GIGIL NA GIGIL si Brent habang hila-hila niya ang asawang si Charlotte palayo sa mga bisita. Napapangiwi ito sa lakas ng kanyang pagkakahawak sa braso nito. Wala siyang pakialam kung masaktan man ito. Kahit anong pagwawala ni Charlotte ay hindi siya pumapayag na makawala ito. Hindi niya lubos akalain na maiisahan siya ng asawa. Matagal niyang inilihim kay Mercilita ang lahat upang mahalin at pagkatiwalaan lang siya ng babae pero ang lahat ay nawala dahil sa pangingialam ng asawa. Hindi matanggap ni Charlotte na ayaw niya na rito kung kaya ginugulo siya. "Ito ba ang gusto mo ha? Ang sirain ang buhay ko?" galit niyang wika kay Charlotte. Dinala niya ito sa banyo. "Matagal nang sira ang buhay natin. Sinira mo na! Akala mo hindi ko alam? Ayaw mo na sa akin dahil sa bagong babae mo? Pilit

