Third Person's POV Pilit nagpupumiglas si Aine mula sa lalaking may hawak sa kaniya pero sadyang malakas ito at hindi siya makapanlaban.Dinala siya nito sa isang tagong parte sa likod ng bahay at mula doon ay rinig niya pa rin ang mga putok ng baril sa paligid. Si Seije agad ang unang pumasok sa isip niya dahil naiwan ito doon at walang tigil ang palitan ng putok ng baril.Nagsimulang tumulo ang mga luha sa pisngi niya dahil natatakot nanaman siya.Pero this time,hindi para sa sarili niya,natatakot siya para kay Seije.Paano kung may mangyaring masama sa kaniya? Makalipas ang ilang minuto,tumahimik na ang buong paligid.Mas lalo na itong nagpumiglas sa pagkakahawak sa kaniya ng lalaki at di nagtagal ay pinakawalan din siya nito.Gayon nalang ang gulat niya nang makilala niya ito. "Ligtas ka

