Tahimik na nakatingin si Jade kay Dimitri habang inaayos ang kanyang bag. Nakikita niya ang kagustuhan nitong sumama sa kanya kahit hirap pa rin ito sa paglalakad. “Papasok ka na?” tanong ni Dimitri, bahagyang nakasandal sa sofa habang hawak ang tungkod. “Oo,” sagot ni Jade sabay ngiti. “Ikaw? Hindi ka ba sasama sa akin para naman ma-familiarize ka sa kumpanya?” Napailing si Dimitri. “Hindi na muna ngayon. Hindi pa ako nakakalakad ng maayos. Kapag siguro magaling na ang mga paa ko, sasama na ako.” Nilapitan siya ni Jade at marahang umupo sa tabi nito.. “Don’t worry, matututo ka rin. At least nandiyan si Kevin. Magaling siyang magturo. Siya rin ang nagturo sa akin sa lahat ng pasikot-sikot sa kumpanya.” Napangiti si Dimitri, may halong pag-aalala sa tinig. “Pero iba pa rin kapag ikaw

