CHAPTER TEN

1894 Words

Mercilita’s pov MALAPIT nang matapos ang bakasyon na hiningi niya sa trabaho at malapit na siyang bumalik sa Manila. Nalulungkot na siya maisip lamang na magkakalayo silang dalawa ni Sebastian. Parang hindi niya kakayanin na wala sa tabi niya ang lalaki. Mag-iisang buwan na rin sila at napakabilis ng mga araw. Kung pwede nga lang na pigilan niya ang mga oras ay gagawin niya makasama niya lamang ng matagal si Sebastian. “Kay aga-aga tulala ang anak ko,” puna sa kanya ng kanyang Nanay Lanie. Nagkakape siya ng mga oras na iyon ay nakatulala habang malayo ang tingin. “Mahipan ka ng hangin,” dagdag pang wika ng ina kaya natawa siya. Tumabi sa tabi niya ang ina. “May lakad ba kayo ni Sebastian ngayon?” tanong sa kanya ng ina. Umiling siya. “Wala naman po. Bakit po?” “Kaya ka malungkot?” b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD