang narinig niya—tinig ng lalaking ilang buwan nang tahimik sa kanyang tabi. Parang gumuho ang lahat ng pagod

