Chapter 4

1685 Words
Lorraine’s POV Napabalikwas ako ng bangon nang mapagtanto kong nasa ibang kwarto ako.White ang kabuuan ng kwarto pero yung apat na sulok ay may lining na black.Iginala ko pa ang paningin ko sa kwarto at napansin ko ring black and white halos ang mga gamit.This room is so neat,organized and laid back.Maging itong kama ay kulay itim.Nakakatakot naman,parang galit na galit sa mundo ang may-ari ng silid na ito.Nasaan ba ako? Pilit kong kinikilala ang lugar pero nanlaki naman ng husto ang mata ko nang makakita ako ng baril sa ibabaw ng lamesang katabi ng kama.It’s shining under the beam of light and I wasn’t aware kung paano ako naakit nito that I realized I was holding it on my hands. Alam kong hindi normal na mayroong baril dito but Im not even sure where I am.Ngayon lang din ako nakakita at nakahawak ng baril pero I am certain that this is real dahil mabigat ito at ..I don’t know,I feel like it’s something. “You shouldn’t put danger on your hands.”Nabitiwan ko bigla ang baril at bumagsak ito sa kama.Agad akong napatingin sa taong nagsalita at laking gulat ko nang makita ko siya na nakatayo at nakasandal sa pintuan. “S-Seije?” I suddenly felt fear embrace me.Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.Hindi ko na nga napansing nakalapit na siya sa akin.I broke out in a sweat.Napaatras ako hanggang sa dumikit na ang likod ko sa headboard ng kama,hindi ko alam,basta automatic nang gumalaw ang katawan ko. “Sorry,hindi ko sinasadyang--” I stuttered and he cuts me out. “Saan kayo nanggaling kahapon?” He stopped a few inches away from my face.Nakalagay ang dalawang braso niya sa pagitan ko,holding me in prison.My heart raced fast.Kinakabahan ako,Im sure of that but there’s something I can’t identify too. “Look at me.” He commanded.Automatically,kahit natatakot ako ay nag-angat ako ng tingin.I met his deep grey eyes,expressionless and cold and ..hypnotizing. “Anong sinabi niya sayo?”Diretso rin siyang nakatingin sa mga mata ko.Gusto kong umiwas ng tingin but there's just something that's holding my eyes.It felt like I’m starting to get drown with those beautiful orbs.Nagagandahan ako sa mga mata niya and at the same time ..natatakot,that I might see a monster inside it.Nakakalusaw,natutunaw ako sa mga tingin niya. Ni hindi man lang ako nakasagot.His presence is even enough to block my power of speech. “Makinig ka,from now on..you won’t believe anyone except me.Ako lang Lorraine,sakin ka lang makikinig,sakin ka lang maniniwala.You have to trust me.”Lalo siyang lumapit kaya naman napapikit nalang ako.I thought he's going to kiss me pero bakit ko nga ba naisip yun?Ilang segundo ang lumipas ay dumilat ako ulit at wala na siya sa harapan ko.Nandun na siya sa may pintuan hawak ang baril niya.Mukhang kinuha niya lang yun kaya siya lumapit sa akin. “And don’t ever get close to that son of abitch.” With that ay lumabas na siya ng tuluyan. It took me some time before I decided to go out of his room.Parang hindi ko na gusto ang ihip ng hangin sa loob,nakakatakot.Mahirap i-admit pero ngayon palang kasi ako nakapasok sa kwarto niya.Pero mukhang hindi ko na gugustuhin pang bumalik doon. Napahawak ako sa dibdib ko at hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kabog nito.Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako bumaba sa sala.Pero paglabas ko ay may mga nadatnan akong lalaki doon.Nagtatawanan sila at mukhang nagkakatuwaan pero pare-pareho silang natigil nang makita nila ako. Brent’sPOV Napanganga nalang kami nang makita namin ang asawa ni Seije na pababa ng hagdan.Wala sa sarili nalang din akong napamura nang makita ko ito na nakatayo di kalayuan sa amin.She’s a long blonde hair na mukhang bagong highlights pa and she’s just wearing jeans and periwinkle top pero inaamin kong nakuha niya talaga ang atensyon namin.She’s a goddess indeed. "Ah hello?Goodmorning sa inyo." Bati niya sa amin na mukhang hindi niya pa naiintindihan kung bakit may mga lalaki sa bahay nila ng ganitong oras.Nagkatinginan kami nila Tyler nang walang nakapagsalita at nakasagot sa kaniya. “Hello Lorraine!Magandang umaga din.”Bati namin.Halos sabay sabay lang din kaming nag-iwas ng tingin.Mali ito eh,off limits kami sa mga babae ni Seije pero nakakaloko kasi.Ang swerte ng hayop na iyon.Ganito kagandang babae ang hindi niya sinasadyang maikama?Seryoso ba siya? Lumapit siya sa amin at nakakatuwang hindi man lang siya natakot.Pero oo nga pala,she doesn’t know anything about us.At asa pa kaming ikukwento kami ni Seije sa kaniya.Hindi nagsasayang ng laway ang isang yun. “Uhm,kumain na ba kayo?” Tanong nito sa amin.Doon na kami nabalik sa reyalidad. “Hindi pa nga eh .” Sabay kamot ko sa ulo.Sa totoo lang hindi pa kami kumakain mula kagabi.Dito na nga kami natulog sa sala ng bahay nila.Hindi naman kami inalok ng pagkain ni Seije,kahit nga tubig hindi eh. “Ah sandali ha,ipaghahanda ko kayo ng makakain.”Natuwa naman ako nang sabihin niya yun.Sa wakas makakakain na rin ako. “Hands off.”Drake warned habang nilalaro ang susi ng motor sa mga daliri niya.Nakuha naman namin agad ang gusto niyang iparating. Maya maya pa ay dumating si Seije dala ang isang attache case,inilapag niya iyon sa harap namin.We expect guns and grenades inside it pero higit pa pala doon ang laman nito.I badly want to touch that machine gun.It’s a Heckler Koch machine gun,ang baby ni Seije.At malinaw pa sa alaala ko kung paano niya binalian ng braso si Tyler nung hinawakan niya yan.Damn this guy,napakamahal ng ganiyang armas. “Anong meron?” I asked. He shrugged bago ito umupo sa katapat naming silya.Kinuha nito ang isang F1 auto rifle at kinargahan ito ng bala.Nang matapos ay ibinato niya ito kay Drake. Maya maya pa ay biglang may nagdoorbell.Napatingin kami sa labas at nagkatinginan.Ihinagis naman ni Seije ang isang 45 caliber pistol sa akin.One thing he’s really good at,he has strong senses.Sigurado akong narinig niya kaagad ang paghinto ng isang sasakyan sa labas ng bahay nila. Tumayo si Drake at nagtungo sa labas para pagbuksan ang mga dumating while we stayed inside waiting for a signal from him. Makalipas ang ilang minuto ay nakita namin si Lorraine na nagmamadaling lumabas.Agad na tumayo si Seije para sundan ang asawa.Maya maya lang din ay nakarinig na kami ng mga boses ng babae hanggang sa sunod sunod na ngang pumasok sa loob ang ilang kababaihan with Seije and Drake behind them. “Woah.” Bulong ni Tyler.Sinundan ko ang tingin niya and it landed on one specific girl among the three of them.Dun sa babaeng medyo petite ang katawan at naka-deep blue dress.Woah.Katulad ni Lorraine ay magaganda din sila at matatangkad. "Uhm girls,friends nga pala sila ni Seije.Ah hello guys,co-models ko sila sa CALM magazine."Lorraine introduced them.Tumango tango naman kami sa isa't isa. "So kayo pala yung models sa bagong magazine ngayon.Magaganda naman pala kayo sa personal." Napatingin ako kay Tyler.Naka-focus talaga ito dun sa babaeng naka-dress.I grinned. Niyaya silang maupo ni Lorraine sa tapat ng couch na okupado namin.I studied them one by one and I found one girl na busy sa kung anumang ginagawa niya sa ipad niya.As if on cue ay sinita siya ng kasama niya.“Hey bree,pwede bang mamaya ka na maglaro ng COC?” The girl rolled her eyes. She’s into gaming kaya agad akong napatingin sa direksyon ni Kysler and as what is expected,doon din siya babaeng tinawag na ‘Bree’ nakatingin.Well,Kysler is also a game weirdo.Lahat na yata ng games na pwedeng i-install sa ipad niya ay dinadownload niya.Yun nga din ang madalas naming pag-awayan dahil madalas ay hindi siya makausap sa kakalaro niya. May pagkakataon pa ngang binato siya ng grenade ni Seije dahil hindi siya nakikinig sa pinag-uusapan.Tawa kami ng tawa sa reaksyon niya noon.Mabuti nalang at hindi hinila ni Seije ang ring nung granada. Maya maya pa ay inilapag ni Lorraine ang meryenda sa center table.Dahil nagugutom na talaga ako ay ako na ang unang kumain at sumunod nalang din ang iba.We started eating while the girls we’re busy talking about stuffs na ikina-out of place namin.Kung anu-anong brand kasi ng make-up ang pinaguusapan nila hanggang sa napunta na sa mga clothelines at ngayon naman ay tungkol na sa schedule nila para sa linggong ito.Natawa nalang ako sa mga nakakunot na noo ng mga kasama ko habang nakikinig sa usapan nila. “How about you girls talk about something we can barge in?” Kysler started.Napatango naman kami.Ayoko din namang makinig nalang at ma-out of place sa kung anumang girls talk na iyan. “Let’s play truth or dare then?” Biglang nagyaya yung isang babae na sa palagay ko ay siyang pinaka-liberated sa kanilang apat.Sobrang ikli kasi ng shorts niya at see through pa ang damit niya.Nakikita na namin ang kulay itim niyang panloob kaya naman nag-iwas nalang ako ng tingin. “Game ako dyan!” Pagsang-ayon nila Kysler at Tyl.Napatingin naman sila sa akin. “Im in too.” Sagot ko bago tumingin kay Drake at Seije dahil kababakasan naman ng kawalan ng interes ang mukha nilang dalawa.Kahit kailan talaga,magkaugali ang dalawang iyan.Mas hard lang si Seije dahil may pinagdaanan.Iniisip lang namin kung sasali ba sila ni Seije,knowing the both of them.Sila ang pinaka-brutal sa aming lima.And I don’t think truth or dare is their game. Pero mukhang may kakaiba lang ngayon.“Tss,fine.” Nakapoker face pa ito.Nagkatinginan naman kami nila Tyler at napangisi. “Seije sali ka ha?” Lorraine asked her husband.Lalo akong napa-poker face sa sinabi niya.Parang hindi ko talaga ma-imagine si Seije na gagawin ang ganitong mga bagay.Ang bading kasing pakinggan.Sa amin kasing lima,kami lang nila Tyl at Kys ang mahilig sa mga kawirduhan at kakornihan.Pero para namang nalaglag ang mga panga namin nang pumayag siya.“Fine." Sinasabi ko na nga ba.Something’s with these girls. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD