ASHTERIELLE LUJIH POINT OF VIEW
Hays, narito na ako sa loob ng condo ko at kasalukuyang nakatulala. Nawalan na rin ako ng ganang mag grocery kaya sinabihan ko na lang si Iella na s'ya na nag mag grocery para sa akin, tutal ay s'ya naman ang makikikain.
Hindi ko alam kung bakit ba palagi na lang nag kakasalubong ang landas namin ni Leo. Maski ang nararamdaman ko sa kaniya ay nakakalito. Oo, may part sa akin na miss yung yakap n'ya pero may part din naman sa akin na sumuko na. Ewan ko ba, ang alam ko kasi ay naka move on na ako sa kaniya, pero bakit nung nag kita kaming muli, naramdaman ko bigla ang pag ka ulila ko sa kaniya.
Wala namang patautunguhan kung mag hahabool pa ako sa kaniya sus e hindi nga ako nakilala ng lintek na yon.
Napagitli ako nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng condo ko, muntik pa akong mapamura dahil sa hulas na itsura ni Iella. May mantsa pa na tila natapaon na kape yung damt niya na puti pa man din. Hays dugyot.
"Hoy kung makatingin ka d'yan parang diring-diri ah? Tumayo ka d'yan at tulungan mo ko aba!" aniya na hingal na hingal pa. Jusko andami naman kasi ng pinamili niya, mukhang dalawang punong cart 'yon eh.
"Sino ba naman kasi ang nag sabi sayong bmili ng ganito kadami, ha? Eh mukhang pang dalawang bwan na 'yang binili mo e," sarkastiko kong sumbat na lalo niyang ikinainis sa palagay ko.
"S'yempre para hindi ka na mag grocery next month," katwiran pa niya na nakapag pa face palm sa akin. Baluktot na naman ang katwiran ng babaeng 'to.
"Ano ka ba? Eh kung masira ang iba d'yan, edi sayang! Jusko naman simpleng bagay Ziella Marie ha," inis na asik ko at iniwan siya ro'n upang mag tungo sa kusina at ayusin ang sandamakmak niyang pinamili.
"Mag bibihis ako sa kwarto mo, pahiram ng damit mong pan tulog, ha?!" sigaw niya pa mula sa sala na hindi ko naman na sinagot. Kahit naman hindi ako pumayag ay gagawin at gagawin pa rin niya kung anong ma tripan n'ya.
Ilang saglit pa ay habang busy ako sa pag aayos ng ref ko ay tumunog ang cell phone ko. Mabilis ko iyong dinampot upang tignan kung sino ang tumatawag sa akin.
It was Ziella's hubby, Sinon.
Sinagot ko iyon at ni-loud speaker upang makagawa pa rin ako habang kinakausap siya sa telepono.
"Hey, I just want to ask if Ziella's at your place. She did not go home again," aniya na ikinabuntong hininga ko. Lagi kong inaabisuhan si Iella na mag paalam siya o kahit i-text man lang n'ya si Sinon kung saan siya pumupunta. Napaka tigas talaga ng ulo.
"Yep nandito s'ya. Nag away na naman ba kayo? Lagi na lang akong nadadamay sa inyong dalawa eh. Paran naging part ako ng relationship n'yong dalawa," pabuntong hinnga kong sagot na ikinabuntong hininga rn niya.
"I'm sorry, I promise to treat you soon once everything is under my control," aniya na nakapag pangiti sa akin. 'Yan naman ang gusto ko kay Sinon, he respect me as Ziella's friend. Alam n'ya kasing ako lag ang matatakbuhan ni Iella kung saka-sakaling may hindi sila pag kakaintindihang dalawa.
We bid our goodbye's before hanging up the call.
"Was it Sinon?" tanong ni Ziella na nakasandal na pala sa may hamba ng pintuan sa kusina. Tinanguan ko lamang siya at ipinag patuloy na ang ginagawa. Kundi ba naman kasi timang si Iella, sandamakmak na karne ang binili di ko tuloy alam kung paano ag kakasyahin sa loob ng ref lahat ngpinamili n'ya.