'Manloloko ka! Ano, masaya ka na dahil napaikot mo ako?!'
'I'm so sorry! please forgive me! I'm beg---*slap*'
'Enough! I don't wa---'
Kinuha ko ang remote at in off na ang TV.
Puro love na lang kasi ang napapanood ko ngayon. Kung hindi happy ending ang story, broken hearted naman. Mukhang wala talagang forever dito. Ikaw na nagbabasa nito, sa tingin mo ba may forever kayo?
Humiga ako sa kama ko at napaisip. Biruin mo yun, ang daming nangyari kahapon. Ang hinding hindi ko makakalimutan ay yung kagabi.
*FLASH BACK*
Nandito ako sa bahay namin? Bakit ang dilim?
Napatili ako sa gulat dahil biglang may yumakap sa likod ko. Pero parang...
Parang....
P-parang k-kilala ko na ito. Unti unti akong lumingon sa likod at bigla na lang tumulo ang luha ko ng makita ang taong matagal ko ng hindi nakasama.
'M-Mama.'
*END OF FLASHBACK*
Napangiti ako ng maalala ko ang nangyari kahapon. Makakasama ko na ulit ang buong Pamilya ko.
*tok tok tok tok*
"Hey! Dongsaeng (younger sister)! Wake up! We'll eat na! Come on!"
Siguro naman kilala niyo na yan. Siya yung panganay kong kapatid na lalake. He's Daniel Railie Martinez. 19 years old. Hindi naman sa pagmamayabang at pagkampi sa kuya pero gwapo ang nag-iisa kong kuya. Isa siya sa mga sikat at talagang tinitilian ng mga babae. Isa siya sa mga Hot models ng Korea at talagang mapapanganga ka kapag nakita mo ang kapatid ko na yan.
Hindi lang sa Modelling ang focus niya, may business din siyang inaalagaan doon. Sikat at maimpluwensya din ang Company niya doon. My Dad and my Mom knows it at sobrang proud sila sa kuya ko.
*tok tok tok*
"Hoy ulan! Gising na. Malelate ka na din sa school mo!"
Napangisi ako ng marinig ko siyang magtagalog. Pumikit ako at napangiti. Mukhang naiirita na ang pinakamamahal kong kuya dahil nagtagalog na siya.
"Oo na, Harry Potter! Ang ingay mo!"
Ganyan talaga kami magtawagan. Pero kapag seryoso yan o kaya wala sa mood makipaglokohan , tatawagin ako nyan sa nickname ko.
"Bilisan mo Rainne ha! Ako maghahatid sayo!"
Napabangon ako ng wala sa oras sa sinabi niya. Totoo bang siya ang maghahatid sa akin papuntang school? Tsk. Paniguradong magpapasikat lang yan sa school pero agad agad akong bumangon at nagtatalon sa sobrang excite ko. Exciting! Ngayon na lang ulit mangyayari ito at sobrang nakakamiss 'yon.
Agad agad akong tumakbo sa loob ng CR at nagmadaling mag-ayos.
**
Kumuha ako ng dalawang tinapay na may palaman na Eden cheese at sabay takbo ng mabilis palabas ng bahay. Nakakainis yung kuya ko. Pinagmamadali ako na magbihis at kumain samantalang ang aga pa naman.
Nakita ko naman si kuya na nakasandal sa kotse niya at nakakunot ang noo na nakatingin sakin. Napalunok ako. I'm dead.
"Pasok na sa kotse." Sabay punta niya sa driver seat at syempre agad agad akong tumakbo papunta sa kotse niya at baka mamaya mamatay ako ng wala sa oras.
*FAST FORWARD*
"Kuya, sigurado ka talaga na sasamahan mo ako hanggang sa room?" Tanong ko sa kanya at tumingin. Tumango naman siya at ngumiti.
Ganito kasi yon. Naglalakad kami sa hallway ni kuya tapos nakaakbay pa siya sakin at ako naman ay nakahawak sa laylayan ng damit niya. Nakakahiya nga kasi napagkakamalan pa kaming mag boyfriend at girlfriend. And also the students here are looking on us and they usually do the bulong here and bulong there.
"Husdat handsome guy? Yung kasama ni Rainne? Is he her boyfriend?"
"Iduno besh eh! But-- bagay sila!"
"Ohhhh! The girl who became famous because she always dikit-dikit kay Kyle my loves!"
"You're so conyo girl! You know at ang pabebe mo!"
"I'm not pabebe!"
"*smirk* ang ganda mo talaga girl!"
"Ay! Hehehe enebeyen! Weg ke meengey!"
"Oh diba? Pabebe ka! At syempre charot lang yon na maganda ka! Assuming to."
Oh diba? Pero natawa ako doon sa dalawa eh. Yung conyo girl.
"Hey Ulan! Are you listening?" Nabalik ako sa ulirat ng nagsalita si kuya.
"Ano ulit iyon oppa?" Bigla siyang ngumiti sa akin tapos pinisil pisil ang pisngi ko.
"Don't do that again oppa! Ang sakit kaya!" Irita kong sabi sa kanya habang nakahawak sa pisngi ko. Ang sakit sobra. Narinig ko naman siyang tumawa at umiling iling pa.
"Basta tandaan mo ito. Ako lang ang mananakit sayo at magpapaiyak sayo. Kahit kaibigan mo pa yang nanakit sayo, tandaan mo...Ililibing ko sila ng buhay." Seryosong saad ni kuya at sabay halik niya sa noo ko at sabay alis niya.
Bigla na lang akong napangiti sa sinabi ni kuya. Iba talaga siya. I love him very very much and I know to myself that he loves me too. Nakangiti akong pumasok sa room namin at hindi iniintindi ang lahat ng mga matang nakatingin sakin.
*CAFETERIA*
"Oppa! You want to meet my new friends?" Tama kayo ng iniisip dahil nandito talaga ang kuya ko. Sabi niya kasi hihintayin niya daw ako hanggang uwian.
"Okay."
Napangiti ako sa sobrang excited na makilala nila si kuya. Nakaakbay siya sakin tapos ako naman nakahawak sa laylayan ng damit niya.
Habang naglalakad kami ng kuya ko ay hindi talaga maiiwasan ang mga tingin nila at mga bulungan. Hindi ko na lang ito pinansin.
Hanggang sa matanaw ko na ang mga kaibigan ko na nagtatawanan at isa na doon si Xandie na natatapon na ang pagkain na nasa bunganga niya dahil sa sobrang tawa.
"Hey guys!" Sigaw ko dahilan ng pagtigil nila. Napakunot tuliy ang noo ko dahil parang gulat na gulat sila. Ang laki kasi ng mata nila tapos paulit ulit na tumitingin sa akin pati kay kuya.
"Uhm, hello?"
Ayan lang ang sinabi ko at biglang sumugod si Amiel , bryan at James kay kuya at pinagsasapak sapak. Agad agad akong humarang sa kanila at pinigilan sila sa pagsuntok. Hingal na hingal naman silang nakatingin kay kuya. Teka—ano bang problema ng mga ito?
"Ano bang nangyayari sa inyo?!" Tanong ko habang inaalalayan si kuya na tumayo. Napangiwi ako dahil nagdudugo na ang ilong ng kuya ko.
"Dadaan ka muna sa amin ikaw na lalaki ka." Madiin na sabi ni Amiel. Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano bang problema nila sa kuya ko?
"Subukan mong paglaruan at lokohin ang kaibigan namin at mamamatay ka sa kamay namin." Saad ni Bryan at sinamaan ng tingin si kuya.
"Kung gusto mo pang mabuhay magback out ka na sa buhay ni Rainne!" Sigaw ni James.
Bigla namang tumayo si kuya kaya mabilis kong inalalayan siya. Nagulat naman ako sa pagtawa ni kuya ng malakas at may pahawak hawak pa sa tyan niya. Bakit kaya?
"Grabe, HAHAHAHAHA! urgh! Ang sakit Rainne!"
"Dahan dahan lang kasi!"
Nagulat ako ng biglang may humila sa akin. Pagtingin ko, si Kyle pala. Galit na nakatingin kay kuya at parang handang pumatay.
"Huwag kang lalapit sa kanya. Dito ka lang." Sabay bitaw niya sa akin at biglang sugod kay kuya. Buti na lang at nakaiwas agad siya sa pagsuntok ni Kyle. Bigla na lang nag init ang ulo ko at sabay sigaw ko.
"PWEDENG TIGILAN NIYO NA ANG KUYA KO?!"
Agad agad naman silang tumingin sa akin na gulat na gulat at patingin tingin sakin at kay kuya. Nakita ko si Xandie na tawa ng tawa at inuuntog untog niya ang ulo niya sa lamesa at may pahampas hampas pa.
"K-kuya m-mo t-to?" Sabay sabay na sabi nila Kyle at gulat na gulat ang makikita mo sa mukha nila. Napaface palm na lang ako.
**
"A-Aray! Dahan dahan lang naman Rainne!"
"Tsk. Pasapak ka pa. Tsaka manahimik ka na nga lang kuya!"
Napa "tsk" na lang siya. Grabe naman kasi sila Amiel. Hindi pinatawad ang mukha ng kuya ko. Binaba ko muna ang bulak at saka tumingin kay kuya.
"Pogi ka pa rin naman kuya eh." Pang bobola ko sa kuya ko havang nakangisi. Tumango tango naman iti na tila sumasang-ayon sa sinambit ko.
"Pero sasama kayo ni Dad sa party ng kaibigan ko diba?"
"Oo. Syempre yun na yung tamang—i mean, syempre bestfriend mo yun eh kaya ininvite kami ng family niya." Nagtaka ako sa sinabi ni kuya.
"Kailan pa kayo nag usap ng pamilya ni Xandie?" Takang tanong ko. Ang pagkakaalam ko kasi hindi niya pa kilala ang papa at mama ko pati na rin si kuya. Napatingin ako sa kanya. Para siyang hindi mapakali.
"A-Ahh a-a ano k-kas-se basta mahirap iexplain!" Sabay iwas ng tingin.
Kahit nagtataka at naweweirduhan sa kuya ko ay isinawalang bahala ko na lang.
"Ah sige po kuya. Magpapahinga na muna ako. Mga 5 kailangan na natin maghanda."
Tumango naman siya at nagbuntong hininga na lang siya. Sabay tayo. Humiga na lang ako sa kama at pumikit.
**
It's already 5:30 and I'm ready to go to Alexandria's Birthday Party. Nakasuot ako ngayon ng fitted na light pink na gown at 4 inches na heels na color white. Curly naman ang buhok ko na hanggang bewang. Nakalight make up din ako kasi yun daw ang bagay sakin dahil maputi daw ako kaya light lang dapat.
Bumaba na ako at nakita ko sila na ready na. Si Mama sobrang ganda sa suot niya. Si Dad naman nakatuxedo na black at nakapolo sa loob at necktie na black. Si kuya naman ay ganun din pero ang kanyang necktie ay silver.
"Tara na darling,excited na ako!" Sabi ni mama na tuwang tuwa. Natawa na lang ako sa kanila. Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa black na kotse namin.
**
Nakaupo ako ngayon dito sa isang table at pinagmamasdan lahat sila. Ang Ganda ng Party ni Xandie.
"Attention to all the visitors, family and friends. Please welcome our birthday Girl. Alexandria Chelsie Forteza!"
Sabi ng Emcee at nagpalakpakan ang lahat. Nagkaroon pa ng Opening kaya't medyo natagalan sa pagpapakilala kay Xandie.
Nakita namin na umakyat na siya ng stage. Hindi siya katulad ng iba na bababa yung Girl sa hagdanan. Ang ganda rin ng kanyang gown na suot. Silver ang kulay ng kanyang gown sa bandang dibdib at gold naman ang kulay sa baba. Kumikininang din ito sa ganda.
"Thank you for coming my beloved visitors. I'm happy that I celebrate my 17th Birthday with you guys and I would like to thank my Mom and Dad for doing this awesome Party." Sabi ni Xandie. Ang ganda ng Speech niya.
"My wish granted because of them. Do you want to know what is my wish?" Excited na tanong ni Xandie. Nakakatuwa naman yung wish na natupad. Ano kaya iyon? Tumili naman ang mga tao at nagsasabi ng yes!
"My wish is, to see my beautiful cousin. I didnt see her face when I was a child but when I grow up and transferred to my present school, I'm so happy to see her! Her name is Daniela Leraine Martinez!"
Napa ahh! Na lang ako. Ano kayang itsura niya? Siguro maganda? dyosa? Gorgeous? At ano nga ulit ng pangalan? Daniela ba yun? Ahhh alam ko na! Daniela Leraine Martinez pala.
Teka, wait—ako ang pinsan ni Xandie?