KANINA pa nakatitig si Asuncion sa anak. Tulala ito habang nakatingin lang sa kawalan. Kung hindi niya pa binuksan ang kwarto nito ay malalaman na nagpakamatay na ito. Nasa loob din ng silid nila Leo na sinamahan siyang magbantay. Tahimik lamang ito habang nakaupo. "Uuwi na ako total ay gising na rin naman na si Pinky. Papuntahin ko na lang si Sebastian. Kung may kailangan kayo ay sabihin niyo lang," wika ni Leo sa kanya. "Hindi pa man lumalabas ang bata ay tinatakwil na ni Sebastian. Anong klaseng tao kayo?" galit niyang tanong. "Nasaktan siya sa mga nangyari. Hu'wag ninyong kalimutan na niloko niyo kami. Siguraduhin niyo lang na anak ni Sebastian ang batang 'yan. Mauuna na ako," sagot ni Leo sa kanya. Napaangat na lamang ang kanyang kilay. Sinundan niya ng tingin ito hanggang sa m

