ROB’s POV Napailing ako nang makitang muling inisang lagok ng stepbrother kong si Santi ang beer na nasa loob ng baso nito. Pangatlong salin na iyon sa loob lamang ng isang oras. Kanina ay tinawagan ako nito para sabihing gusto nito ng makakasama at bilang isang nakatatandang kapatid ay pumayag akong damayan ito sa ginagawa nitong pag-inom sa loob ng isang bar. Nagsabi ako sa aking asawang si Callie na sasamahan ko muna ang aking kapatid sa gabing iyon. Hindi ko sana gustong magpaalam pa sa kanya dahil para sa akin ay hindi na siya karapat-dapat sa aking respeto ngunit anuman ang aking dahilan ay siya pa rin ang aking asawa. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang aking cold treatment sa aking misis kahit nakikita kong sinusubukan niyang bumawi sa akin at sa aming anak na si Mavie. Sady

