03

876 Words
03 ASHTERIELLE LUJIH POINT OF VIEW Nagising ako sa isang puting kwarto. Inilibot ko ang paningin ko at na-realized ko lang na nasa ospital ako? Teka! Bakit ako nasa ospital? Bakit ako nakahiga dito? May nangyari ba? Napabalik ako sa wisyo nang bmukas ang pinto ng kwarto, iniluwa no'n ang nakangiting si Gray. "Anong pakiramdam mo? Ayos na ba?" anito na ikinataka ko. Normal lang naman ang pakiamdam ko na medyo masakit ang ulo. Sa tingin ko naman ay hindi kailangan na ma-ospital pa. "Ha? Ayos lang medyo masakit lang ang ulo ko," kahit nag tataka ay sagot ko pa rin. "Bakit ako nandito?" takang tanong ko na. "May sakit ka," simpleng sagot nito at nag patuloy sa pag babalat ng prutas na hindi ko na malayang dala pala n'ya. "Obviously, hindi naman ako mapupunta dito para mag-laro," hindi ko napigilang mabara siya. Natawa siya ng mahina. "Nahimatay ka kanina sa office cafeteria," aniya na seryoso na. I saw a bit of concern sa mga mata niya na hindi ko naman ikinataka dahil magkaibagan naman kami. "Thanks." Nang matapos niyang mabalatan ang mansanas at mahiawa-hiwa ay ikinagulat ko pa nanag iabot niya iyon sa akin. Pinag kunutan ko siya ng noo ngunit tinanggap din naman ang alok. "Nga pala, hindi mo ba tatawagan ang kaibigan mo?" tanong niya na nag tataka habang nag babalat na naman ng orange. Inilingan ko siya at mapait na ngumiti. Sa totoo lang gusto ko siyang tawagan, gusto ko siyang makausap, gusto kong umiyak sa kanya. But, I know naman na madami s'yang problema dahil gabi-gabi niya akong tinatawagan. Kaya eto ako puyat. "H'wag na hindi naman na kailangan. Ayos naman na ako," mapait ang ngiting sabi ko pa din at papikit na sana ngunit bigla na lamang bumukas ang pinto ng room ko. Kumunot ang noo ko nang makita kung sino ito. ZIELLA?? "HOY PASHNEA KA! NAKARATAY KA NA PALA D'YAN SA OSPITAL HINDI MO MAN LANG AKO SINABIHAN! HINDI BA AKO KAIBIGAN SA 'YO?!" napakalakas ng boses n'ya. Mukhang naabala pa n'ya ang mga nasa kabilang room! Napaka ingay talaga ng babaeng 'to. "Bakit ka ba nandito? At saka paano mo nalaman?" takang takang tanong ko. Imposibleng si Gray dahil ngayon pa lang sila mag kikita ni Zie kung saka-sakali. "'Yan talaga itatanong mo 'no? Nakita ka ni doggie na dinala dito kaya itinawag n'ya sa akin," anito na ikinakuno't lalo ng noo ko. Wow, ngayon naiinis na ako lalo sa doggie este Sinon na 'yan. "Pumasok ka na nga," pabuntong hininga kong usal dahil nasa may pinto pa rin s'ya hanggang ngayon. Lumakad siya papasok at na-upo sa p'westo nang kalalabas lamang na si Gray. "Ano ba Ashterielle? Na-ospital ka na hindi mo pa sinabi sa akin, alam mo ba kung gaano ako nag alala?" seryosong aniya na may bahid pa ng luha sa mga mata. Nag iwas ako ng tingin, kung alam n'ya lang gusto kong sabihin sa kanya lahat-lahat. Pero wala akong lakas ng loob. "Hindi ako nag-tago ng kahit ano sa 'yo dahil nangako tayo sa isa't isa. Tapos hindi mo makayang sabihin sa akin na nakaratay ka na pala dito sa hospital bed? Hindi mo din kayang sabihin sa akin kung paano ka itrato ng Loriz na 'yon?" dagdag pa niya na ikinagulat ko. Paano n'ya nalaman ang tungkol kay Miss Loriz? "Hindi naman kasi kailangan. Ayos lang ako, simpleng-" napa-buntong hininga lamang ako nang bigla nalang niyang pinutol ang sasabihin ko. "'Yon nga eh! Simpleg bagay lang hindi mo pa masabi," aniya na wala na akong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga. Mag- aaway lang kami kung mag sasalita o mag dadahilan pa ako. Wala akong nagawa kung hindi ang mag kwento, 'yon lang naman ang makakapag pa-tahimik sa kanya eh. Habang nag ku-kweto ako ay panay ang buntong hininga n'ya. Panay din ang kain ng prutas KO. Pucha tirador ng prutas. "Hoy h'wag mo namang ubusin 'yang prutas ko," reklamo ko nang kukuha na naman siya ng isang orange. Sinamaan niya ako ng tingin kaya naman wala akong nagawa kundi ang mag patuloy sa pag ku-kwento. NANG matapos ang mahaba kong kwento na inabot na yata ng dilim dahil lagi siyang may side comment. "...And that's all." "'Yon lang ang hindi mo masabi sa akin? Bakit akala mo susugudin ko ang Loriz na 'yon at mag e-eskandalo? Hello? Hindi ako mag a-aksaya ng panahon at laway para sa isang basura," natatawang aniya. Napa buntong hininga ako, mabuti anman at hindi na siya makikialam. "Hoy, nililibang mo ko! Inubos mo na ang prutas ko!" inis na reklamo ko dahil nang mapabaling ako sa basket na dala ni Gray ay wala na iyong laman. Hindi man lang nag tira, ni hindi na nga nag dala ng prutas o makaka-kain inubos pa yung para sa akin. "Hindi mo naman mauubos 'yan. Papalitan ko na lang," aniya kaya sabay kaming natawa. Buwiset talaga. "Pumunta ka lang yata dito para makikain eh!" inis na sabi ko. Tinaasan lamang niya kao ng kilay at pina-usog pa ako dhail malaki naman ang kama ay kasya kaming dalawa. Makiki-overnight pa 'to. Jusmeyo marimar. *** -KL @itsyour_kl on IG @Kamoteng Ube on FB FOLLOW ME FOR MORE UPDATES AND MORE UPCOMING STORIES DO SHARE. DO SHAREEEE. DO SHAREEE. UNTIL NEXT TIME!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD