"Bakit mo sinuntok itong lalak—C-christian?!" Gulat na sambit ko na halos Ikapintig ng puso ko. Napapitlag ako ng biglang magsalita si Caleb. "Sino kasama mong pumunta dito? Delikado ngayon lumabas labas para sayo." napatitig ako kay Caleb ng magsalita ito. Nawala na ng tuluyan ang nanlilisik niyang mga mata. Tinignan niya muna si Christian at lumapit sa akin. Lumapit sa akin si Caleb at napasilip siya sa likuran ko. Napangisi siya ng makita sila Paolo at nakipag fist bump ito sa kanila. "Yow men! Akala ko kung sino na yung nagsasapakan dito eh!" Pag saad ni Ken na umiiling iling pa. "May nalaman kasi ako dito sa lalaking to. Baka hindi lang sapak maabot niya sa inyo kapag nalaman niyo." ngising pagsabi ni Caleb sa mga kasama ko. Nakita ko naman na napataas ng kilay si Paolo dahi

