01

771 Words
01: MY BEST FRIEND ASHTERIELLE LUJIH POINT OF VIEW "Gusto mo ireto kita? Lagi ka na lang mag-isa girl!" muling pangungulit na naman ni Iella. SIninghalan ko siya at sinamaan ng tingin, ilang beses ko bang sasabihin sa kaniya na wala akong balak mag jowa ulit? "Ayoko. P'wede ba Iella tigil-tigilan mo ko sa mga reto-reto na 'yan ha. Noong nakaraan sinet-up mo ko sa isang blind date sa hindi ko naman kilala," masama pa rin ang tingin kong sambit. Inirapan naman niya ako kaya inirapan ko din s'ya. "Blind date nga diba? Natural hindi mo kilala yung makaka-date mo!" ayan na naman siya sa pagiging sarkastiko, hindi na ako sumagot pa at ipinagpatuloy na lamang ang pag-kain dahil alam ko namang hindi s'ya mag papatalo. Narito kami ngayon sa isang restaurant, kakasundo ko lang sa kanya sa bahay nila ng asawa este magiging asawa n'ya. Panay ang sumbong pa sa 'kin na hindi daw s'ya pinapayagang lumabas ng bahay, feeling naman n'ya may pake ako dejok. "Alam mo minsan nakaka-miss din pala mag bar, yung party-party lang. Ngayon kasi madalang na ko makalabas dahil sa pesteng Sinon na 'yon," she said irritatedly. "Hoy alam mo, 'di ba sabi mo naka one night stand mo 'yang Sinon na 'yan. Hindi ka ba na-iilang?" tanong ko at sumubo ng ice cream. Bumuntong hininga siya na hindi n'ya usually ginagawa. "Well, parang wala lang naman sa kanya eh. At saka bipolar 'yon eh, biruin mo pancake sa dinner anlakas pa ng loob mag-ayang kumain! Pashneang 'yon," aniya na nakapag pangiwi sa akin. Mukhang siraulo nga talaga, well for me bagay naman sila parehas silang hindi matino. H'wag lang n'yang sasaktan si Ziella, ako mismo ang gagawa ng paraan para mag kalayo sila. I was about to say something when my phone rang. Kinuha ko iyon mula sa bag ko at tinignan ang caller, it was my workmate Gray. Gray Illea Calling... Bumuntong hininga ako at sinagot ang tawag, "Hello?" "Where are you? Bakit wala ka na naman sa spot mo? Ash alam mo na uubusan na ako ng dahilan kay Miss Loriz," aniya na nakapag pangiwi sa akin. Hindi na ako nag abalang tumayo dahil sanay naman na kami ni Ziella sa isa't isa. Tumakas kasi ako sa office dahil tinawagan ako ni Iella at umiiyak, akala ko naman kung ano kaya pinuntahan ko agad. Malapit lapit na kaong mawalan ng trabaho pero buti na lang ay tinutulungan at pinag tatakpan ako ni Gray. "Ano kasi, masakit yung ulo ko kaya umuwi na muna ako, pasensya na Gray," pabuntong hiningang sambit ko. Nakita ko kung paanong napa-ngisi si Iella dahil sa dahilan ko. Kasalanan n'ya 'to eh. "It's fine, pahinga ka na lang ako na ang bahala kay Miss Loriz," anito na nakapag pangiti sa akin. Napaka bait talaga niya. "Thank you Gray, babawi ako promise," I said and bid our goodbye. "Sino yung Gray na 'yon ha?" agad na tanong ni Iella nang maibalik ko na ang phone ko sa bag ko. Nginiwian ko siya dahil alam ko naman ang iniisip niya. "Katrabaho ko lang," baliwalang sagot ko at nag patuloy an asa pagkain ng palusaw ng ice cream. Kinuhanan ko pa yung kay Iella kaya sinamaan niya ako ng tingin na ikinatawa ko naman. "Weh? I smell something fishy eh," she said with a playful smirk. I raised my eyebrow and rolled my eyes. "Mukha mo fishy. Kakainin mo ba 'yang ice cream mo akin na lang," ani ko, sinusubukang ibain ang topic. Alam ko na kasi kung saan ito papunta. Ishi-ship na naman niya ako, ni minsan ay hindi naman nag pakit ang motibo si Gray sa akin, at alam ko naman na tinutulungan lamang niya ako bilang katrabaho. No more, no less. "Change topic agad 'no? Kwentuhan mo ko about kay Gray," aniya na may ngisi sa labi. Sinamaan ko siya ng tingin, ano naman ang ikukwento ko sa kanya? "Hindi para sa 'yo gaga, para sa kin baka type ko," dagdag pa nito kaya naman nasamid ako. Lintek! Agad niya akong inabutan ng inumin habang natatawa pa din. Siraulo talaga. "Are you serious? Talagang papatusin mo pati si Gray?" nauubo pa ding hindi makapaniwalang sabi ko, nag kibi't balikat lamang siya na lalong nakapag paubo sa akin. "Biro lang, sayong-sayo yang si Gray mo," natatawa pang aniya, emphasizing the word 'mo'. Baliw talaga itong kaibigan ko, jusmeyo marimar, "Your statement is incorrect, Gray is not mine. Now, if you don't mind go and pay for what we ate," I said and rolled my eyes. She laugh once again before going to counter and pay. *** -KL
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD