ROXY's POV
Nanonood ngayon si Fiona ng paborito nitong teleserye sa telebisyon habang ako naman ay pasimpleng nag-i-scroll down sa social media account profile ni Rob Laguarte, ang ama ng isa sa mga estudyante ng school kung saan ako nagtatrabaho. Grabe. Talagang ang gwapo niya. Sobrang hot. At kahit sa photo lang ay talagang masasabi kong ang bango-bango niya.
Kanina ko pang pinag-iisipan kung magse-send na ba ako ng friend request kay Rob sa social media o masyado pang maaga para gawin iyon ngayon. Sapat na bang dahilan na best friend ako ng girlfriend ng kaibigan niya para makipag-connect sa kanya sa social media o masyadong feeling close ako kapag ganoon ang gagawin ko?
For Pete's sake, hindi nga ako sure kung in-add as friend na ba ni Fiona si Rob sa social media. Hindi naman magandang tingnan na mas mauuna pa akong mag-send ng friend request sa kanya kaysa sa girlfriend ng kaibigan niya. Mamaya isipin pa niyang interesado ako sa kanya.
Well, totoo namang interesado ako kay Rob. Pero hindi ako magiging direct sa intention ko. Nakita ko kung paano siyang nag-react nang magpakita ng hubad na katawan si Fiona sa harapan niya. At ayoko siyang takutin dahil, obviously, he's not the type of married man who's actively looking for fun on the side.
Kaya naman magiging subtle ang gagawin kong seduction kay Rob, ang lalaking tutupad ng aking ambisyong yumaman.
Siguro ay kailangang madagdagan pa ang mga biglaang pagkikita namin para magkaroon ako ng recall sa isip niya. So far, dalawang beses na kaming nagkikita at lahat naman ng iyon ay moving in the right direction.
Sa una naming pagkikita ay pormal kaming nagkakilala. Wala namang awkwardness na nangyari kahit na nakita ko ang curiosity sa mga mata niya. And that time may naramdaman akong panibagong emosyon sa puso ko na mahirap pangalanan. Maaaring paghanga lamang iyon para kay Rob dahil talaga namang gwapo at hot siya, pero may isang parte sa aking isip na nagsasabing hindi iyon basta paghanga lang. Naaalala ko pa ang parang boltahe ng kuryente na kumalat sa aking sistema nang makipagkamay ako sa kanya.
Kung anuman itong hindi pamilyar na damdamin sa aking puso sa tuwing nasa paligid si Rob ay tutuklasin kong kasama siya.
Ang pangalawang pagkikita namin ay kaninang umaga lang sa school kung saan ay nabunggo niya ako at tumilapon sa school grounds ang dala kong mga gamit. Para kaming nasa isang pelikula rahil sa tagpong iyon.
Iniisip ko pa rin si Rob habang naglalakad ako ngayon dito sa school grounds kung saan ako nagtatrabaho. Ang sarap ng gising ko knowing na nagkakilala na kami kagabi. At hindi lang iyon, nahawakan ko pa ang kanyang kamay.
Para akong nakalutang sa hangin habang iniisip si Rob kaya hindi ko napansin ang lalaking naglalakad pasalubong sa akin. Tumama ang ulo ko sa malapad at matigas na dibdib ng lalaki bago ako napaupo sa semento at nabitiwan ang mga bitbit kong gamit. Naramdaman kong lumapit 'yong lalaking nakabungguan ko sa akin at dinaluhan ako. Nang mag-angat ako ng aking ulo at tingnan kung sino ang lalaki ay laking-gulat ko nang makita ang mukha ni Rob.
Inisip ko pa na baka namamalikmata lang ako rahil sa kakaisip ko kay Rob simula kagabi kaya nakikita ko ang mukha niya ngayon. Nang bigla ay magsalita ang lalaking nasa aking harapan.
Rob: Roxy...
Kilala ako ng lalaki. Si Rob nga.
At natatandaan niya ang pangalan ko.
Roxy: Rob...
Inalalayan akong tumayo ni Rob at habang pinupulot niya ang mga gamit kong tumilapon sa school grounds ay pinagpagan ko ang aking teacher's uniform. Nang matapos siyang pulutin ang lahat ng gamit ko ay pinagpagan niya iyon isa-isa bago iniabot sa akin. Nakangiti ako sa kanya habang inaabot ang aking mga gamit.
Nakita kong nahihiyang ngumiti sa akin si Rob. Tumingin ako sa paligid at nakita kong may ibang mga guro at mga estudyanteng tumitingin sa direksyon namin. Syempre, hindi naman araw-araw na may nakikita silang teacher na napapaupo sa semento. Pero nang sundan ko ang kanilang mga tingin ay nakita kong kay Rob nakatutok ang mga mata nila.
Well, I can't blame them. Nasa harapan ako ngayon ng isang Greek god.
At ang swerte ko rahil nasa akin ang buong atensyon ng Greek god na ito ngayon.
Rob: I-I'm sorry, Roxy. I was checking my emails on my phone while walking. I didn't notice you. Nakakahiya. Uhm... How are you? May masakit ba sa iyo? Do I need to bring you to a clinic?
Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Rob. In fairness, genuine ang concern niya sa akin. Naku. Magiging ultimate crush ko na siguro siya.
Nakangiti akong umiling sa kanya.
Roxy: Ano ka ba? I'm fine. Hindi ako nasaktan. You don't have to worry. At saka no need for you to be sorry dahil hindi rin ako tumitingin sa dinaraanan ko.
At iyon ay dahil iniisip kita, Rob, habang naglalakad.
Gusto kong idagdag iyon na sinasabi ng aking isip, pero syempre, everything has right timing. At para sa isang tulad ni Rob, I have to be patient.
Tumango-tango si Rob at pagkatapos ay tiningnan niya ang aking suot. Maya-maya ay nakangiti siyang nagtanong sa akin.
Rob: You're a teacher, right?
Nakangiti akong tumango.
Roxy: Yes, one year and counting.
Nakita kong lumawak ang ngiti sa mga labi ni Rob.
Roxy: I love it here. I love kids kaya mahal na mahal ko ang trabaho ko.
Parang gusto kong masuka sa aking sinasabi. Actually, wala akong choice dati kundi mag-take ng Education dahil 'yong College course na first choice ko ay masyadong malaki ang tuition fee. Kaya teacher ako ngayon sa isang private school kahit iba ang gusto kong maging trabaho.
Gusto kong maging doktor at plano kong mag-ipon para makapag-aral ulit at matupad ang dream job ko. Gusto ko talagang yumaman. Hindi lang yumaman. As in mayaman na mayaman. Kaso hindi naman ganoon kalaki ang sahod ko kaya hindi pa ako nakakapag-ipon ng sapat para makapag-aral ulit. At sa totoo lang ay parang kinatatamaran ko nang mag-aral muli.
Kaya naman ang pagdating ni Rob sa buhay ko ay isang malaking blessing para maabot ko ang ambisyon kong yumaman.
Of course, I really don't like kids. Marinig ko pa nga lang ang mga ingay nila ay naririndi na ako. Unless matalino ang bata tulad ng anak ni Rob. Pero syempre kailangan kong magbait-baitan sa harapan ni Rob para isipin niyang harmless ako.
Rob: That's good to hear. Actually my daughter studies here.
Nanlaki ang aking mga mata na parang gulat na gulat. Syempre alam ko na 'yon, pero kailangan kong umarte na ngayon ko pa lang nalaman ang tungkol sa bagay na iyon.
Roxy: Really, Rob? Tingnan mo nga naman. Small world it is, right? We just met yesterday and now nagkita ulit tayo sa school kung saan ako nagtatrabaho at kung saan nag-aaral ang anak mo.
Tumawa si Rob. Ang sarap pakinggan ng kanyang tawa. Buhay na buhay. Sumabay ako sa kanyang pagtawa.
Roxy: Naku, ah. Baka one of students ko pa ang anak mo? Grabeng small world na talaga kapag nangyari 'yon.
Tumigil sa pagtawa si Rob at sinabi ang pangalan ng kanyang anak na alam ko naman kung sino, pero syempre kunwaring hindi ko alam.
Rob: Mavie is my daughter. Kathryn Maverick Laguarte.
Umarte ako na nanlalaki ang mga mata.
Roxy: No way.
Nakita ko sa mga mata ni Rob na parang nakukuha na niya ang ibig kong sabihin. Nandoon ang ngiti sa kanyang mga labi at nagpipigil na matawa.
Rob: My daughter is one of your students?
Tumango ako na ang ngiti ay nagpipigil na matawa. Bigla ay tumawa ng malakas si Rob. Napakasarap talagang pakinggan.
Roxy: Can you imagine that? Parang mutual friend pala natin si Mavie.
Maya-maya ay tumigil sa pagtawa si Rob, pero nandoon pa rin ang ngiti sa kanyang mga labi.
Rob: Okay, Ms. Roxy. Hindi na kita aabalahin. I guess classes are about to start. I also have to go. Nice meeting you again. Or should I say nice bumping into you? Literally and figuratively.
Muli akong tumawa na sinabayan naman ni Rob.
Roxy: Same here, Mr. Laguarte. See you around.
Nakangiting tumalikod si Rob at pinagmasdan ko ang kanyang malapad na likod at matambok na pang-upo habang naglalakad siya patungo sa kanyang kotse.
Hay... Parang wala namang hindi masarap sa lalaking ito.
Tama. Ang pagkikitang iyon ay kailangang masundan pa ng isang beses para magkaroon ako ng solid reason kung bakit ko padadalhan ng friend request sa social media si Rob na malapit nang mangyari. At ang best friend kong si Fiona ang gagamitin ko para mangyari iyon.
Isang malademonyong ngisi ang sumilay sa aking mga labi.
----------
to be continued...