FLING

2385 Words
UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 3 Cindy's Point of View    “Kunin ko sana yung number mo, kung okey lang?" "Aanhin mo ang number ko?" tanong ko kahit medyo kinilig ako. Ngunit sana sa iba na lang. Huwag muna sanang si Mark. Hindi ko kasi gustong magka-isyu sa trabaho ko. "Baka pwede i-text kita sa tuwing may tanong ako sa programming." "Sure ka na para sa programming lang?” “Oo naman, Ma’am.” “Huwag mo akong ite-text kung hindi tungkol sa lesson ha?” “Bakit ba bigla kang sumungit?” “Wala. Ayaw ko lang na sumabit ako sa school.” “Sasabit? Sa pagbigay mo ng number mo, sasabit ka agad?” “Sige, ibibigay ko na. Akin na ang phone mo.” Luma na ang phone niya. Maraming mga basag. “Sige, ikaw na lang ang mag-enter.” Ibinigay ko ang cellphone number ko sa kanya. “Basta kung magtext ka magpakilala ka ha." “Sige, Ma’am. Ingat ka ha?” Ngumiti lang ako. “Diyos ko, ilayo mo ako sa tukso habang kaya ko pa,” bulong ko sa aking sarili. Kinagabihan habang abala akong gumawa ng aking module para sa mga subjects na ituturo ko ay biglang may nagtext. "Kita tayo, Ma’am? Mark 'to." “Magkita? Bakit?” reply ko. “Bonding uli.” “Busy ako.” “Sige na, Ma’am. Walang magawa e. Saka Friday naman ngayon.” "Ikaw walang magawa. Ako abala.” “Kahit Saturday bukas busy ka pa rin?” Huminga ako nang malalim. Makulit nga ang isang ito ah. “Saan ka ba? Busy kasi ako talaga ngayon." "Sayang naman. Isang beer lang. Wala akong kasama.” “Beer? Paano mo alam na umiinom rin ako.” “Wala lang. Mukha kasing game ka e.” “Pasensiya na. Busy e, may pasok bukas.” “Sabado nga bukas, wala naman tayo pasok ah?” “Kayo wala. Ako kasi may klase kahit Sabado.” “Okey. Kung busy ka, puntahan na lang kita diyan sa inyo.” “Huwag na.” “Sa'n ka ba nakatira, Ma’am?” Pangungulit niya. “May ginagawa nga ako,” pagdadahilan ko dahil mahigpit ngang ipinagbabawal ang pagkakaroon ng karelasyong istudiyante sa pinagtuturuan ko.  “Diyan na lang tayo uminom ng beer kahit tig-isa lang." "Huwag na nga muna. Di ba sinabi ko sa’yo, busy ako? Bakit baa ng kulit kulit mo?" "Sige na nga. Next time." “Okey.” Ngunit dahil sa text na iyon ay ako na ang hindi mapakali. Parang nawala na ang concentration ko sa ginagawa ko. Mas lalo kasi ako na-excite na makasama siya sa bahay kaysa sa tapusin ang paggawa ko ng module. Kinuha ko ang cellphone ko. “Pupuntahan mo ba talaga ako?” text ko. Ilang minuto na hindi pa rin nag-reply. Panay na tuloy ang tingin ko sa aking cellphone. Nanghihinayang na di ko pa pinatos yung gusto niya. Kung kaya kong itago ang sa amin, baka naman mag-work ito. Subukan ko lang. Bahala na basta gusto ko si Mark at mukhang gusto rin naman niya ako. “Saan ka na ba?” muling text ko nang 30 minutes na at wala pa rin siyang reply. “Sure ka? Pupwede ako riyan?” reply niya nang nawalan na ako ng pag-asa at nakahiga na. "Sige, puntahan mo ako rito sa bahay.” “Saan ba ang address mo?” “Dito sa may Cembo malapit sa may Guadalupe station. Kung nandoon ka na sa may Jollibee sa may tulay, sabihan mo ako at susunduin kita." "Yown! Sige, Ma’am! Ayos!" sagot niya. “Bahala na,” bulong ko sa aking sarili. “One time lang ‘to.” Nang sinundo ko siya ay naka-short lang siya at nakasando ng itim at sumbrero ngunit napakalakas na ng tama niya sa akin. Bumagay sa maputi niyang kutis at magandang hubog ng katawan ang itim na sando. Napalunok ako. Bumili muna kaming anim na beer sa malapit na store sa bahay. Nang pumasok kami ay inilibot niya ang kanyang mga mata sa bahay. “Ang laki ng bahay ninyo, Ma’am ah. Ilang kwarto ‘to?” “Tatlo. Tara doon tayo sa kuwarto ko. Madumi kasi at maalikabok dito sa sala. Walang naglilinis. Kuwarto ko lang ang nililinis ko.” “Nasaan ang parents at mga kapatid mo, Ma’am, nandito ba sila?” tanong niya nang papasok na kami sa kuwarto ko. “Andami mong tanong agad e, di pa tayo nagsisimulang mag-inom.” “Sorry, antahimik kasi. Pwede ba akong mag-short lang?” “Sige lang.” Tanging boxer short na lang ang suot niya. Nakita ko ang mabalbon niyang hita. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng katawan lalo nang tumambad sa akin ang bukol na iyon. Napalunok ako. “Mag-isa ka lang ba talaga rito?” "Oo, hindi lang mag-isa rito sa bahay. Mag isa na rin ako sa buhay." "Talaga? Ulila ka? Walang kapatid?” “Wala eh.” “Hindi ba malungkot ang mag-isa niyan?" "Malungkot pero sanayan na lang din siguro. Pero umaasa pa rin ako na may makakasama rin ako balang araw." “Sige, iinom natin ang pagiging huling araw ng pagiging single mo sa buhay.” Binuksan niya ang beer. Ibinigay niya sa akin ang isa at sa kanya ang isa. “Cheers!” “Cheers!” sagot ko. Pinag-umpog namin ang aming mga bote at sabay kaming tumungga. Lumalim ang gabi at ang tig-isang bote na beer na usapan namin ay dumami ng dumami. Nagtanggal na siya ng t-shirt. Nanlaki ang aking mga mata. Takam na takam ako sa maputi niyang katawan. Nanginginig ako sa pinkish niyang mga u***g. Napakasarap sigurong halikan ang kanyang dibdib at impis na tiyan. Ano kayang pakiramdam ang mahalikan siya lalo pa’t nakatatakam yung labi niyang laging basa at namumula. Hindi ko alam kung inaakit niya ako. Ngunit sa totoo lang, sumasabog na ako sa init. Lalo na’t panay ang himas niya sa kanyang dibdib at ang pagkambyo niya sa kanyang pag-aari. Hindi ako tanga pero lahat iyon ay isang pagpapatakam. Isang hudyat na gusto niyang may mangyari. Hanggang sa pakiramdam ko ay lumakas ang loob kong magpalipad-hangin. Sa sandaling iyon, alam kong gustung-gusto ko na talaga siya. "May naging karanasan ka na sa relasyon?" pasakalye ko. Napaka-lame ng tanong. Halatang may maitanong lang. Iniisip ko pa rin siyempre na babae pa rin ako. "Wala pa, pero parag gusto kong subukan.” “Weeh! Huwag mo nga akong niloloko. Sa edad mong ‘yan, hindi ka pa nakipagrelasyon?” “Fling oo, meron pero yung seryosong relasyon, wala pa.” “Talaga? Paano kung ako ang seseryosohin mo?” Landi lang iyon. “Di ba sabi mo, bawal sa school.” “Bawal, kung malalaman nila.” “Pwede naman sana ako. Kayang-kaya ko naman itago ‘yon kung maging tayo kaso…” “Kaso ano?” “Kaso may ka-fling nga kasi ako ngayon e," seryosong sagot niya. Nakaramdam ako ng pagkadismaya. Oo nga naman. Bakit ko iisiping single ang katulad niyang guwapo na't malakas pa ang karisma. "Kung wala ka bang ka-fling, puwede mo ba sana sa akin subukan?" "Bakit hindi? Mabait ka naman, Ma’am e, saka malakas ang dating, maganda pa.” “Ang lagay maghihintay ako hanggang wala ka nang sabit?” “Ikaw?” “Anong ako?” “Ikaw, kung kaya mo?” “Maghintay?” “Oo.” “Hindi siguro.” “Bakit ka naman kasi maghihintay pa e, pwede naman nating subukan kahit may fling na ako. Fling lang iyon. Ikaw ang girlfriend ko.” “Paano ‘yon? Baka mamaya, yung fling mo pa magpatanggal sa akin sa school.” “Kung kaya natin ilihim sa school, kaya rin natin do’n sa fling ko. Ano? Papayag ka ba sa set-up na gano'n." "Pwede naman. Kaso baka masasaktan lang ako." "Lahat naman ng nagmamahal nasasaktan. Kahit nga hindi ka magmahal, masasaktan ka pa rin naman.” “Natatakot lang siguro ako.” “Ikaw? Kung ayaw mo, wala naman problemang maging tropa tayo, di ba, Ma’am? Kaso, sana mas higit pa ro'n. Kung pwede sana?" tanong niya sa akin at binasa niya ang kanyang labi. "Pwede kung hiwalayan mo yung fling mo.” “Sige. Gagawan ko ng paraan. Huwag lang biglaan ha? Habang hindi ko pa siya hinihiwalayan, hindi na muna niya dapat pang malaman. Gusto ko kasi, ako ang magsabi sa kanya. Ako ang hihiwalay na hindi niya alam na may bago na ako. Kapag lumabas tayo, parang magtropa lang muna tayo para di tayo mahuli sa school at sa fling ko." "Pag-isipan ko muna," sagot ko. “Sige lang, pag-isipan mo.” “Hindi ba malalaman sa school kung sakali?” “Bakit ko naman ipahihiya ang sarili ko?” “Oo nga naman.” "Magpatugtog nga tayo, Ma’am. Antahimik. Okey lang?" hindi siya humihingi ng permiso. Sinasabi lang niya iyon kasi mabilis niyang kinuha remote ng TV. Dahil sa tabi ko lang ang remote ay parang sinadya niyang ang kaniyang ari ay tuluyang maidampi sa aking tiyan. Nakatihaya kasi ako at nakasandal at siya naman ay dumapa para maabot ang remote na nasa tabi ko. Biglang nagising ang dati ko nang pananabik. At nang naglapat ang katawan niya sa aking katawan ay tuluyan na akong tinupok ng aking pagpipigil. Kaya bago siya bumalik sa kaniyang pagkakaupo ay pinigilan ko siya. Nagsalubong ang aming mga mata at lumapit ang aking mukha sa kaniyang mukha. Naamoy ko ang amoy beer niyang hininga ngunit mas lalong nakadagdag iyon ng pagkalibog. Nang madampian ng labi ko ang malambot niyang labi ay bigla ko siyang itunulak sa dibdib. Naisip kong masyado yata akong bumigay. Ngunit huli na iyon. Kahit saglit lang ang pagkakadampi ng labi ko sa labi niya ay naikintal na sa aking isipan ang sarap ng aming unang halik. "Ang bilis ah. Di ka pa nga nakakapagdesisyon kung tayo na, naka-score ka na agad ng halik."  Nangingiti kong biro sa kanya habang namimili siya ng kanta sa youtube sa aking Smart TV. “Sarap mo palang humalik. Pwede isa pa?” Kinindatan niya ako. Muli niya akong hinila at mabilis na nagtagpo ang aming mga labi. Sa pangawalang pagkakataon mas nagiging agresibo na siya. Parang puputok ang labi ko sa kanyang agresibong pagkagat-kagat. Hanggang sa bigla na lang niyang inilayo ang labi niya sa akin. “Mamaya na lang uli,” bulong niya at mabilis na lumayo sa akin. Hinarap niya ang TV. Pumindot sa remote. Ngunit hindi pa rin ako nakuntento. Sinubukan kong lumapit sa kaniya. Niyakap siya at naramdaman ko ang kakaibang init ng kaniyang katawan. Muli kong tinangkang ilapit ang aking labi sa kaniyang labi at hindi rin naman siya tumanggi. Hindi man siya lumalaban sa aking halik sa pangatlong pagkakataon ngunit alam kong nagpapaubaya siya. Nagsimulang lumikot ang aking mga kamay. Inapuhap ko ang matigas-tigas niyang dibdib hanggag sa may kalambutan niyang tiyan. Sumasabog na ako sa panggigil. Nang papasok na sa loob ng kaniyang boxer brief ang nanginginig kong kamay ay tumunog ang cellphone niya. May tumatawag. Nainis ako sa istorbo kasi papunta na kami do’n eh! "Sandali lang ha.” “Bakit?” “Kailangan ko nang umalis.” “Aalis ka pa? Dis-oras na ng gabi. Dito ka na lang matulog.” “Next time na lang.” “E, di gawin muna natin yung naudlot?” “Ano ka ba, marami pang araw. Saka na natin gagawin ‘yon. Maghanda muna ako.” “Maghanda? Saan?” “Mabaho pa ‘yan,” ngumiti siya.  “Saka may lalakarin pa kasi ako. Mag-aalas dose na rin pala." “Yun na nga e. Hindi ba delikado?” “Ihahatid mo naman ako sa kung saan mo ako sinundo kanina, di ba?” “Oo naman pero, baka naman… Dito ka na lang please?” “Hindi talaga pwede. Hayaan mo sa susunod, dito na ako madalas matulog.” “Sure ‘yan ha?” “Sure.” Nabitin ako. Tumayo siya. Inayos niya ang kaniyang sando at short. Sinilip niya ang mukha sa salamin at isinuot niya ang sumbrerong ipinatong niya sa aking kama. Nakita kong nag-text siya. Tumunog ang cellphone. Binasa niya ang text at muling nagreply. "Kita na lang tayo bukas ano, Ma’am?" "Huwag mo na akong tawaging, ma’am kung tayo lang.” “Ah gusto mo na ba ng beyb? Beyb na lang kung tayo lang dalawa?" "Beyb?” “Oo, beyb?” Natawa ako. “Bakit? Tayo na ba?” “Oo, tayo na. Bakit? Ayaw mo ba?” “Hindi naman, kaso akala ko ba pag-iisipan ko muna?" tanong ko. "Hindi na. Sigurado na ako gusto mo rin ako. Huwag na nating patagalin pa. Gusto mo ako, gusto kita e, di ayos na ‘yon." “Beyb?” Napapatawa pa rin ako sa tawagan namin. "Sige beyb. Bukas na lang," nangingiti din niyang paalam. “Huwag mo na pala akong ihatid.” “Bakit?” “Sunduin na lang ako ng tropa ko diyan sa labasan.” “Tropa? Tropa mo lang ba talaga yung susundo sa’yo?” Tumango siya. “Oo, tropa ko lang ‘to kaya huwag na huwag kang magseselos ha?” “Sabi mo e.” “Tara na. Ihatid mo ako sa pintuan baka maligaw ako sa laki ng bahay mo.” Hinatid ko siya sa pintuan. "Huwag kang mag-alala huling lakad na ‘to. Ang tagal mo kasi sumagot kanina e, kaya nakapag-set ako ng ibang lakad kasama ng mga tropa ko.” “Sige lang, naintindihan ko.” “Yown, dapat kung tayo na. Lagi kang ganyan dapat para walang away ha?” “Oo naman, basta behave ka lang.” “Behave ako, promise.” “Sige. Ingat ka ha?” “Okey. Salamat. Saan ang halik ko?" nakangiti niyang biro sa akin. Hinawakan ko ang baba niya at hinalikan ko siya ng smack sa labi.  "Gano'n lang?" tanong niya "E, di sige, 'kaw na lang humalik sa akin.” Napakamot siya. Hindi lang smack ang ginawa niya. Isang mainit na halik hanggang sa tinulak ko muli siya sa dibdib. "Tama na. Next time na ha? Ba-bye,” bulong ko. Nang umalis siya ay lihim kong sinundan. Kita kong may sumundo nga sa kanyang isang babaeng parang may edad na. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD