Chapter 1

1909 Words
 a/n: I KNOWWWW! it's not yet scheduled but lemme post it cos I love you all! and I miss updating stories :(( anygays im updating it so that y'all won't be confused why Melody seducing Nicollo on the Prologue whilst on the last chapter of Book 1, she had a car crash. explanation is here on this chapter!  Anyways 2.0; Update schedule will be TUESDAY and FRIDAY starting this June 29. Twice a week update because i'm so busyyyy :(( dont hate me! I love you all! you can catch me on: twt; @writerkebs sss; kebs Dreame I LOVE YOU ALL!   Nicollo and Melody Book 2 starts here: Chapter 1   Nagising ako nang makaramdam ako ng p*******t ng sikmura na para bang pinipilipit eto at nasusuka na rin ako. Napabangon ako at napatakbo sa maliit na banyo ng kwarto. Napasuka ako kahit wala pang laman ang tiyan ko. Nahihilo na rin ako kaya ng matapos ako sa pagsusuka ay napaupo na lang ako sa tabi para pakalmahin ang sarili ko. Napahawak ako sa sinapupunan ko at tumulo lang ang luha ko. Resulta ng kagagahan ko. Resulta kung gaano ka f****d up ang buhay ko. Pero kahit anong isipin ko, kung ano ano ang mga senaryo na iniisip ko para hindi lang madamay ang batang eto sa kamalasan ng buhay ko ay hindi ko kayang magawa na ipagkait sa kanya ang buhay. Kahit ang kaligtasan ang buhay niya na lang ang kaya kong maibigay sa kanya. Naramdaman ko ang biglaan niyang paggalaw at napangiti ako. Para bang pinapaalala niya lang sa akin na nandiyan lang siya at hindi ako nag-iisa. Malas mo lang na ako ang magiging Ina mo. Nasa pang apat na buwan na ako at nagiging active na ang bata sa loob ng tiyan ko. Tatlong buwan na rin simula ng umalis ako sa lugar namin.   Three months ago… Habang nagwiwithdraw ako sa pinakamalapit na ATM ay hindi ko na inalala na hindi ko pala nalock ang sasakyan na dinala ko. Paglingon ko sa lugar na pinagiwanan ko ay nagulat ako nang wala na ang puting Picanto! Kung minamalas ka pa talaga. Hawak hawak ko ang isang daang libong piso na ipon ko mula sa allowance na binibigay ng parent—parents ni Kuya Chor—pero he’s my father? Pero paano ang itinuring kong parents? They are my grandparents? Ah! Hindi ko na alam. Sumasakit na rin ang ulo ko idagdag mo pa na nasusuka na rin ako dahil sa init. Napatingin ako sa cellphone na hawak ko at pag-open ko ay naglalahad ang masayang pamilya namin noon. Sila Mama at Papa, Kuya Chord, Ako, Lyric at String. Ano ba ang nangyari para sa isang iglap ay maglaho ang parang napakaperpekto kong buhay? Ibinagsak ko iyon sa lupa at tinapakan ng makailang ulit hanggang sa tuluyang madurog ang screen nito. Agad akong pumara ng taxi para sumakay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ang alam ko lang na kung hindi ako makakalayo sa lugar na eto ay mababaliw ako dahil sa mga pwedeng mangyari. “Saan ka po, Ma’am?” nakita ko na bata pa ang driver. Maybe not younger than me? May itsura rin eto pero hindi ko na iyon pinansin sa halip ay agad ko siyang tinanong. “May alam ka pong pagawaan ng pekeng ID?” Nakita ko na nagulat ang driver sa tingin ko at napataas ang kilay. “P-Po? Teka, bumaba na po kayo ng sasa—” nagulat ako ng bigla niya akong tinalikuran at akmang bababa na sana ng taxi niya nang agad akong napahawak sa braso niya para pigilan siya at napalingon siyang nakataas ang kilay sa akin. “No! Kailangan ko lang umalis. Kailangan ko lang gawin eto. Nagmamakaawa ako, Kuya, Manong. Please. Just help me once on this and I promise I will owe everything to you.”pagmamakaawa ko sa kanya at nakita ko na napakagat siya ng labi at mahigpit na napapikit ng mga mata. Napailing siya at binawi ang braso niya. “Please. Nagmamakaawa ako sa’yo. I’m not criminal or something—tiyak na hahanapin lang ako ng pamilya ko at hindi pa rin ako makakatakas sa mga kamay ni—” Nang walang pasabi ay bigla siyang nagsalita. “Sige. Sige! Papayag na ako. Sandali lang.” Nakita ko na minani-obra niya na ang taxi niya at nagsimulang magdrive.”Paki-suot po ng seat belt niyo.” Aniya at agad ko naman sinunod. Habang nagdadrive siya ang paminsan minsan nagtatagpo ang mga mata namin sa rearview mirror. Nakikita ko rin naman na agad niyang iniiwas ang tingin niya at diretsong tumingin sa daan. Hindi nagtagal ay tumigil ang taxi at nasa harap kami ng isang gotohan. “Anong ginagawa natin dito?” “Andito na ang hinihingi mong tulong.Mag-isip ka na ng bagong pangalan mo.” Aniya at tuluyan na nga siyang lumabas ng taxi niya. Agad akong sumunod lumabas at nakita ko siya na sumindi ng sigarilyo at itinuro ang gotohan. “Sabihin mo Ching Ching Tabachingching. Alam na nila yun. Hihintayin kita rito para sa bayad mo sa taxi.”   Biglang tumunog ang alarm clock ko na nagpapahiwatig na oras na gigising ako. Lalo na at opening shift ang schedule ko kaya kailangan ko ng mag-ayos. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo para lumabas at kunin ang tuwalya sa kwarto ko para tuluyan ng makaligo para hindi ako malate sa trabaho. Pero pag pihit ko ng gripo ko ay walang lumabas ng tubig. Sandaling napapikit ako at nagtimpi. Nagbilang muna ako ng lima bago tuluyang sumigaw. “Jonas! Ang tubig!” At sa isang iglap ay bumuhos ang malakas na tubig mula sa gripo papunta sa balde. “Ang aga-aga pa eh!” panghihimugtok ko bago tuluyang naligo para simulan na ang araw ko.   Matapos akong magbihis at mag ayos na ay lumabas na ako. kumalalam na rin ang sikmura ko sa gutom pero wala na akong oras. Sana lang hindi traffic papuntang Diner para hindi ako malate. Paglabas ko ng kwarto ay may nakita akong yawa na ngingiti-ngiti habang nag-aayos ng mesa. Makikita sa mesa ang itlog, tuyo, chorizo at sinangag na halos ika-laway ko. Pagtingin ko sa kanya ay nakataas ang kilay niya. “Kain ka muna, kamahalan.” Sinamaan ko siya ng tingin at nagtungo na lang sa pinto para magsuot na ng sapatos. “Anna naman. Mag-almusal ka muna.” Aniya at bumuntot sa akin. “Mahiya naman ako dahil baka sabihan mo nanaman ako na tumaba ako.” nakita ko na umasim ang mukha niya. “Hindi naman kasi offending yung pinapahiwatig ko doon. Ibig sabihin ko na nagiging healthy ka na!” Sa sobrang inis ko ay sobrang higpit ko na itinali ang sapatos ko. Pero wala na akong oras ulitin iyon kaya pinabayaan ko na lang. “Heh! Ewan ko sa iyo! Kumain ka mag-isa mo! Tse!” Nakita ko kung paano nagtagis bagang si Jonas nang magtagpo ang mga mata namin. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan. “Oh siya. Umuwi ka na lang bago mag alas-otso.” “Excuse me po. hindi ako sa opisina nagtatrabaho. Sa isang fast food chain ako na ninilbihan kaya hindi ko masasabi ang oras ng aking pag-uwi, Itay.” Sinuklian niya ako ng masamang tingin. “Gusto raw tayo kausapin ng landlady natin!” Napaisip ako dahil kakatapos lang naman namin magbayad ng renta. “Bakit daw?” Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang umirap sa akin at sinamaan ng tingin. “Hindi ko po alam kaya dapat makauwi ka po mahal na prinsesa bago mag alas-otso.” Tinalikuran na niya ako kaya napailing na lang ako na lumbas ng bahay. Napahawak ako sa tiyan ko. Masyadong mahigpit ang pagkakaipit ko sa tiyan ko at parang hindi ako makahinga pero wala na akong oras kaya sa Diner ko na eto babaguhin. Pagdating ko ng Diner ay ako ang nagbukas nito. Naglinis na rin ako at nagsimulang mag-brew ng kape. Nagsimula na rin ako magluto ng silogs at iba pang orders para hindi na matagalan ang mga orders ng mga regular customer pag dating at pag umorder na sila. Pasado pa lang alas-syete ng umaga at wala pa masyadong tao. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin sa dingding ng diner. Sobrang ikli ng buhok ko at nakasuot din ako ng salamin. Nakasuot ako ng retro servants uniform na may yellow pattern at may name tag na nakasulat na— Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang regular customer at nginitian niya ako. “Hi, Anna. As usual ako.” Nginitian ko siya at tinanguan. “Okay! French toast and bacon coming up! And your cup of coffee with four shots will come first! Give me a minute, Claire.” I heard her giggle at tumango. She’s on her jogging suit and as usual pumupunta siya rito to eat breakfast after her morning fitness. Habang niluluto ko ang order ni Claire ay dumating na ang cook namin and he immediately went to the kitchen. He whisper a sorry for being late pero na punch ko na ang log-in niya kaya hindi siya dapat mag-alala. Nang maigawa ko ang kape ni Claire ay una ko iyon inihatid. Pagkalagay ko sa harapan niya ay nagpasalamat siya kaagad at nginitian ako. Papaalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko at tinignan ako ng taas baba. “Natuwa ako noong nakaraan sa’yo dahil mukhang nagkakalaman ka na pero bakit ngayon mukhang nangangayayat ka? Masama ba ang pakiramdam mo? May sakit ka ba?” At kasabay ng pagkatapos niyang magsalita ay sumakit ang tiyan ko. I hissed at napapikit sandali pero agad naman ako nag mulat ng tingin at nginitian si Claire. “Oo naman. Ganito talaga katawan ko, madaling tumaba, madali ring pumayat, ano ka ba.” Sabi ko at nakita ko naman na napahinga ng maluwag si Claire. “Lumalaki rin ang bilbil mo—joke—hahaha. Pero sana all na lang. ako nga ay jogging na ng jogging isang kain lang ay bumabalik agad ewan ko na lang.” aniya at unconsciously na napahawak ako sa naipit kong tiyan at napatawa ng pilit para lang makasabay kay Claire. “Anyways, namention noong nakaraan ng boss mo na graduate ka raw ng bachelor. Sayang naman kung dito ka lang sa diner magtatrabaho.” Bigla niyang kinuha ang wallet niya at may kinuha siya at iniabot iyon sa akin. “Kakabukas lang ng kompanya namin three months ago pero I assure you na maganda ang management ng employee ng boss namin. You can apply there just me on your application as a reference.” Nakangiti kong inanggap ko ang card at nakita ko na sa siyudad iyon naka-base. Tatlong buwan na rin ang noong huling nakatapam doon. Biglang bumukas ang pinto ng diner at tumunog ang chime na nagpapahiwatig na may pumasok. Nginitian ko muna si Claire bilang pasalamat bago ko tuluyang binaling ang tingin ko sa kakapasok at binigyan sila ng ngiti. “Thank you talaga, Claire. Itatry ko eto. Salamat talaga pero excuse muna.” Umalis na ako habang nginitian si Claire na tumango sa paalam ko para pumunta na ng counter para kunin ang order ng mga kakarating na customer.   -- what do you think about the work  offer of Claire to our Melody? :D See you next next week! Stay safe! ILYALL!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD