Trouble Maker

1103 Words
CHAPTER 2 Matapos ang klase ngayong araw pumunta muna ako sa locker para ayusin ang mga bago kong libro. Sumunod naman sa akin si Elaine. "Sorry, about kanina kung bakit tayo na late at nautusan pa" paumanhin niya. Hindi ako kumibo. "Madaldal kasi ako lalo na pag ang gaan ng loob ko sa isang tao" pagpapatuloy niya. "Uhm, galit ka ba sakin? Iya?" she asked worriedly. Hindi na 'ko naka pag pigil kaya bigla akong tumawa ng malakas "whahaha! pfft! Hahaha!" nagtataka naman siyang nakatingin sa akin. "B-bakit ka t-tumatawa?" tanong niya. "Para ka kasing ewan e, hahaha parang late lang naman nag e-emote kana dyan hahaha" Bigla na din siyang na tawa. "Akala ko masungit ka or maldita, mataray ka kasi nung pag pasok mo kanina sa first sub natin ang angas mong tignan p-para kang gangster" natahimik ako. "B-but now that you've laughed and been with me, you're fine and I think you'll be my friend." napatingin ako sa kanya habang siya'y naka ngiti sa akin. "Ganon ba ganyan din ang tingin sa akin sa dati kong school" natigilan siya. "So tara na?" pag aya niya. "H-huh?" nagtataka ko naman siyang tinignan. "Tara sabay na tayong umuwe saan kaba nakatira?" Tanong niya. "Sa Erin's Condominium" nagulat siya. "wow, sikat yung Condo na 'yon ha? saka sa pagkakaalam ko mahal do'n" tumingin lang ako sa kanya. "Ikaw saan ka nakatira?" I asked. "Tatlong kanto lang mula sa school natin" at nag simula na kaming lumakad. Sa daan maraming studyante ang nag sisilabasan dahil uwian na din nila. Habang sa sumunod nang kanto may grupo ng studyante ang naka harang sa tapat namin. Mukhang mga gangster. "I-Iya" kinakabahan na pagtawag sakin ni elaine. "Hoy! mga taga Anatholy university kayo 'di ba?" Tanong ng lalaki na nasa left side. "Ibigay niyo sa amin ang lahat ng pera niyo!" sigaw naman ng lalaking mukhang adik mula sa right side. "Kunin niyo ang bag ng mga yan!"Utos ng lalaki na leader yata nila. Lumapit sa amin ang mga alipores niya at akmang kukunin ang bag ni elaine ng hawakan ko ang kamay niya. "Sino may sabing hahayaan ko kayo?" at saka siya sinuntok sa kanyang tiyan at sinipa sa kanyang mukha sapul ang kanyang bibig na halos sumuka na ng dugo. "A-anak ng?! b-babae ka ba?" gulat na sabi ng leader nila. At isa isang lumapit sa akin ang mga tauhan niya. Nahawakan ko ang kamay ng lalaking malapit na akong masapak sa mukha at saka ko 'yon inikot napa sigaw siya sa sakit. "Argh! tung ina ang sakit!" Pangalawang sumugod siniko ko agad sa mukha at sabay sipa sa kanyang pagka lalaki. Napa ungol siya sa sakit sabay nag ta-tatalon. "Mga walang kwenta isang babae lang 'di niyo pa mapatumba!" galit na galit na sigaw ng kanilang leader sabay sugod din sa akin. Sasapakin niya na sana ako pero agad din akong nakaiwas, I gave him 100% punch in his tummy and upper cut that makes him dizzy. Sabay takbo ng mga tauhan niya dala dala siya. "w-wow" mangha na sabi ni elaine. "Ang galing mo Iya! astig ka!" I just smirked at her then start to walk. "Seryoso paano ka natutong lumaban ng ganon? ang bangis!" she amazingly said. "Mahabang kwento, oh pangatlong kanto na 'to malapit na ba 'to sa inyo?" Tanong ko. "Ay oo, gusto mo mag meryenda ka muna sa 'min? I just wanna thank you for saving me, please?" nag puppy eyes pa pfft!! "Okay" I replied. Ilang minuto din bago kami nakarating sa kanila. "Mom!" pag sigaw niya. Ang ingay ng babae na 'to tas yung boses niya parang speaker kahit 'di pa sumigaw ang sakit na sa tainga. "Mom kasama ko po classmate ko!" at may isang magandang babae ang bumaba. "Oh, elaine bakit ang aga mo yata ha?" tanong ng magandang babae. "Eh, kasi po first day of school palang pagpapakilala saka mga sched lang muna ang inuna ng mga teachers" "Sino pala yang kasama mo?" tanong ng mama niya yata pero mukhang ate lang niya. "Ay! nakalimutan ko ipakilala mom. She's Iya zein Evangelista my classmate and my new friend" masayang paglalahad niya. "Hello po, Good afternoon" tipid kong sabi sabay ngiti ng kaonti. Awkward. "Buti naman at may kaibigan kana elaine masaya akong may kaibigan kana din! ang gandang bata mo Iya tawagin mo na lang akong tita Dina" nagagalak na sabi ng mommy niya. "So girls, gutom na ba kayo? Mag hahanda muna ako ng hapunan anong oras din naman na kaya Iya dumito ka muna't kumain ha?" masayang sabi ng mom niya. I can't believe na mommy niya talaga 'yon. Mukha kasing 20 yung itsura niya. "Ilan taon na mommy mo?" Pagtatanong ko. "She's 33 na kaka birthday niya lang last month" "Parang 'di naman siya mukhang 33 akala ko nga nung una mag kapatid kayo hindi pala" Her mom looks really young so I thought she's in her 20s. "Hahaha madaming nag sasabi ng ganyan sa amin, so tara akyat muna tayo sa room ko? Pahinga muna tayo at baka napagod ka kanina" Pagtapos kumain at pakikipag kwentuhan ay nagpaalam na si Elaine na ihatid ako hanggang kanto. "Maraming salamat po tita" I said. "Walang anuman hija. Sige na elaine ihatid mo na siya at anong oras na" pagsasabi ng mommy niya. "So tara?" tanong niya. I just nodded at her. Makalipas ang ilang minuto nandito na din kami sa kanto. "Salamat talaga kanina ha? Ang galing mo maki pagbakbakan!" masayang sabi niya. Buti hindi natatakot sa akin 'to. "O, sige bukas na lang ulit bye." I turned back, waved at her and began to walk. "Byeee Iya!! See you tommorow!" Onting lakad pa, papuntang sakayan. Ilang minuto lang ang biyahe at sa wakas andito na din sa bahay. "Mom?" Pagtatanong ko sabay akyat sa itaas. "Mom I'm home." nakita ko siyang nakahiga pa din. "Mom are you okay?" Humarap siya at nakita kong namumugto na naman ang kanyang mga mata. "kumain ka na ba?" pagtatanong ko at ng hindi siya tumugon bumaba nako't nag handa ng makakain niya. Nang matapos ko nang lutuin ang favorite niyang ulam na chicken curry umakyat akong muli sa kanyang silid. "Mom ipinagluto ko kayo ng paborito niyong ulam kain na po kayo." Inalalayan ko siyang tumayo at saka siya nagsimulang kumain. Nang natapos na'y bumaba muli ako at hinugasan na agad ang kanyang pinagkainan. At tumungo na ako sa aking silid. Nag halfbath muna ako bago nahiga sa kama. Habang naka higa 'di ko maiwasan pag masdan ang aming picture frame buo pa kami nito pinag mamasdan ko lang ito hanggang sa ako'y maka tulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD