Chapter 3

2369 Words
Si Kyle yun ha? Ngumiti ito sa amin at kumaway. "Daniela!" Sigaw ni Kyle pero teka, hindi naman siya halatang masaya? Bahagya akong napatingin at nagulat sa mga babaeng katabi naming table. Halos magtakip na ako ng tenga dahil sa sobrang lakas ng tilian nila. "OMG! Tinawag nya ako!" "Ay girl! Assumera ang peg? Ikaw lang ba Daniela dito?" "i mean, Rainne pala, hehe," Sabi ni kyle. Tumakbo naman siya papunta sa amin. Nakita ko na naman sa Peripheral view ko yung mga studyanteng napatulala at napanganga. Nakita ko naman sa harap ko na napatigil sa paglalakad yung mga Famous na mga lalaki at napatingin rin sila dito. "Grabe ka naman Kyle, takbo pa! Yan tuloy hiningal ka!" Sabi ko sa kanya. "Pwede naman kasing maglakad lang eh! Baka mamaya ubuhin ka!" May narinig naman akong tumikhim. Si Xandie. Lumapit siya sa akin at bumulong. "H-Hoy Rainne! Ano ka ba! Nakakakilig kayo pero sana malaman mo na maraming students dito! Kaloka ka! Para kang Girlfriend niya." Tumingin ako kay Kyle para sana magsorry sa pag asta ko ng ganun kaya lang napansin ko na tahimik lang siya at namumula ang mukha at tenga niya. "Kyle, Sorry pala. Masyado akong OA at may sakit ka ba? Bakit ka namumula?" Takhang tanong ko at hinawak hawakan ko pa yung mukha niya. Bigla niya naman hinawakan yung kamay ko at ibinaba ito. Ngumiti siya sa akin at nagsalita. "U-Uhm, hehe. W-Wala n-naman akong sakit. O-okay lang ako" Sabi niya na pautal utal. Tumango na lang ako. Maya maya ay nagsalita siya. "Oo nga pala Rainne, ipapakilala ko ang mga kaibigan ko." Tumalikod siya sa amin ni Xandie at nakita kong may sinenyasan siya. Bigla naman akong nagulat na lumapit yung mga Famous na lalake samin. Seriously? "Guys! Siya si Rainne, classmate ko and she's also my friend and that one, she's Rainne's Friend. Xandie is her name." Sabay ngiti niya sakin pati na rin sa mga kaibigan niya. Yeah, Kaibigan niya yung mga famous na lalaki. Kaya lang nakapagtataka. Bakit kailangan pa ng mga ganyan ganyan dito? Ngumiti nalang kami ni Xandie at nagpakilala naman sila isa isa. "I'm Bryan Wesley. Nice to meet you ladies." Sabay ngiti sa amin. Ang cute niya. Maputi, brown hair and also his eyes, and he's tall. Totally! "Amiel Villaruiz here! Hahaha! Wag kayong mahiyang kumausap sa amin ha? Hindi kami nangangagat. Promise!" With taas pa ng isa niyang kamay tapos tumango tango pa. Parang halos lahat naman sila madi-describe mong mga anak mayaman at gwapo. Itong si Amiel naman ay pure black hair and also his eyes. May dimples din siya kaya lang di mo siya makikita kapag hindi mo tinignan ng mabuti. "Ivan James Lopez, call me James." Halatang playboy pero siguro hindi naman masyado. Matangkad, maputi, singkit, tapos halata mong palangiti siya. " Ethan Ski." (ski-sky) Sabi nung cold na lalaki. "Nice to meet all of you guys!" Saad ni Xandie at nag beautiful eyes pa. Halatang nagpapacute siya sa mga famous na ito. Ako naman ay ngumiti lang. ** Nandito na ako ngayon sa bahay at hinihintay si Dad. Nakakailang beses na akong nagbuntong hininga dahil sa sobrang bored ko. ~kring kringg!~ Kinuha ko ang phone ko na nasa lamesa at halos tumalon ang puso ko sa saya ng makitang si Mama ang tumatawag. Sobrang miss ko na sila. "Hello po mama, Kumusta po kayo dyan? Si kuya nasaan siya?" Narinig kong tumawa si Mama sa kabilang linya. "Easy lang darling! Okay naman kami dito tsaka yung kuya mo? Ayun! Gumagala na naman! Tsk. " "Hahaha okay lang yan ma, masanay na kayo dyan kay kuya! Oo nga po pala, Bakit po kayo tumawag?" "Darling, me and your brother are going back there! *giggles* so prepare yourself! I'm going to see my beautiful daughter! Hihihi. Toot toot!" Bahagyang kumunot ang noo ko ng malamang binabaan ako ng mama ko pero di kalaunan ay halos magwala na ako dito sa bahay dahil sa sobrang tuwa at excitement ng malaman kong babalik na ulit sila dito sa Pilipinas. "I can't wait to see them! OMG!" Tili ko sa aming sala but suddenly dad came and I told him about Mama and kuya. Nakangiti ko itong kinuwento sa kanya pero iba yung nakita ko sa kanya. Masaya siya pero parang may part na nalulungkot siya. I don't know kung namamalikmata lang ako. Pero at least masaya kami. Mama and kuya are going home and I'm so excited to see them. Bago ako natulog ay nagmessage muna ako sa mga kaibigan ko. Malay mo magparamdam na sila sakin. Hay, buhay nga naman. Oo nga pala, malapit na yung birthday ni Xandie. Next week na. Siguro magpapaalam muna ako kay dad para payagan niya ako na pumunta sa Party ni Xandie. Nagkibit balikat na lang ako at nakangiting umakyat sa aking kwarto at tinuloy ang kasiyahan ko. Someone's POV I'm sorry darling. Sorry kung ganito ako ngayon, alam kong masaya na darating yung Mama at kuya mo pero may kailangan sila dito. Ayoko sanang humingi ng tulong sa kanya, pero anong magagawa ko? Friday ngayon at sobrang naeexcite ako sa araw na ito. Ngayon na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang larong Basketball. Sabi daw nila na school versus school daw. Hindi ko nga lang alam kung anong school yung isa. Naeexcite talaga ako ng sobra. Basta kapag larong basketball ang pag uusapan parang gustong gusto ko manood. Nandito ako ngayon sa room. I mean, kami ni Xandie. Tumingin ako sa kanya at bigla kong naisip ang birthday niya. Nae-excite din ako sa birthday niya. Next week na yun kase at tuesday na daw ito gaganapin. Napabuntong hininga ako, nakakatamad naman. Wala kaming teacher ngayon. Siguro nagtataka kayo ngayon kung bakit wala pa kami sa Gym? It's s because mamaya pa yon 9:30 pa at time checked. 7:42 pa lang ng umaga. Napaayos naman kami ng upo ng dumating yung teacher namin. "Class, pasensya na kayo kung naghintay kayo ng matagal hin---" Naputol ang sasabihin ng teacher namin ng magsalita yung classmate kong isa. "Psh. Puro na lang pasensya kayo pasensya. Nakakainis na ha? Lagi na lang kaming naghihintay! Tapos sasabihin niyo na hindi niyo sinasadya? Tss. Di niyo alam na pinapaasa niyo lang kami. Lagi na lang!" Halos lahat kami ay napanganga dahil sa sinabi niya. Seriously? Nakita ko yung teacher namin na umiiling iling tapos sabi niya 'tsk.Tsk.tsk! Sino ba kasi nagpauso ng hugot lines? Imbis na makapagsalita ka ng maayos lagi ka na lang nababara sa mga hugot ng mga batang ito! Nakakastress!?' Nagtawanan kami sa sinabi ng teacher. Wala siyang magagawa sa mga ugali ng mga studyante. Ganyan tayo ngayon. Panay hugot kahit wala naman lovelife. Napahinto naman kami ng magsalita ulit ang teacher namin. "Ang sinasabi ko kasi, BAKIT PA KAYO NANDITO HA?! HINDI BA SINABI SA INYO NG LAST SUBJECT TEACHER NIYO KAHAPON NA MAAGA YUNGG LARO??!! PUMUNTA NA KAYO NG GYM HANGGA'T HINDI PA NAG UUMPISA! KAYA PALA KULANG YUNG SECTION DAHIL NANDITO PA KAYO! Hay naku! Nakakastress kayo!" Sabay walk out ng teacher namin. Kami naman ay parang lutang na nakanganga. Literal na nakanganga. Nabalik lang kami sa ulirat ng nagsalita si ang aming Class President. "Ano na guys? Come on! Sayang effort natin sa paggawa ng mga banners na yan! Wala pa tayong makukuha na grades kapag hindi tayo kumilos. Kaya tara na!" Halos lahat kami nagsitayo at kanya kanyang kuha ng mga banners. Tumingin tingin ako sa room kung nandoon ba si Kyle kaya lang hindi ko siya makita. Nasaan naman iyon? Napa padyak ako ng paa dahil sa taranta. Bahala na nga. Kailangan kasing kasama mo yung partner mo. Nakisama na lang ako kay Xandie at nginitian siya pati na rin yung kasama niyang lalaki. ** THIRD PERSON: Puro sigawan at tilian ang maririnig mo sa loob ng Gymnasium. May mga naeexcite, may kinakabahan, at ang iba naman ay walang pakialam. Sa kabilang dako naman ay may makikita kang hindi pamilyar na mga studyante sa loob ng Academy. Halatang taga ibang school ito dahil sa kanilang kasuotan. Alam ng lahat na ito ay mga studyante na galing sa ibang paaralan. Sa kabilang banda naman ay makikita sina Rainne at Xandie na halatang nagniningning ang mga mata dahil sa makakakita sila ng Game sa Academy. Nabaling naman ang atensyon ng lahat ng may nagsalita sa mic at ito ay ang announcer. "FAMOUS ACADEMY STUDENTS! ARE YOU READY?!" *RAINNE'S POV* "WOOOH! Ready na kameeeee!" "Kyaaaaah! Excited na kameee!" "Gosh! Nandyan na yung BIA!" Yan yung mga maririnig mo sa bawat estudyante pagkatapos nilang marinig ang sinabi ng announcer. Excited rin kaya kami nila Xandie kaya lang wala si Kyle na kapartner ko dito. Tsaka ano yung BIA? Matanong nga sa classmate ko. "Psst. Classmate, ano yung BIA?" Tanong ko sa babaeng kausap ko na nakakunot noo. Nanlaki ang kanyang mata at parang hindi makapaniwala. Pero agad din siyang nagbawi at ngumiti sakin. "Oo nga pala, transferee kayo kaya di niyo sila kilala." Sabi niya habang nakangiti. "Sila yung mga grupo ng mga lalaki na heartthrobs and famous dito sa Academy. Diba kaibigan mo si Adrian?" Tanong niya sakin kaya tumango ako sa kanya. "Isa siya sa BIA, BIA means Boys In Air! So gurl! Cheer na tayo!" Sabi niya at nabigla ako ng magwala ito at sumigaw ng malakas. Hindi naman halata sa kanya na excited siya. Napaisip ako sa sinabi niya. Kaya pala wala dito si Kyle dahil isa pala siya sa mga Varsity Player dito sa Famous Academy. Napaisip tuloy ako. Bakit nakikipag kaibigan ang isang Famous sa amin ni Xandie? Nabalik lang ako sa ulirat ng magsalita ulit ang announcer. "MAXXIEAN STUDENTS! READY NA RIN BA KAYONG MAG CHEER SA MGA VARSITY PLAYERS NIYO?!" Teka, Maxxieans? Sounds familliar. Biglang nagsalita ang announcer at doon ako napahinto. "Battle between Famous Academy versus Maxxiana Academy!" Nagulat ako sa narinig ko. So nandito ang mga students ng Maxxiana? Yung mga friends ko? N-Nandito din ba ang mga kaibigan ko? Tumingin ako sa harapan at hinanap sila. Tingin ako ng tingin pero ni anino nila hindi ko makita. Paanong nangyari na wala si Caleb at pati na rin yung mga kaibigan ko? Alam kaya nila na dito ako nag aaral kaya hindi sila sumama dito? May tampo pa kaya sila? Bigla akong nalungkot sa naisip ko. Siguro nga nagtampo at nagalit sila sa akin. Siguro ayaw na nila akong makita. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko. Ayokong maging mahina ng dahil sa kanila. Tumingin ulit ako sa bleachers ng taga Maxxiana. Nakita ko ang mga ka schoolmate ko dati. May mga napatingin sa gawi ko at lumaki ang kanilang mga mata at tsaka ngumiti at kumaway sakin. I smiled at them and also wave my hand. May narinig akong usapan. "Naks! Ang popular talaga ni Daniela! Biruin mo kilala din siya sa ibang school! Idol ko talaga yan," "Baliw 'to! Malamang d' yan siya nag aral dati at balita ko one of the famous and Princesses siya sa Maxxiana." "Nice! Inistalk mo siya 'no? HAHAHA amazing ka friend!" Natawa na lang ako sa kanila kahit alam kong hindi nila narinig yon. Nakakatuwa sila. Tama ang sinabi nila. May mga votings kasi doon kung sino ang magiging top 5 princesses at napabilang ako doon. Nagsimula na ang game at lahat ng mga students sa Famous Academy at Maxxiana Academy ay nagsisigawan. Pati mga teachers ay ganun din. Nakita ko naman si Adrian na tumingin sa gawi namin at sabay ngiti niya. Kita na naman ang dimple niya. Nagsimula na sila at puro cheering ang maririnig sa buong Gym. Papatalo ba ako? Kahit bago ko lang sila nakilala ay napalapit na rin ako sa kanila kaya I need to do an effort para suportahan sila. "GO BIA! KAPAG NANALO KAYO ILILIBRE KO KAYO! GALINGAN NIYO!" Sabay taas ko ng banner ko. Bakit parang tumahimik Napatingin ako sa paligid kitang kita ko na nakatingin sila sakin. Nagwink na lang ako sa mga studyante at ayan na naman ang tilian to the highest na kung saan sira ang eardrums mo. Tumingin ako sa BIA they're all looking at me at parang nagningning ang kanilang mata dahil sa narinig. Ngumiti si Adrian sakin at nagwink. Minsan talaga kakaiba itong puso ko. Bigla bigla na lang tumitibok ng mabilis at kinakabahan. Nagpatuloy ang mga Basketball players sa paglalaro. Lamang ang Maxxiana sa Famous Academy kaya todo ingay ng mga students ng Maxxiana. Ang kulay ng Varsity Uniform ng Famous Academy ay light blue at may linings na navy blue at gold samantalang sa Maxxiana ay ganun pa rin. Isang light pink na Varsity uniform at may linings na kulay red at white. Nakakamangha lang dahil ang ganda tignan ang mga uniform nila. "Go Allen Natividad! Ishoot mo na agad!" Rinig namin na sigaw ng babaeng isang student ng Maxxiana. Natividad? Oo nga pala, magaling na Basketball player yung Natividad sa Maxxiana Academy. Isa naman siya sa Top 5 prince's ng Maxxiana at deserve naman talaga niya yon. "BIAAAA! Agawin niyo yung bola! Kaya niyo yan!" "Last 5 seconds na lang!" Rinig kong sigaw ng mga studyante ng Famous Academy kaya todo sigawan kami dito para icheer sila. Habang idini dribble ni Natividad ang bola at nakahanda ng ishoot ito ay siyang pag-agaw ni Kyle Adrian Mendez sa bola at kahit na malayo siya at tinary niya pa ring i shoot ito. Tila nag slowmo ang bola na nasa ere at hinihintay ng mga studyante kung mag shoshoot ba ito o hindi. Pigil hininga ang lahat ng mga manonood. Halos mawalan kami ng lakas at tumahimik ng makita namin ang nangyari. Isang mahabang katahimikan ang nangyari at maya maya lang ay nagkaroon ng tilian at sigawan sa loob ng Gymnasium. "OH MY GOSH! BIA FOR THE WIN!" "AAAAAH! NATANGGAL KALULUWA KO DOON! CONGRATS BIA!" "ANG GALING NIYO BIA!" Halos mapunit ang labi ko sa sobrang ngiti dahil sa nasaksihan. Congratulations BIA. Congratulations din sa bulsa ko. Natapos ang buong araw na punong puno ng kasiyahan. Nakipag kamustahan pa ako sa aking mga kakilala na studyante sa Maxxiana. Ang iba'y nakipag groufie at kanya kanyang post sa f*******:. Maghahapon na kaming nakauwi. Worth it ang banner na ginawa namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD