Tulala ako na tila ba nakalutang sa ere. Isang linggo na ang lumipas mula ng mamatay yung kapatid ko. Si Dr Fernandez na ang nag asikaso ng lahat dahil hindi kayang kumilos ng katawan ko pagkatapos kong makitang tinakpan ang kapatid ko ng kumot. Pina cremate ko ang kapatid ko at inilagay sa pot na ako mismo ang naghulma at gumawa. Pinilit kong ipagluksa siyang mag isa. Wala akong ibang pamilya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman sa unang araw ng pAgkamatay ni Jhon. Galit na galit ako lalo na sa sarili ko. Ilang nurse at iba pang doctor ni Jhon ang nanatiling kasama ko sa chapel ng hospital. Pinilit kong magpakatatag para kahit papaano ay mabigyan ng maayos na lamay ang kapatid ko. Sa pangatlong araw, isang pari ang nagdasal para sa kanya. Lumabas ako nong oras na yon at hindi ko na s

