Chapter 8

1496 Words
Nandito ako ngayon sa Mall para mamili. Kung tatanungin niyo ko kung bakit ako lang mag-isa? Tsk. Marami daw gagawin ang mga kaibigan ko. Si Caleb naman tinext ko kanina kaya lang pinatawag siya ng Daddy niya para daw magbantay sa kapatid niyang babae kaya ako lang ngayon. Anyway, ang daming tao ngayon sa Mall. Hmm, ano kayang pwedeng bilhin? Napatingin ako sa isang shop ng mga sapatos. Great! ** "Ano kayang maganda?" Sabi ko habang hawak ko yung white shoes na may mga designs. May kaunting takong siya pero kayang kaya ko naman siyang ibalance. "Ikaw miss." Napatingin ako sa likod. May isang lalaking matangkad, maputi, matangos ang ilong at may pagkakoreano ang mata. Siya na ba? Ang pogi niya, bumagay pa sa kanya ang suot niyang polo na grey at skinny jeans with rubber shoes na white. Syempre dapat mataray ang dating ko. "Excuse me? Sino kausap mo?" Mataray kong sabi. "Baka yung sapatos miss." Sarkastiko niyang sabi. Aba! Pinipilosopo ako ng lalakeng ito! "Ahh. Sige good luck sa pagkausap sa sapatos!" Sabi ko habang nakangiti ng pang asar. Kinuha ko na din yung sapatos na napili ko. Akala niya siya lang ang marunong mamilosopo? Hmmp. Pogi sana kaya lang nakakaasar yung ugali tsk. Pumunta na ako sa may cashier para bayaran na ang nabili ko. Pagkatapos ay lumabas na ako. Tumingin tingin pa ako sa mga shop na pwedeng kong pagbilhan. Syempre kumain din ako. Yung feeling na mag isa ka lang kumakain? Whatta life! Pagkatapos nun ay napagdesisyunan ko nang umuwi. Nasa 3rd floor kasi ako ng mall kaya kailangan ko pang mag escalator o mag elevator. Tamang tama at walang tao sa elevator kaya pumasok na ako. May naaninag naman akong may humabol sa pagpasok pero hindi ko na inabalang tignan ang taong yun. Nagsara na ang pinto ng elevator ng makarinig ako ng mahinang tawa. Napakunot ang noo ko. Baliw ba 'to? O baka naman may kausap lang. Pumikit na lang ako at hindi inintindi. Pero maya-maya, nagulat ako ng magsalita siya. Parang familliar ang boses niya? San ko nga ulit narinig yun? "Oh! Destiny nga naman. Nagkita na naman tayo." At bahagya siyang tumawa. Napabaling ako sa kanya. Kaya pala pamilyar kasi siya yung nasa shop kanina. Inirapan ko na lang siya. Bahagya naman siyang tumawa. "Kalma lang hahaha! Gusto ko lang makipag kaibigan sayo." Sabi niya na parang nahihiya. Bahagya kasi siyang yumuko at kumamot sa batok niya. Bakit—Bakit parang ang cute niya doon? Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba nakilala ko yun? Sakto naman bumukas ang pinto ng elevator kaya mabilis akong lumabas. Narinig ko pa siyang may isinigaw kaya lang hindi ko na narinig. ** *CALEB'S POINT OF VIEW* (Binigyan ko na rin sila ng POV para hindi na lang puro umiikot kay Rainne ang lahat.) Ang boring sa bahay namin. Wala manlang magawa. Namiss ko na agad ang bestfriend ko. Si Rainne. Sa lahat kasi ng mga kaibigan ko, siya lang ang pinaka close ko. Anyway. I am James Caleb Evans. Rainne's Bestfriend. Nakatulog na nga ang kapatid ko dahil sa sobrang tahimik sa bahay kaya ngayon nandito ako sa sofa nakaupo at nakaunan ang dalawa kong kamay sa ulo ko. Napabuntong hininga ako. Naalala ko kanina nung nag usap kami sa phone. *Flashback* Nagbabasa ako ng libro na puro jokes dito sa kwarto ko at nakahiga. Nasa kalahating page na ako pero hindi pa rin ako natatawa sa mga jokes na to. Sa inis ko, hinagis ko na lang yun sa sahig dahil wala naman kwenta yun. Tumayo ako at lumakad papuntang pinto pero napahinto ako ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag. Napangiti ako ng si Rainne pala ang tumatawag. Agad agad ko itong sinagot. "Calebbbb!!" Nalayo ko ng bahagya ang phone sa tenga ko. Grabe talaga tong si Rainne. "Tsk. Wag ka naman sumigaw!" Sabi ko sa kanya. "Hahaha churi na Caleb. Nga pala, samahan mo naman ako sa mall pleaseeee!" Sabi niya na halatang Nagpapacute. "Ano kasi eh. Babantayan ko pa si sab. Binilin kasi siya sakin ni dad." Narinig ko naman sa kabilang linya na nagbuntong hininga siya. kung pwede lang sana sasamahan ko talaga siya. "Hindi ba natin pwedeng isama si Sab?" Tanong niya na para bang nabuhayan siya ng onti. Hindi agad ako nakasagot. Alam kong alam niya ang ibig sabihin non kaya't narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Pero bago siya nagsalita , naunahan ko na siya. "Sorry Rainne. May sakit kasi si Sab. Nagtanong ka na ba kina Charm?" "Tsk. Mga busy nga sila eh!" Narinig ko sa boses niya ang pagtampo kaya hindi ko maiwasan na malungkot. "Aishh! Sige na Caleb alis na ako. Punta na lang ako dyan sa inyo mamaya. Basta handa mo na yung favorite food ko ha?" Bigla akong natuwa sa sinabi niya. Pupunta siya mamaya dito? Bakit parang.. Parang ang saya ko tuwing naririnig ko siyang pupunta dito? Umiling iling ako at napangiti sa mga iniisip ko. "Hahaha! Sige na. Ihahanda ko yung favorite mong pagkain. Basta ingat ka Rainne ha? Umuwe ka agad ng maaga." Narinig ko siyang tumawa. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Her voice is so sweet. My heart beats so fast. Why do i feel like this? Why do i feel like..like nervous when she's with me? Is it normal? "Okay po Caleb. Bye naaaaa! Mwuaaahhh!" *end* *END OF FLASHBACK* Arggh! Baket ba ako nagkakaganito? Maaari kayang... Imposible! Napaupo ako ng maayos ng biglang tumunog ang doorbell namin. Tumayo ako at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ko at naglakad papuntang pinto. Sino kaya yun? Nagkibit-balikat na lang ako at itinuloy ang pagpunta sa gate. Pagbukas ko ng gate ay tumambad sa akin ang mga paperbags at may kasama pang Dalawang supot ng Jollibee. Nagtaka naman ako. Galing ba to sa mga fans ko sa school? Tsk. Ang hirap talaga maging pogi. Kukunin ko na sana ang mga paperbags ngunit may nakita akong babaeng nakatalikod at base sa pag galaw niya ay may hinahanap siya. Napatingin naman ako sa gilid. May isang taxi doon at halata mo sa driver na naiinip na siya. Napatingin ulit ako sa babae. Pamilyar ang katawan niya at ang kulay at ang haba ng buhok nito. Napakunot ang noo ko. Tatalikod na sana ako ng gumilid siya. At nanlaki ang mata ko ng makilala ito. Tumingin ulit ako sa loob ng taxi at tinignan ang driver. Parang nag-init ang ulo ko ng balingan niya si Rainne na halata mong inip na inip bigla na lang niyang hinampas ang manebela. Naikuyom ko ang aking kamay. Inalis ko rin lahat ng emosyon na nakapaloob sa akin at dahan dahang naglakad patungo sa pwesto ng kaibigan ko. Nakita ko naman na napatingin sa akin ang driver. Binalingan ko siya at nginisian. Napakunot noo naman siya pero hindi ko na pinansin at naglakad muli sa pwesto ni Rainne. "Argghh! Nasan na ba kasi yon?! Nandito lang yung wallet ko eh!"Rinig kong sabi niya. Napangiti naman ako sa inasta niya. "Magkano ba yung babayaran?" Tanong ko ng makalapit ako ng tuluyan sa kanya. Inilabas ko din ang dala kong wallet. Naubusan ata ako ng hininga ng bigla niya akong niyakap. "Waaahh! Caleb nawawala yung wallet ko! Di ko tuloy mabayaran yung driver." Pagkasabi niya non ay kumawala siya sa pagkakayap at nakita kong naiiyak na siya. Ginulo ko ang buhok niya. Napatawa naman ako ng sinamaan niya ako ng tingin. Napabaling kaming dalawa ni Rainne sa taxi ng marinig namin ang pagkalabog ng pinto nito. Nakita kong umikot ang driver para mapuntahan kami. Nang magtama ang mata namin ay wala kang makikitang emosyon sa aking mga mata. Kunot-noo naman niyang sinalubong ito. "Mawalang galang na mga bata." Tumingin siya sa gawi ni Rainne. "Kanina pa kasi ako naghihintay sa loob. Bayaran niyo na yung bill ng makaalis na ako dito." Saad niya at bumaling ulit sa akin. "May pambayad ba yang girlfriend mo? Kung wala naman ikaw na lang ang magbayad. Hindi pwedeng hindi niyo ako bayaran." Madiin niyang sabi. Tinaasan ko siya ng kilay. "Magkano ba? 100? 200? Babayaran ko na ho! Di kasi kayo makatulog eh." Sabi ko na nang aasar. "Aba! Bastos kang bata ka ha! Bayaran niyo na lang ang 154 pesos!" Iritang sabi niya. 154 lang pala di pa makatulog. Kinuha ko sa wallet ang 200 pesos at ibinigay doon sa driver. "Ayan na ho! Keep the change." Sabi ko sabay ngisi. May sasabihin pa sana siya pero di ko na pinansin at hinila na si Rainne. Naramdaman ko namang kumapit siya sa braso ko kaya hinayaan ko lang. Nang makarating na kami sa gate ay yumuko ako at kinuha ang mga paperbags. "Caleeeb! Yung favorite ko ha!" Sabay pout. Cute. Napatawa na lang ako sa kanya. "Wag kang mag-alala, nakahanda na ang adobo para sayo." Napatili naman siya dahil doon kaya napa-iling na lang ako. Hay, I love my bestfriend so much. And I will never hurt her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD