Chapter 12

1224 Words
Maaga akong gumising ngayon. It's saturday so I'll spend my whole time to my family. Namiss ko din ang kuya kong masungit pero mapagmahal. Pagkatapos magawa ang daily routine ko ay agad akong lumabas ng kwarto upang batiin sila. Habang pababa na ako, napasinghot ako nang maamoy ang paborito kong pagkain sa umaga. Agad agad akong tumakbo at nagtungo sa kusina. Naabutan ko ang isang pamilyar na likod. Ang Mama ko. Naglakad ako dahan dahan at niyakap siya patalikod. Naramdaman kong nagulat siya pero di kalaunan ay niyakap niya din ako ng mahigpit. Nang bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya ay humarap na siya. May maputing balat at straight ang buhok. Nakapony ang mama ko ngayon. Pero parang may nagbago sa kanya. "Ma, bakit parang puyat kayo?" Tanong ko. Medyo pumayat ang kanyang mukha kumpara noon ay matambok ang kanyang pisnge. Ngumiti siya pero halatang pilit. "Darling ano ka ba. Busy lang kasi ako sa kompanya na hinahawakan ko." Sagot niya. Bakas sa kanyang boses ang pagod. Nagkibit balikat na lang ako. Nakangiting nagtungo ako sa lamesa. *** Pagkatapos kong kumain ay nagtungo ako sa garden. Isa kasi ito sa paborito kong place. May isang pamilyar na tao akong nakita. Nakaupo ito sa isang silya at nakapatong ang dalawang braso sa pabilog na mesa. "Hey kuya!" Tawag pansin ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at nagulat ako sa nakita. Lumapit ako sa kanya at naupo sa kabilang upuan. "Kuya anong nangyari sayo? Bakit parang mga puyat ang mga tao ngayon dito?" Takang tanong ko sa kanya. Umupo muna siya ng maayos at tumingin ng seryoso sa akin. "Rainne gusto ko mag-ingat ka. Kung maaari lagi kang sumama sa mga kaibigan mo." Seryosong sabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi yan kaya napakunot-noo ako. Nahalata naman niya ang ekspresyon ko kaya napabuntong-hininga siya saka sumandal at pumikit ng marahan. Napatingin ako sa kamay niya. Tinatap niya kasi ito sa lamesa. Ibig sabihin kinakabahan siya ganyan kasi ang mannerism niya. "K-kuya... ano bang nangyayari?" Nalilitong tanong ko. Medyo kinakabahan ako sa kilos ng kuya ko. "Basta mag-ingat ka Rainne. Please mag iingat ka." Sabay tap niya sa ulo ko at tumayo at naglakad paalis hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Feeling ko may tinatago sila sa akin. Feeling ko may nangyayari na dito pero hindi ko lang matukoy. *** Ilang araw na din ang lumipas simula ng sabihin sa akin ng kuya ko na mag-ingat ako. Ilang araw na rin na di ko siya nakikita. Hindi na siya umuuwi sa bahay. Lalo lang akong kinakabahan sa ginagawa ng kuya ko. "Rainne may problema ba? Ilang araw ka ng space out at tahimik." Nag-aalalang tanong ni Caleb. Tumingin naman ako sakanya at ngumiti ng bahagya. Ilang araw na kasi na hindi nila ako makausap ng maayos. "Nag aalala lang ako sa kuya ko. Di pa kasi siya umuuwi nitong mga nakaraang araw." Malungkot na saad ko. Si Mama naman laging namamaga ang mata at si Dad? Nasaan na nga ba si Dad? Ni hindi ko na din siya makitang umuuwi sa bahay. Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Masaya silang naghaharutan at nag aasaran sa isa't-isa. Hindi ko mapigilang mapangiti sa banat ni Xandie. Ang pinsan ko. "Amiel anino ka ba?" Nakangiting tanong ni Xandie. "Hindi, tao kaya ako! Pero meron akong ani--- aray naman Shiela!" Nakahawak sa kanyang ulo at nakakunot noo kay Shiela. "Pick up lines yan baliw! Ang sasabihin mo lang bakit! Taga bundok ka ba?" Inis na saad ni Shiela. Si Xandie naman ay makabusangot na ang mukha. Natatawa na lang ako sa kanila. "Tsk. Ulitin mo na lang." Maarteng sagot ni Amiel. "Ang sabi ko anino ka ba?" Ulit na tanong ni Xandie. Napahagalpak naman ako ng tawa ng makita kong nakaamba si Shiela at Bryan sa batok ni Amiel. Handang batukan anumang oras. "Oh bakit?" Nakakunot-noo na sabi niya. "Kasi yung puso mo sunod ng sunod sa puso ko. Kaya hayan! Nainlove tuloy ang puso ko sayo!" Banat ni Xandie. Nakatayo pa siya at ang dalawang kamay ay nasa likod. Take note, may pag sway pa siya ha. Nagulat kami ng biglang napahagalpak ng tawa si Amiel. Si Xandie naman ay napahinto at nakatingin kay Amiel na nakakunot-noo. Kitang kita pa ang pamumula ng mukha ni Amiel dahil sa kakatawa. "H-hoy! Anong nakakatawa sa sinasabi ko!" Pasigaw na tanong ni Xandie. "Eh kasi ang corny mo. Hindi bagay sayo at hindi kailan man maiinlove ang puso ko sayo." Seryosong saad ni Amiel. Natahimik kami sa sinabi niya. Si Xandie naman natahimik at maya maya lang ay tumawa. May mga sapak na ata ang mga tao dito. "Hindi porket nag pick up lines ako sayo ng ganyan ay inlove na talaga ako sayo. Hindi ba pwedeng pang pakilig lang? Walang halong seryosohan?" Nakatingin ako ngayon sa pinsan ko. Parang may mali sa kanya. Iba ang itsura niya kumpari kanina. Parang may halong lungkot at kapaitan. Bigla na lang tumayo si Amiel. Napalingon kami sa kanya. Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha. Nakahalukipkip ang kanyang dalawang kamay sa bulsa. Bago siya tuluyang lumabas ay ngumisi muna siya kay Xandie at tuluyan ng umalis. Halos lahat kami natahimik sa nangyari. Buhay nga naman oh. May nasasaktan at may mga manhid. Hindi mo alam kung saan ka tutungo. Sa pagiging manhid ba o mas mabuting masaktan na lang? ** Dumating ang teacher namin na si Mrs. Macapagal. Ang Teacher namin sa Values Education(ESP). "Bakit kailangan nating irespeto ang bawat isa?" Tanong ng aming guro. May isang nagtaas ng kamay. Tinawag naman siya ng aming teacher kaya tumayo ito. "kailangan natin irespeto ang bawat isa dahil dito makikita kung gaano ka rumespeto sa pamilya at sa sarili mo." Siya si Angeline. May punto naman siya sa sinabi niya kaya napatango ang aming guro. Marami pang sumagot at marami pang tinuro ang aming guro. Pagtapos ng klase ay agad kong tinawagan ang aming driver upang sunduin ako. Hindi muna ako sumabay sa mga kaibigan ko dahil ang sakit na talaga ng ulo ko. Naghihintay ako dito sa harap ng gate nang may mapansin ako. May isang lalaki na naglalakad patungo sa kinaroroonan ko. Naka sumbrerong itim at lahat ng suot niya ay itim din. Dumaan siya sa harapan ko mismo at bahagyang tumingin sa akin. Ngumiti siya na ikinabigla ko. Hindi ko maanininag ang kanyang mukha dahil natatakpan ito ng kanyang sumbrero na bahagyang nakababa. Ngumiti naman ako ng alanganin. Sumakit bigla ang ulo ko kaya napahawak ako dito. Medyo dumidilim na din ang paningin ko pero ginawa ko pa rin ang lahat para makakita ng maayos. Naaninagan ko naman ang lalaki na unti unting lumalapit sa akin kaya napaatras ako. "D-Don't t-touch me." Mariin kong sabi kahit na medyo lumalabo na talaga ang paningin ko. Nakita ko siyang umatras at nagsalita. "Well , ingat na lang sa pag uwi Ms. Lerainne Martinez at ingat din sa pamilya mo." Tumatawang sabi nito. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? "W-What do you m-mean?" Nauutal at kinakabahan kong tanong. Tumatawang lumayo siya ng paatras at kumaway-kaway pa sa akin. Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Unti-unting sinakop ng kaba ang dibdib ko. Napaupo ako sa sahig at hinihingal. Sobrang sakit na talaga ng ulo ko. Bigla na lang akong napatili ng may humawak sa balikat ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD