HINDI AKALAIN ni Mercilita na ang babaeng naghahanap sa kanya sa lobby ay walang iba kundi ang asawa ni Brent. Bihis na bihis ito. Sopistikada ang dating. Napapanliit tingnan kung ikukumpara sa kanya. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil alam niyang malaking eskandalo na naman ang dala nito. Napaurong siya sa kanyang paglalakad pero huli na dahil nakita na siya ng babae. Nakaangat na kaagad ang kilay nito na akala mo ay susugurin siya. Napatingin siya sa mga empleyado nila sa paligid. Kahit nagtratrabaho ang mga ito ay alam niyang pinagmamasdan silang dalawa. Pasimple siyang huminga nang malalim. Wala siyang kasalanan dahil hindi niya naman alam na may asawa na si Brent bago naging sila. “Anong kailangan mo?” tanong niya sa babae. Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Mayat

