Prologue

1141 Words
Inilapag ni Casmiro ang tasang may lamang kape at tinipa ang keyboard ng kaniyang laptop. Suot niya ang salamin sa kaniyang mata para mabasa ang e-mail na galing sa kaniyang amo. "Suck this report!" mahinang sambit pa niya sa kawalan. Pasado alas onse na ng gabi pero hindi pa rin siya umuwi sa kadahilanang dapat niyang tapusin ang kaniyang reports ngayong gabi. Sa katahimikan ng kaniyang kwarto ay tanaw niya ang salaming pader na konektado sa kabuuan ng palapag na iyon. "Same again." Dugtong pa niyang sambit sa katahimikan. Tanaw niya ang mga nakahilerang mga lamesa na walang tao. Siya na lang ang nandoon. Pero biglang may nagbukas sa pintuan mula sa likuran niya. Napagitla siya dahil sa gulat at nilingon ito. "Naku sir, nandiyan ka pa pala. Akala ko wala ng tao," paumanhin ni tatay Teban na isang janitor sa kanilang kompanya. Dala nito ang isang mop at balde na may lamang tubig na may bula ng sabon. Nang tangkang lumabas muli ito ay mabilis na pinigilan niya ito. "Tay, teka ho," tawag ni Casmiro. Tumayo siya at lumapit sa matanda sabay abot ng isang supot ng pandesal na hindi niya ginalaw. "Naku, hijo salamat dito, pero ikaw ba'y kumain na? Paano ka?" "Naku tay, h'wag kang mag-alala, busog pa ho ako, uuwi na rin ako mayamaya, tapusin ko lang po 'to saglit." Ani niya saka pa tinapik ang balikat ng matanda. Nakapalagayan na niya ng loob ang lahat ng trabahante sa Hemingway Industry, kaya nga siguro'y hindi naging hadlang kay Casmiro na umangat ng mabilis at naging CEO dahil sa kaniyang magandang pakikipagtao. Matapos magpaalam ay sinarado ulit ni Casmiro ang pintuan at umupo sa kaniyang swivel chair. Nagtipa ulit siya sa kaniyang reports at nag-send sa kaniyang amo na si Don Brando. Nang makapasa na ay agad niyang pinatay ang kaniyang laptop at tiniklop iyon. Mabilis niyang inabot ang kaniyang folder case sa 'di kalayuan at doon ipinasok ang lahat ng paper works na kopya niya sa darating na meeting. Hindi siya makapaghintay na i-report ang nais niyang i-acknowledge na mga resorts at hotels na pwedeng maging partners ng kanilang kompanya. "It'll do for now." Bumuntung-hininga siya saka pa isinuot ang coat. Kinuha niya ang susi ng kaniyang sasakyan sa isang drawer at pinatay ang mga ilaw na naroon. Naglakad siya sa pasilyo papuntang main door para makalabas sa malawak na parking space sa harapan ng building na iyon. Halatang wala ng tao at kaunti na rin ang mga sasakyang dumadaan sa highway na nandoon. Nang mapindot ang car keys ay tumunog ang tatlong ulit ang sasakyan niya at automatic na nagbukas iyon. Pumasok na siya sa driver's seat at pagod na nilapag ang dalang attache case. Malayang binuksan niya ang makina at pinatakbo iyon, habang nasa kalsada'y napagpasyahan ni Casmiro na makinig ng musika mula sa kaniyang playlist, nakagawian na rin kasi niyang makinig habang nagba-byahe siya sa daan. He choose 'The man who can't be moved', kaya chill na chill lang siya habang pinipilantik sa manibela ang kaniyang mga daliri. "Going back to the corner where I first saw you...na na na." Himig pa niya habang nakamasid sa daan ang kaniyang mga paningin. Mayamaya pa ay bumuhos ang malakas na ulan at doon nga'y nakita niya ang pagragasa ng mga butil ng ulan sa kaniyang salamin. Mabilis niyang pinagana ang windshield kaya naman sa puntong paghinto niya sa stop light ay namayani ang ingay mula sa labas at ang pagtunog ng windshield sa kaniyang harapan. "Ugh, why now?" he said as he sighed. He was in his depth of thinking something when some beep of horn caught his ears. Kanina pa pala naka-Go ang light kaya pala atat na atat ang nasa likurang sasakyan, damn it! Hindi niya napansin ang pagmumuni-muni niya kaya imbes na bumwelo ay bumusina na lamang siya bilang isang paumanhin. Nagtuloy-tuloy ang byahe niya hanggang makarating na siya sa kaniyang inuupahang apartment. Dahil na rin sa malakas na ulan ay agad na tinakbo niya papasok ang distansya sa kaniyang pintuan para maipasok ang susing dala niya. Dahil sa pagmamadali ay hindi niya agad iyon maipasok kaya nabitawan niya iyon. Saktong pagkuha niya mula sa sahig ay may narinig siyang nagsisigawang boses sa hindi kalayuan. "F-ck the two of you!" rinig niya sa kabilang banda. Tanaw pa niya ang babaeng sumulong sa ulan at tila balisa na tinungo ang nakaparadang kotse sa may unahan. Hindi niya mapigilang maki-usyuso, kaya nanatili siyang nakatayo roon. Matapos ang eksena'y may lumabas na isang lalaki na nakahubad ng pang-itaas. Nakita niyang nakiki-usap ito sa babaeng nasa kotse na noo'y dahan-dahang umaandar papalayo. It was a heavy rainy evening and the fact na medyo late na iyon, pasado alas dose na ng gabi kaya mas pinagtataka niya kung ano ang nangyayari sa bahay na iyon. Doo'y bumalik siya sa susing hawak niya at pinasok iyon sa siradora. Nang makapasok ay pagod na ibinagsak ni Casmiro and kaniyang katawan sa couch at hinubad ang kaniyang suot na coat, tie at polong halos araw-araw niyang suot. It is his costume ika nga niya, hindi kapareho sa kasuotan niya sa Siargao na sando at kamiseta lang, iyong presko lang at hindi nakaka-suffocate gaya ng suot niya ngayon. Matapos maghubad ng pang-itaas ay hinubad na rin niya ang suot na black pants at nanatili sa kaniyang boxers. Mas comfortable sa kaniyang ang ganoong ayos, mas nakakagalaw siya ng maigi at madalas, wala naman siyang kasama kaya panatag siya na ganoon lang ang ayos niya. Agad niyang tinungo ang kusina at kumuha ng popcorn na naka-ready made na sa isang paper bag. Kinuha niya ang flavoured cheese at binudbod iyon sa loob at hinalo nang mabuti, matapos ay sinelyohan niya ito at ipinasok sa microwave oven. He pressed 3 minutes to made it. Naghintay siya sa ilang segundong iyon, pero halos lumilipad ang isip niya sa nagdaang sandali niya doon sa Siargao. "Her long wavy hair, her sunshine smile, sweet lips and a scent made me crazy in-love," suminghap pa siya saka ngumiti sa kawalan. "I'll see you soon," ani niya saka pa tumunog ang oven na siyang nagpabalik sa guni-guni niya. Halos dalawang taon na rin noong hindi niya nasilayan ang kaniyang pinakamamahal na nobya na si Candy. Ang kaniyang long-time girlfriend. Ang kaniyang pinaka-iisang babae na hinintay niya nang kay tagal. Gaya nga ng kasabihan, makapaghihintay ang lalaki sa babaeng natitipuhan ng puso. Siguro nga'y oa siya, pero iyon ang basehan niya sa pag-ibig. Medyo romantic at madalas old-fashioned siya sa ganoong bagay. Anong magagawa niya, sadyang may pagka-Jose Rizal siya 'pag nagmahal eh. Pinapak niya ang popcorn at nagtuloy-tuloy sa kaniyang silid. It is his normal hectic day as Casmiro Delgado. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD