"You're not trippin, do you?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Stefano sa inupahan niyang private investigator para mapadali ang paghahanap niya sa kanyang mag-ina. Pakiramdam niya ay wala siyang dapat sayangin na oras dahil bawat patak ng orasan ay mahalaga. "I'm hundred percent sure that it's positive," sagot nito. Muling tiningnan ng binata ang ibinigay sa kanyang litrato ng P.I at hindi siya pwedeng magkamali. Kilalang-kilala niya ang dalawang batang babaeng karga ni Harrieth. Hindi ba't ito ang mga batang gumulo sa isipan niya ng ilang araw dahil sa taglay na kakyutan ng mga ito? Si Heaven na medyo mataray at si Nevaeh na pilya? "You mean to say, this is my family?" garalgal niyang tanong. Hindi niya maialis ang tingin sa tatlong imahe na nasa litrato. Si Harrieth at ang kambal n

