Tahimik na naghuhugas ng kamay si Harrieth sa comfort room habang tinitingnan ang sariling repleksiyon sa salamin. Si Stefano ay nauna na sa kanya sa baba at nagpaiwan siya para ayusin muna ang sarili. Ayaw naman niyang bumalik sa baba na wala sa ayos. Napansin niyang nahulas ang kanyang lipstick kaya naman inisip niyang mag retouch bago bumalik sa party. Kailangang magmukha pa rin siyang presentable sa kabila ng ginawa nilang pagniniig ng binata. Naglagay rin siya ng kaunting pabango sa kanyang leeg at pulsuhan. "So, how does it feel? Is it satisfying? Masarap ba ang boyfriend ko?" wika ng isang tinig. Napatigil ang dalaga sa ginagawa at kaagad na lumingon. Nakita niya si Greta na nakasandal sa dingding at nakatitig sa kanya. Nakasuot ito ng Mock neck long sleeve bowknot A line cocktail

