Chapter 30 Nicollo’s POV Parang tanga lang ako na nakatingin sa pinto ng emergency room ng hospital. Nang mapayuko ako dahil parang hihimatayin ako ay napansin ko ang dugo sa mga kamay ko. Parang tanga akong napatitig doon at may kung ano sa isipan ko na paulit ulit lang na umuulit ang nangyari sa kanya kanina. Puti. Puting pamilyar na sasakyan ang bumangga sa kanya. Pamilyar eto na to the point alam ko kung sino ang may gawa sa kanya. “Melody.” I just whispered at nagsimula nanaman bumagsak ang mga luha sa mata ko. She’s critical at kulang na lang ay ibenta ko ang sarili ko sa demonyo para buhayin lang siya. “Nicollo.” narinig kong may tumawag sa pangalan ko at nang lumingon ako ay nakita ko si Ode sa tabi ko. Namumugto rin ang mga mata niya at umaagos din ang luha mula d

