Chapter 10

1215 Words
Ano daw? Again? Nagkita na ba kami?Bahagya naman siyang tumawa. "Nakalimutan mo na ba ako? Ang sakit naman non!" Saad niya at may paghawak pa sa dibdib na akala mo nasaktan talaga. "Tsk. Maghanap ka ng kausap mo." Irita kong sabi at inirapan. Ang daming alam ng lalaking ito. Nakakahighblood. "Ikaw na nga kausap ko bakit pa ako maghahanap?" Hirit niya. Hindi ba titigil tong lalaking to? Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko. Hindi na sila nakatingin dito dahil may kanya kanya na silang ginagawa. Si Caleb na lang ang nandito na kasama ko. "Bro, back off. You're so noisy." Malamig na sabi ni Caleb. Ngunit hindi ito pinansin ni Timothy. "Okay. I'll straight to the point. Ako yung kahapon na naencounter mo sa Mall." At bigla siyang ngumiti. Inisip ko naman ang mga nangyari kahapon. So siya pala yun? "Hey you! Are you my stalker?" Taas kilay na sabi ko. Hanggang dito ba naman susundan niya ako? Tumawa siya ng pagkalakas lakas. Bigla na lang nag init ang ulo ko kaya sisipain ko na sana siya ng biglang siyang magsalita. "Hey! Chill! I'm not your stalker. I just want to be your friend. That's it." Nakangiting sabi niya. Tila ba na amuse sa nakikita sa akin. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan niya ako. "And one more thing," Inilagay niya sa harap niya ang kanyang bag at may kinuha. Nanlaki,ang mga mata ko ng mapagtanto ang hawak niya. "I-I saw it on the floor after you run away. So I decided to give it to you if ever I'll meet you again." Mahabang lintanya niya. Iniabot naman niya sakin yung wallet ko ng nakaiwas ang tingin. Kinuha ko naman ito agad at chineck ang laman. Nang tignan ko, wala naman nawala. Alam ko kasi ang mga laman ng wallet ko. Inilagay ko naman ito sa bag ko at tingnan siya. Nakita kong namumula ang mukha niya at hindi ko alam kung bakit. "A-h salamat pala sa pagbalik ng wallet ko." Ngiti kong sabi. Ewan ko ba. Bigla na lang gumaan ang loob ko sa kanya. Hindi naman masama kung makikipag kaibigan ako sa kanya. Ngumiti din siya pabalik. Hanggang sa pinag patuloy na namin ang pag kain. *** "Diba dapat may activity kayo noong nakaraan? Yung kakanta kayo ng mga grupo niyo ng modern song? Nakapag handa na ba kayo?" Music teacher namin na si Ma'am Silvia. Nakakunot ang noo niya habang tinitignan kami. Minsan nakakatakot siya minsan naman parang kaibigan ang turing niya samin. "Yes Ma'am! Nakaprepare na po kami!" Napatingin ako sa kanya. She's Jenilyn Binoy. The top one of the class. She has a brown and straight hair. Her eyes are also brown. She's cute. Maraming mga lalaki ang nanliligaw sa kanya. I just heard it from my classmates. Pero ang alam ko ni isa wala siyang sinagot sa mga manliligaw niya. She said that if she want to have a Boyfriend, she probably choose a boy that he will love her until last. Although it seems like she does not believe about the word Forever, she's hoping that she will meet a man that will love her until the end. "Kami rin! Magwawarm-up lang po kami." The man said. Siya naman si Jhanmar Camayudo. Pang apat sa pinaka makulit sa room. Remember Rlanz? Kaibigan yan ni Jhanmar pati na din si Joshua. Meron pa silang isang member, si Renmarl Marquez. Makulit pero maaangas at matatalino. Nasabi ko bang Famous din sila? Yeah. Maraming nagkakandarapang mga babae sa kanila. They have the appeal that every girl will fall from their Charms. They are called 'Hot Fallers'. I just saw it on f*******:. May Page kasi itong School kaya nakita ko lahat ng mga sikat na studyante. Nabalik ako sa ulirat ng naghiyawan ang mga kaklase ko. Halos lahat pala kami nakapag prepare na. 'Gosh! Nakaka excite to!' 'Whooo! Wala lang nakisigaw lang!' 'Para sa grade! Gagalingan namin!' Napangiti ako. Hindi lang sila ang excited. Kami rin. Pinaghandaan namin ang kakantahin namin. "Okay okay! Settle down! We have Five groups here. Kailangan ko ng isang member sa group niyo na pupunta dito sa harap para bumunot ng number. Alam niyo na yon. Kung sino makabunot ng number 1, sila ang unang magpepresent dito. At ang panglima ang siyang huli. Nagkakaintindihan ba tayo?" Lahat naman ay sumang ayon kaya pumunta na sa harap ang mga bumunot. Ang bumunot sa group namin ay si Ethan. Nakakatakot siyang maglakad. Para kasing mahihimatay ka kapag nakasalubong mo siya. Halos lahat nga ng makasalubong niya ay tumatabi eh. Tumabi muna ang mga kaklase ko para paunahin siya. Angas talaga. Bumunot naman siya agad at naglakad patungo samin. Tumingin naman siya sakin at nag taas ng kilay. Bakla nga talaga. Umiwas na lang ako ng tingin. Kinuha naman ito ni Angelica at binuksan. Nagulat naman kami ng ihampas niya ang kamay niya sa desk. Kita mo sa kanya na naiirita siya. "You! Ang tanga mo naman bumunot! Number 1 pa talaga!" Inis na saad ni Angelica. Aba, ginanon niya lang si Ethan? Nakita ko pang natahimik ang mga kaibigan ko dahil sa narinig. Mukha kasi silang kinakabahan para kay Angelica. Kitang kita sa mukha naman ni Ethan ang nakakunot niyang noo. Bakit ang gwapo niya pa din tignan pag ganon? Nakasandal kasi siya sa upuan at naka cross arm. "Kasalanan ko bang number 1 yan? Tsk." Nakakunot pa din ang noo pero malamig ang pagkakasabi. Napangisi ako. Nakahanap ka ng katapat mo Ethan. Ewan ko lang kung hindi ka pa maglabas ng emosyon mo dyan. "Aba! Sumasagot pa 'tong baklang to!" Gigil na sabi ni Ange. Nakaduro pa siya kay Ethan. jusko! May war na ba? Nakikita ko ng naglalabas si Ethan ng emosyon. Oh my gosh! Ayan na. Ethan Vs. Angelica! Namumula na ang buong mukha ni Ethan. Nakakuyom na rin ang kamay niya. Tatayo na sana siya kaya lang humarang na agad si Kyle. "Hey! Chill lang kayo. Madali lang solusyunan yan." Ngiting ngiti na saad ni Kyle. Hinila naman paupo ni Charm si Ange at pinanlakihan ng mata. Umirap lang ito sa kanya at kay Ethan. Si Ethan naman nakatingin ng malamig kay Ange. Nilapitan ni Kyle si Amiel at bumulong. Ngumisi naman siya sa amin at kumindat. Mukhang may binabalak ang mga ito ah. Tumayo si Amiel at prenteng naglakad. Tumingin tingin siya sa mga kaklase namin na kakakuha pa lang ng numbers nila. Tumingin siya sa amin at ngumiti ng malawak. Nagulat kami ng hilain niya ang kamay ng babae at hawak nito ang kabilang pisnge. 'Mas maganda ka pa sa mama ko miss' Rinig kong sabi niya. Narinig kong Nagtawanan ang mga kaibigan niya. "Whooohh! Idol! Kaya mo yan! Hahahaha" Natatawang saad ni Bryan. "Pwede pwede! hahaha!" Saad naman ni James. Napatingin ulit ako sa babae. Namumula ang mukha niya. Halatang nagpipigil siya ng kilig. Napailing na lang ako kay Amiel. Hinawakan ni Amiel ang kamay ng babae at hinalikan ito. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko. Lakas maka kuha ng atensyon ni Amiel. Natatawa ako sa mga pinag gagawa niya. Bago siya lumapit samin ay binulungan niya ang kaklase ko. Ano nga ulit ang pangalan niya? Ynna? Oo tama. Ynna Cassey ang pangalan niya. Iniwang tulala ni Amiel si Ynna. Ngiting ngiti naman siyang lumapit sa amin. Teka-anong ginawa niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD