ROB's POV
I lied to my wife.
I lied to Callie.
Napahilamos ako sa aking mukha at nahahapong sumandal sa mataas na sandalan ng swivel chair na aking kinauupuan dito sa loob ng aking opisina.
I came home late last night. I didn't expect na mata-traffic ako pauwi mula sa paghahatid kay Roxy.
Yes, inihatid ko si Roxy sa apartment nila ng kanyang kaibigang si Fiona matapos niyang matapilok sa aking harapan kagabi rahil sa natanggal ang takong ng isa niyang sapatos.
Tandang-tanda ko pa ang mga kaganapan kagabi.
Bumalik na ako sa loob ng aking opisina para kuhain ang aking mga gamit at maghanda na para sa aking pag-uwi.
Kanina ay pormal na akong ipinakilala ng aking best friend na si Waldo sa girlfriend nitong si Fiona at ganoon din kay Fiona na pormal nitong ipinakilala sa akin.
Nagkita na kami ni Fiona noong isang gabi nang aking ihatid sa apartment nito ang aking kaibigang si Waldo rahil sa sobrang kalasingan. Doon ay naghubad si Fiona sa aking harapan.
Hindi ko maikakailang maganda ang kurba ng katawan ng girlfriend ng aking best friend, ngunit may asawa akong tao kaya hindi ko ikinatutuwa ang ginawa nitong paghuhubad sa aking harapan.
Mabuti na lamang at agad na dumating ang kaibigan at roommate ni Fiona na si Roxy. Mabilis na ibinalot ni Roxy sa katawan ni Fiona ang bathrobe na inilaglag nito sa sahig nang maghubad sa aking harapan.
Natuwa ako sa ginawang iyon ni Roxy.
Si Roxy na hindi na mawala sa aking isipan simula nang pagkikita naming iyon sa loob ng kanilang apartment ni Fiona.
Nakilala ko si Roxy na siyang babaeng aking nakasama nang isang gabi kung saan pinagsaluhan namin ang isang bawal na sandali.
Isang gabing punung-puno ng pagtataksil kay Callie na aking fiancée nang panahong iyon.
Ngunit mukhang hindi naaalala ni Roxy ang gabing iyon. Wala siyang ipinakitang indikasyon na naaalala niya ako mula sa nakaraan.
Kahit nang muli kaming magkita ni Roxy kahapon sa school kung saan nag-aaral ang aking anak at kung saan nagtatrabaho si Roxy ay hindi ko nakita sa kanyang mga mata ang recognition na ako ay isang tao na naging parte ng isang mainit na gabi sa kanyang buhay.
Marahil ay tama ang aking naisip na pinanindigan ni Roxy ang kanyang sinabi noon na pagkatapos nang makasalanang gabing iyon ay babalik na kami sa kanya-kanya naming normal na buhay at kalilimutan na ang mga mainit na sandaling pinagsaluhan naming dalawa.
At kung ganoon nga ang gustong mangyari ni Roxy ay mas tama nga sigurong iwasan ko na siya para hindi ko na rin maalala pa ang naglalagablab na sandali sa pagitan naming dalawa noon.
Kaso mukhang laging gumagawa ng paraan ang tadhana para pagtagpuin ang mga landas naming dalawa ni Roxy. Tatlong sunud-sunod na araw na kaming nagkikita nang hindi sinasadya.
Una nga ay noong isang gabi kung saan nagkita kami ni Roxy sa kanilang apartment ni Fiona.
Pangalawa ay kahapon kung saan nagkita kami ni Roxy sa pinagtatrabahuan niyang school bilang guro na siya ring paaralan kung saan nag-aaral ang aking anak na si Mavie.
Para pang nananadya ang tadhana rahil isa si Roxy sa mga teacher ni Mavie.
At ang ikatlong beses na nagkita kami ni Roxy sa hindi inaasahang pagkakataon ay kanina nang ipakilala ako ni Waldo sa girlfriend nito. Hindi ko inaasahang kasama nina Waldo at Fiona si Roxy na pupunta sa aking restaurant.
Nang makatanggap ako ng mensahe mula sa aking kaibigang si Waldo na nagsasabing dumating na sila ng girlfriend nitong si Fiona sa aking restaurant ay agad akong nag-reply na lalabas na ako ng aking opisina.
Tamang-tama rahil pauwi na rin ako. Pwede pa akong makipagkwentuhan kina Waldo at Fiona.
Napagdesisyunan ko na ring hindi ko na sasabihin sa aking kaibigang si Waldo ang ginawang paghuhubad ng girlfriend nito sa aking harapan noong isang gabi. Wala rin namang magandang maidudulot kung sasabihin ko pa ang tungkol doon.
Pagkalabas ko mula sa loob ng aking opisina kanina ay biglang nawala ang ngiti sa aking mga labi nang makita kong kasama nina Waldo at Fiona si Roxy. Hindi nasabi sa akin ni Waldo na kasama rin nila ang kaibigan ni Fiona.
Gusto ko nang iwasan si Roxy ngunit ang tadhana naman ang gumagawa ng paraan para muling magkita kaming dalawa.
Nang pormal akong ipakilala ni Waldo kay Roxy ay sinabi ni Roxy sa aking matalik na kaibigan na nagkakilala na kami noong isang gabi nang ihatid ko ang aking kaibigan sa apartment nila ni Fiona.
Binanggit din ni Roxy kina Waldo at Fiona na nag-aaral ang aking anak sa school kung saan siya nagtatrabaho bilang teacher. Nagulat pa nga si Fiona at napahalakhak si Waldo nang sabihin ni Roxy ang mga katagang "small world".
Ang kaninang una kong plano na makipagkwentuhan kina Waldo at Fiona ay hindi na natuloy dahil gusto kong iwasan si Roxy. Nagsinungaling ako sa kanila nang aking sabihin na may iuutos pa ako sa aking mga staff.
Sinabi ko na lang kay Waldo na mag-enjoy sila sa kanilang dinner at huwag nang alalahanin ang bayad dahil on the house ang lahat ng mga kakainin nila. Tuwang-tuwa naman silang dalawa ni Fiona.
Nakita ko namang ngumiti si Roxy ngunit hindi umabot sa kanyang mga mata. Binalewala ko iyon dahil gusto ko nang makaiwas sa kanya.
Agad akong umarte na abalang-abala sa kusina para mas maging kapani-paniwala ang ginawa kong dahilan kung bakit hindi ko nasamahan sa kanilang dinner sina Waldo, Fiona, at Roxy.
Ngunit habang nagmamando ako sa aking mga tao at panaka-nakang tumutulong sa kanila ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na lumingon paminsan-minsan sa direksyon ni Roxy.
Nang makita ko si Roxy pagkalabas ko ng aking opisina kanina ay hindi ko maikakailang nagandahan ako sa kanyang ayos.
Alam kong galing pa si Roxy sa school dahil sa suot niyang uniporme ngunit kahit pagod siya sa buong maghapong pagtatrabaho ay hindi nakabawas iyon sa kanyang ganda.
Maganda pa rin si Roxy katulad nang unang beses ko siyang makita nang gabing iyon.
Mariin akong pumikit. Kailangang kalimutan ko na ang gabing iyon. Kung gusto ni Roxy na kalimutan iyon ay kailangang kalimutan ko na rin.
Hindi rin magandang binabalikan ko pa sa aking isipan ang alaala nang gabing iyon dahil maliban sa pamilyado na akong tao ay nag-iinit din ang aking pakiramdam sa tuwing naaalala ko ang mainit na mga sandaling pinagsaluhan namin ni Roxy.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita kong nakatingin sa aking direksyon si Roxy. Nagkatitigan kami.
Bigla kong naramdaman ang pagpitik ng aking alaga sa loob ng aking boxer briefs habang nakatitig kay Roxy. Kinabahan ako. Agad akong nag-iwas ng tingin mula kay Roxy.
Bago ko pa maipahiya ang aking sarili at bago pa bumukol ang aking alaga sa aking suot na pantalon ay agad-agad akong naglakad papasok sa loob ng aking opisina.
Naisipan kong umuwi na para tuluyang maiwasan si Roxy.
At ngayon nga ay palabas na ako ng aking opisina para magpaalam na kina Waldo at sa mga kasama nito na ako ay uuwi na.
Bago ko pa mabuksan ang pinto ng aking opisina ay bumukas na iyon. Nagulat ako nang biglang pumasok sa loob ng aking opisina si Fiona.
Rob: Fiona? What are you doing here? Unauthorized people are not allowed here.
Nakita kong parang nataranta si Fiona.
Fiona: Uhm... Rob, gu-gusto ko lang sanang mag-sorry doon sa ginawa ko noong isang araw. Hi-hindi ko 'yon sinasadya.
Pumikit ako ng mariin.
Alam kong ang paghuhubad ni Fiona sa aking harapan ang tinutukoy nito. Pero sigurado akong sinasadya nito iyon.
Para matapos na ang usapan ay sinabi ko na lang kay Fiona na kalimutan na iyon at ipinangako ko rito na wala akong sasabihing anuman kay Waldo tungkol sa bagay na iyon.
Ngumiti naman si Fiona at nang subukan ako nitong yakapin ay agad akong umatras.
Rob: It's fine, Fiona. Bumalik ka na sa table ninyo. Magpapaalam na rin ako kay Waldo rahil uuwi na rin ako.
Nakita ko namang nag-pout si Fiona.
Fiona: Sana pala sumabay na si Roxy sa iyo. Nauna na rin siyang umuwi, eh. Masama raw ang kanyang pakiramdam.
Kumunot ang aking noo.
Bigla akong nag-alala. Naisip kong baka sumama ang pakiramdam ni Roxy dahil sa mga pagkaing inihain namin.
Rob: Why? Is there something wrong with the foods?
Mabilis na umiling si Fiona.
Fiona: Naku, wala. Actually, masasarap nga ang lahat ng mga in-order na pagkain ni Waldo. Katunayan nga niyan, tapos na agad akong kumain. Sobrang sarap kasi.
Malakas pang tumawa si Fiona ngunit ang aking isipan ay na kay Roxy.
Sana nga talaga ay hindi sumama ang pakiramdam ni Roxy nang dahil sa mga pagkain ng aming restaurant.
Maya-maya pa ay bumalik na si Fiona sa table nila ni Waldo. Nagpaalam na ako sa kanila at sinabi kong baka nag-aalala na ang aking asawang si Callie. Sinabi ko pang mag-order lang sila nang mag-order.
Nang makalabas na ako ng aking restaurant ay agad akong naglakad patungo sa aking kotse. Nang binuksan ko ang pinto ng driver seat ay nabigla ako nang may babaeng natapilok sa aking harapan.
Nakita ko pang tumilapon ang mga bitbit ng babae sa sementadong lupa. Napansin kong wala ng takong ang isa niyang suot na sapatos. Iyon marahil ang dahilan kung bakit siya natapilok.
Agad kong dinaluhan ang babae at nagulat pa ako nang makitang si Roxy ang babaeng natapilok at nakadapa ngayon sa kalsada.
Agad kong tinulungang makatayo si Roxy at isa-isang pinulot ang kanyang mga tumilapong gamit sa sementadong lupa.
Pinapagpagan ni Roxy ang kanyang uniporme nang maalala kong masama nga pala ang kanyang pakiramdam.
Bitbit ko pa rin ang mga gamit ni Roxy nang kausapin ko siya.
Rob: Are you all right? May masakit ba sa iyo? Fiona told me you're not feeling well. Dahil ba sa foods?
Sunud-sunod ang aking mga naging tanong kay Roxy dahil nag-aalala talaga ako kung sumama ba ang kanyang pakiramdam dahil sa mga pagkaing inihanda namin.
Tumawa si Roxy at pabiro akong hinampas sa braso.
Roxy: Relax ka lang, Rob. Natanggal na pala 'yong takong ng isa kong sapatos. At kaya sumama ang aking pakiramdam ay malamang dahil sa pagod sa trabaho. Walang problema sa foods. Masasarap lahat. Sayang nga at hindi ko naubos.
Nakita ko ang totoong panghihinayang sa mukha ni Roxy.
Hindi ko napigilan ang mapangiti rahil pakiramdam ko ay genuine ang pagkakasabi ni Roxy na masarap ang mga pagkaing inihanda namin.
Roxy: Don't worry. Ipapahinga ko lang ito at bubuti na ang aking pakiramdam.
Matamis na ngumiti si Roxy sa akin na lalong nagpaganda sa kanya.
Lihim kong pinagalitan ang aking sarili rahil sa kung anu-ano ang aking napapansin at naiisip.
Rob: Are you sure you can go home na ganyan ang kondisyon ng isa mong sapatos? If you want, pwede kitang ihatid sa apartment ninyo ni Fiona. They're still eating inside. Mukhang matatagalan pa sila.
Hindi ko alam kung bakit ako nag-offer kay Roxy na ihatid siya sa kanilang apartment ni Fiona gayong gusto ko siyang iwasan.
Siguro ay dahil umiral ang aking pagiging gentleman at dahil alam kong mahihirapan si Roxy na umuwi rahil sa natanggal ang takong ng isa niyang sapatos, maliban pa sa alam kong masama ang kanyang pakiramdam.
Roxy: Naku, Rob. Nakakahiya. Kaya ko nang umuwing mag-isa. Hindi ko rin gustong abalahin ka pa.
Ngunit hindi ko pinakinggan si Roxy at sinabi ko sa aking sarili na hindi kakayanin ng aking konsensya kung hahayaan ko siyang umuwi nang mag-isa sa kanyang kondisyon ngayon.
Akmang kukunin na ni Roxy ang kanyang mga gamit na bitbit ko na sa aking mga bisig nang mabilis akong umatras at lumakad patungo sa aking kotse. Dahil nga sa bitbit ko ang mga gamit ni Roxy ay nahirapan akong buksan ang pinto sa likod ng aking kotse.
Rob: Ah, Miss Valeriana, would you mind opening the door for me, please?
Nahihiya akong ngumiti kay Roxy na ikinatawa naman niya ng mahina.
Roxy: Kinukuha ko na kasi 'yong mga gamit ko, pero ayaw mo pang ibigay.
Tumawa lang ako sa sinabi ni Roxy.
Nang mabuksan ni Roxy ang pinto sa likod ng kotse ay agad kong inilagay ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng backseat.
Nang maisara ko ang pinto ng backseat ay agad kong binuksan ang pinto ng passenger seat para kay Roxy.
Marahan pang tumawa si Roxy bago pumasok sa loob ng sasakyan.
Roxy: Thanks, Mister Laguarte.
Malakas akong tumawa at iiling-iling na lumakad patungong driver seat.
Habang pinapaandar ang aking kotse ay nagbiro pa ako kay Roxy na ngayon ay ikinakabit na ang seatbelt ng kotse sa kanyang katawan.
Rob: I just noticed, lagi ka na lang nadadapa sa aking harapan. Kahapon sa school at ngayon.
Malakas na tumawa si Roxy.
Roxy: Excuse me. Nabunggo mo ako kahapon kaya ako nadapa.
Naiiling akong tumawa habang nagsisimula na kaming bumiyahe ni Roxy. Natatawa ako sa aming sitwasyon.
Gustuhin ko mang iwasan si Roxy ay para bang ang tadhana ang laging gumagawa ng paraan para magkita o magkasama kami.
Sa buong biyahe patungong apartment nina Roxy at Fiona ay nakinig lang kami ni Roxy sa mga musikang nagpi-play sa loob ng aking kotse.
Hindi kami nag-uusap ni Roxy pero hindi rin naman mabigat ang atmosphere sa loob ng sasakyan. Paminsan-minsan pa ay sumasabay kaming kumanta ni Roxy sa mga kantang pumapailanlang sa loob ng sasakyan.
Sabay pa kaming nagtatawanan ni Roxy kapag maling lyrics ang nababanggit ng isa sa amin.
Nang makarating na kami ni Roxy sa tapat ng apartment nila ni Fiona ay tinulungan ko siyang bitbitin ang kanyang mga gamit.
Roxy: Okay na kahit hanggang dito na lang sa labas ng apartment, Rob. Sige na. Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng pamilya mo?
Nang banggitin ni Roxy ang tungkol sa aking pamilya ay biglang nawala ang ngiti sa aking mga labi.
Bakit ko nga ba sandaling nakalimutan ang tungkol sa aking pamilya? Dapat ay nasa bahay na ako nang mga oras na ito.
Agad akong nagpaalam kay Roxy at mabilis na pinaandar ang aking sasakyan palayo sa lugar na iyon.
Na-traffic ako pauwi sa aking pamilya rahil sa isang road accident na nakaabala ng maraming private at public transportation.
Pagkarating sa aming bahay ay agad kong binanggit sa aking asawang si Callie ang tungkol sa road accident. Nabalitaan daw nito iyon sa TV, pero nagtaka ang aking misis kung bakit naabutan ko ang road accident na iyon gayong wala pang thirty minutes nang mangyari iyon.
Sinabi ko kay Callie na late na akong nakaalis ng restaurant dahil maraming inasikaso. Nakita kong nalungkot ang mukha nito ngunit tumango pa rin sa aking sinabi.
Ngayon nga ay nagi-guilty ako rahil nalaman ko mula sa aking isang staff na tumawag si Callie sa restaurant kagabi at nasabi ng aking staff dito na lagpas isang oras na mula nang umuwi ako.
Kaya pala nalungkot ang mukha ni Callie nang aking sabihin na late akong nakaalis ng restaurant kagabi. She knew that I was lying.
At kinakain ako ng aking guilt ngayon.
Gusto kong humingi ng tawad sa aking asawa at sabihin dito ang totoo. Ngunit paano? Alam kong base sa mga kwento ni Callie ay hindi nito gusto si Roxy.
Hindi matutuwa si Callie kapag nalaman nitong kasama ko si Roxy nang mga oras na nag-aalala ito kung nasaan na ako at nagsinungaling pa ako rito para lang pagtakpan ang paghatid ko kay Roxy sa kanyang apartment.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang tumunog ang aking phone. Nakatanggap ako ng friend request sa aking social media account.
Nanlaki ang aking mga mata nang makitang si Roxy ang nagpadala ng friend request sa akin.
Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding ng aking opisina. Fudge. Tanghali na pala at hindi ko man lang namalayan.
Malamang ay lunch break na ngayon ng mga teacher sa school ng aking anak kaya may oras si Roxy na padalhan ako ng friend request.
Oras ng lunch pero naisip ni Roxy na padalhan ako ng friend request? Iniisip ba niya ako ngayon?
Ipinilig ko ang aking ulo. Kung anu-ano ang aking mga iniisip.
Huwag kang masyadong feeling gwapo, Rob. Nakikipagkaibigan lang 'yong tao. Ang isipin mo ay kung paano ka hihingi ng tawad kay Callie.
Umiling ako matapos marinig iyon na sinabi ng aking isipan.
Muli akong napahilamos sa aking mukha.
Lagot ako kay Callie.
----------
to be continued...