CHAPTER 1: HER QUITE DESPAIR

1145 Words
Si Helen, twenty-years old, nakatira siya sa bahay ng kanyang Tita Juana, mula nang mamatay ang kanyang ina. Maayos ang buhay ng pamilya ng Tiyahin niya, malaki ang bahay, may negosyo, at halos lahat ng luho ay kaya nilang bilhin. Ngunit sa kabila ng magandang kalagayan, hindi kailanman itinuring na tunay na pamilya si Helen. Kasing edad ni Helen ang anak ng tiyahin niyang si Vanessa. Noong una, magaan ang pakikitungo nito sa kanya, ngunit kalaunan ay naging masyadong komportable si Vanessa sa pag-uutos sa kanya na para bang isa siyang personal na kasambahay. Utos dito at utos doon ang ginagawa sa kanya ng pamilyang kumupkop. Minsang abala si Helen sa kusina, narinig niyang sumigaw mula sa itaas si Vanessa. “Helennnn! Pakidala nga dito ang juice ko. Bilis!” sigaw ni Vanessa kung kaya nataranta siya. Sumagot si Helen mula sa lababo habang naghuhugas ng plato. “Tatapusin ko lang ang paghuhugas,” sagot ko. “Ano ba! Ngayon na! Nauuhaw na ako! Trabaho mo naman ‘yan dito, nagrereklamo ka pa!” singhal ni Vanessa. Pag-akyat ni Helen dala ang tray na may juice, nadatnan niya si Vanessa kasama ang ilang kaibigan. Paglapit niya, narinig pa niya ang isa sa mga ito na nagsabing, “Ah, ito ba ‘yung katulong niyo?” Ngumiti lang si Vanessa at walang pag-aalinlangang sumagot, “Oo, siya ‘yon. Tatanga-tanga! Napakatamad pa!” Napayuko si Helen dahil sa sinabi ni Vanessa… Pinsan niya si Vanessa, ngunit ipinakilala siya nito na parang hindi sila magkadugo. Maging ang mas batang mga anak ni Tita Juana ay walang galang sa kanya. Kung minsan ay hindi niya na alam kung ano ang uunahin. “Hoy, Helen, hugasan mo muna lahat ng plato bago ka kumain,” utos ni June, na labindalawang taong gulang lang. Gutom na gutom na siya ng mga oras na iyon pero kailangan niya munang hintayin na matapos ang mga ito. “Ang tamad ng katulong natin, Ma!” sabat ng bunsong si Mica, sabay ngisi. Ang kanyang Tita Juana ay walang pakialam sa nararanasan ni Helen. Kahit pa kamag-anak niya ito ay ito pa minsan ang nang-aapi sa kanya. Minsan, sa harap ng maraming bisita, sisigawan siya nito nang walang pakundangan. Isang gabi, habang nagliligpit si Helen sa sala, naglakas-loob siyang lumapit sa tiyahin. “Tita Juana,” maingat niyang sabi. “Pwede po bang makalabas ako bukas? Gusto ko pong mag-apply sana ng trabaho.” Tiningnan siya ni Tiyahin mula ulo hanggang paa, saka ngumisi na para bang mali sa kanyang sinabi. “Magtrabaho ka na lang dito. Libre ka na ng pagkain at tirahan. Hindi ka na kailangang maghanap pa. Gusto mo lang makalabas eh… Ano, tutulad ka rin sa ina mo? Magpapabuntis na lang?” sigaw pa nito sa kanya. “Hindi ka pa nga nakakabayad sa utang ng nanay mo!” Walang nagawa si Helen kundi tumango, kahit sa loob-loob niya, galit siya pero wala siyang magawa. Malaki ang naging utang ng kanyang ina rito nang magkasakit ang kanyang ina. Oo, kapatid nito ang ina niya pero kailanman hindi siya itinuring kamag-anak…Sa bahay na iyon, hindi siya pamangkin o pinsan, isa lamang siyang katulong na walang boses at walang karapatan na tumanggi at tumutol. “Umalis ka sa harap ko, Helen! Baka hindi kita matantiya!” sigaw pa nito sa kanya kaya nagmamadali siyang lumabas ng silid nito. At sa bawat gabing natutulog siya sa manipis na kutson sa maliit na sulok ng bodega, palihim niyang iniisip kung hanggang kailan niya titiisin ang ganitong buhay. Hindi niya mapigilang hindi maiyak sa buhay na kanyang nararanasan. Ang galit na matagal niya ng kinikimkim. Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang langitngit ng bubong na tinatamaan ng hangin. Sa loob ng madilim na bodega, nakasalampak sa malamig na sahig si Helen, nakayakap sa sariling katawan. Ramdam niya ang matinding hapdi ng kanyang pisngi, namamaga at mainit pa mula sa malalakas na sampal na inabot niya kay Tita Juana. Ang kanyang braso at balikat ay may mga pasa, bakas ng malupit na paghawak at pagtulak nito sa kanya kanina at hindi man lang siya makalaban sa paulit-ulit na pagmamaltrato ng mga ito sa kanya. Mahina siyang umungol nang maramdaman ang kirot sa kanyang tagiliran. “Ahhh…” bulong niya sa sarili habang pilit na inaayos ang posisyon sa madilim na sulok. Mas lalo lamang naging grabe ang sakit dahil wala siyang maayos na mahigaan; semento lang ang sahig at ilang lumang karton ang nakapatong dito dahil doon siya dinala ng tiyahing. Pinilit niyang tumingin sa paligid, ngunit halos wala siyang makita. Ang bodega ay amoy alikabok at lumang kahoy, may mga nakasalansang kahon at sirang kagamitan. Tanging liwanag mula sa maliit na siwang ng pinto ang pumapasok sa loob, hindi sapat upang mabawasan ang dilim at lamig ng lugar. Tinalo niya pa ang hayop kung ituring ng mga ito. Gutom na gutom na siya. Hindi siya nakahapunan kanina; sa halip, pananakit at sigawan ang inabot niya. Ramdam niya ang panghihina sa kanyang sikmura, ngunit mas mabigat pa rin ang pasan ng kanyang puso. Habang nakayakap sa sarili, tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa kanyang pisngi. “Bakit ganito,” mahinang bulong niya. “Ano bang kasalanan ko sa kanila? Ma…” ungol niya sa sakit na kanyang nararamdaman. Tila siya nakagapos ng mga oras na iyon. Walang magawa kundi ang umiyak na lamang. Naalala niya ang mga mata ni Tita Juana kanina, puno ng galit at panbibintang sa kasalanan na hindi niya naman nagawa at ang boses nitong walang puwang para sa mga paliwanag niya. Sumagi rin sa isip niya ang mapanuyang ngiti ni Vanessa, na tila ba natutuwa sa bawat pahirap na dinaranas niya. Maging ang mas bata pa niyang mga pinsan ay walang respeto sa kanya. Sa tuwing maiisip niya na kadugo niya ang mga taong ito, lalo lamang siya nagngingitngit ng galit. Minsan, hindi na niya alam kung may saysay pa bang lumaban. Sa bawat araw na lumilipas, pakiramdam niya’y unti-unting nauupos ang kanyang lakas. May mga pagkakataong naiisip niyang mas mabuti pang matapos na ang lahat kaysa magpatuloy sa ganitong buhay. Sobra na ang pahihirap na nararanasan niya…“Kung ganito rin lang, sana tapos na lahat,” bulong niya habang patuloy na umiiyak. Bumuhos ang malakas ng ulan at halos mabasa siya sa loob ng bodega dahil marami ng tulo. Nagsumiksik siya sa isang sulok. Itinakip ang karton sa katawan upang hindi mabasa. Nanginginig ang kanyang buong kawatan dahil sa lamig… Pakiramdam niya, nakalimutan na siya ng buong mundo. Ngunit sa kabilang bahagi ng puso niya ay may maliit na bahagi na ayaw pang sumuko, isang munting tinig na nagsasabing kailangan niyang mabuhay, kahit para lamang ipakita sa kanila na hindi siya lubusang mawawasak. Ngunit ngayong gabi, sa malamig na bodega at sa tiyan niyang walang laman, tila napakalayo ng araw na iyon. Napakahaba ng gabi para sa kanyang pahihirap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD