ALOK‼️

1614 Words
PARANG sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba. May isang linggo na mula ng umalis si Tsang Anching papunta sa ibang bansa kasama ang jowa nitong burlesque queen kung tawagin ni Kentoy. Sa mga lumipas na araw na wala ang boss ng lugar na ito ay hindi natatapos ang araw ng walang lalapit na tauhan niya sa akin para kung anu-ano ang tanungin. May ibang hahawakan pa ako sa kamay, balikat at buhok. Hindi naman ako masisisi ni Kentoy kung bakit halos sumuksok na ako sa kanyang katawan kada sasapit ang gabi. Takot na takot ako sa totoo lang. Speaking of Kentoy kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko naman makita. “Leslie.” Napahinto ako sa pagpunta sa kusina ng lugar na ito ng may tumawag sa akin. Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses at nakita kong isa pala sa bagong tauhan ni Tsang Aching ang tumawag sa akin. Sa una ay kinabahan ako pero ng maalala ko ang sinabi ni Kentoy na tapangan ko lang ay inayos kp agad ang aking reaksyon. “Ano po ang kailangan niyo?” Tila walang pakialam na tanong ko sa lalaki. “Wala naman. Pero baka ikaw ang may kailangan sa akin!” Mapaglaro ang paraan ng pagkakasabi ng lalaki ng tugon niya sa akin. “Wala po akong kailangan sa’yo—” “Gusto mong tumakas ‘di'ba . Kayo ni Kentoy, gusto niyong makaalis sa lugar na ito. Kaya ko kayong tulungan. Natitiyak ko na magiging madali ang pagpuga niyong dalawa sa lugar na ito kung tutulungan ko kayo.” Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ng lalaki sa akin. Pero hindi ko pinhalata na nakakuha niya ang aking atensyon. “Hindi ko alam ang sinasabi mo Kuya. Sige alis na ako.” Padeadma kuno na tugon ko sa lalaki. “Pa isa lang naman sa’yo at patatakasin ko na kayo ni Kentoy. Isang putok lang lalaya na kayo—ouch! Tarantado kang babae ka!” Mula sa tila maamong tupa ay na pa daing ng malala ang lalaki ng sampalin ko. Tulad din siya ng iba na mga tauhan dito ni Tsang Anching na pinagnanasaan ako. Mas lalo lang dapat kaming makaalis dito. “Bastos ka! Tama lang sa'yo ‘yan.” Sigaw ko sa lalaki na biglang umamba ng sampal sa akin kaya napapikit ako. Pero halos isang minuto na ang lumipas ay walang tumama sa aking mukha na palad. “Sinabi na sa inyo na wag niyong pakikialaman kahit na sinong bata dito o dalaga na alaga ng boss natin. Gusto mong sumunod na sa namatay na mga tauhan. May cctv si Tsang Anching kaya wag na wag niyo kaming pagpaplanuhan ng masama.” Napadilat bigla ang mga mata ko at bulto agad ni Kentoy ang aking nakita. Mula sa matatag na Leslie naging kuting na naman ako. Agad na yumakap ako sa likod ni Kentoy. “N-nasaan ka ba kanina? Nakailang ilang ikot na ako.” Mahinang tanong ko lay Kentoy. Mula sa pagka-kayakap ko sa kanya ay kinalas niya ang kamay ko para paharap akong yakapin. “Shssss…Ang tapang mo na nga talaga. May inayos lang ako kanina. Sa makalawa Badang tuloy na tayo.” Mahinang mahina ang pagkakasabi ni Kentoy noon pero narinig ko pa rin. Parang may kung anong na buhay sa loob ko dahil sa sinabi niya. “T-talaga? Natatakot na ako dito lalo na’t wala si Tsang Anching parang mga hari ang mga tauhan niya kapag wala siya. B-baka pareho pa tayong mapahamak dito Entoy kung tatagal pa tayo bago umalis.” Alalang tugon ko sa lalaki na panay ang hagod sa aking likod. “Mamamatay muna ako bago ka nila magalaw o sino man sa mga bata. Basta maging mapagmatyag ka lang walang oras ang gagawin natin na pagtakas kaya alerto ka lagi Badang.” Mas lalo akong yumakap kay Kentoy ng marinig ang sinabi niya. Halong saya at takot ang dulot noon sa akin. Nang akayin niya ako papunta sa aming silid ay nag-patianod na lang ako. Maraming mga bagay agad ang tumakbo sa aking isip. Maganda agad ang mga nabuo ko na mga plano, kung paano kami mabubuhay ni Kentoy malayo sa lugar na kinasadlakan namin. Nang marating namin ang silid ay naupo na ako sa aming higaan. Higaan na ilang taon kaming naging magkatabi ng lalaki. Utang ko ang lahat kay Kentoy kaya ligtas at buhay pa rin ako ngayon. “Sabi ko maging alerto ka, hindi maging lutang. Dito na lang tayo kakain ngayon. Tandaan mo ang bilin ko na mga lugar kung saan hindi hagip ng cctv. Ako lang ang nakakaalam ng mga pwesto kung saan sila nakalagay. Noon pa kasi duda si Tsang Anching sa mga tauhan niya. Kinargahan ko lang kaya ayun mas nakuha ko ang kiliti niya. Kailangan lang talaga ng pasensya. Pero konti na lang Badang ‘di'ba.” Seryosong sabi ni Kentoy sa’kin. Isang buwan niya ng tinuturo ang mga lugar na iyon pati ang mga exit point. Hindi mawala-wala ang atensyon ko sa lalaki habang nagsasalita si Kentoy. Wala akong mabuong salita na maisagot sa lalaki kaya naging attentive na lang ako. Pero basta ang alam ko lang ay naging sobrang talino, diskarte at tuso ni Kentoy para lang sa pangarap ko na makalaya dito. “Pahinga ka muna lalabas lang—” “Wag dito ka lang muna. Yakap mo lang muna ako.” Putol ko sa sinabi ni Entoy. Agad namang kumilos ang lalaki at niyakap nga ako. “Sorry na late ako kanina. Hindi ka na niya malalapitan.” Alo ni Entoy sa akin. Tumagal kami ng lalaki sa ganun na posisyon, pero sa huli ay napilitan na rin akong pakawalan si Entoy ng kailangan na niyang kumuha ng pagkain namin. Mabilis lang naman ang lalaki at bumalik na rin agad. Masaya kaming kumain at ng matapos na ay saglit na nagkwentuhan tapos pinatulog na rin agad ako ni Entoy. Dating gawi pa rin babantayan niya lang muna ako. *************************** “Sigurado ka na ba d’yan? Kung saan ka masaya ay susuportahan ka namin. Bilang Ina ay sobrang saya ko dahil may puso ka sa kapwa mo. Kahit paano parang tama ang naging pagpapalaki ko sa’yo.” Buo na ang desisyon ko kaya ngayon nga sinabi ko na sa aking mga magulang ang aking nais. Nasa huling taon na ako sa aking kurso. Mas aga akong natapos kaysa sa iba dahil during elementary ay na accelerate ako ng twice. Halos nakuha ko na rin ang lahat ng aking mga kailangan lalo na sa duty in the hospital. Pinili ko during may duty ay sa pampublikong hospital pumasok. Itutuloy ko pa rin ang panata ko na libreng serbisyo ng panggagamot, pero ang twist ay ako na mismo ang pupunta sa mga lugar nila. Plano ko ring sumali sa mga grupo o organisasyon na ganito rin ang adhikain. Sa mga daang araw, linggo at buwan ay nakita ko naman ang malaking pagbabago ni Daddy. Pagbabago pabalik sa dating siya kaya naman ibibigay ko na lang muna sa kanya ang buong pangangalaga sa aming Reyna. “Sigurado na po ako Mommy. Pakiramdam ko po doon ay mahahanap ko ang sagot.” Tugon ko naman sa aking Ina sa pinal na tono. “I'm sorry Eavan kung hindi ka namin matulungan. Tanging ikaw lang kasi ang nakakaalam ng pangako niyo sa isa’t isa. Beside after mong gumaling pumunta naman tayo doon pero wala na pala ang mag asawa at nawawala din si Leslie. Alam mo naman na pinahanap natin din diya pero walang makapagturo.” Naawa ako kay Mommy dahil kitang kita na pati siya ay nalulumbay dahil sa aking pinagdadaanan. But behind all those explanation, pakiramdam ko may mga lihim pa silang hindi sinasabi sa akin. “Mom, it's okay. Just give me a year or two. Kapag wala pa rin I’ll stop. Besides matagal pa naman din iyon. Siguro sa isang taon pa.” Pag-iba ko sa timpla ng sitwasyon. Tumango naman si Dad sa akin sabay akbay kay Mommy. May lamat man ang pagtingin ko sa aking Ama hindi naman mawala ang saya sa puso ko kapag nakikita ko ang saya sa mga mata ni Mommy. Sobrang ganda noon at expressive. Hindi ko tuloy na gawang tanggihan ang pagyaya ni Mommy sa akin sa manood ng movie. Magkasama kaming tatlo na pumunta sa entertainment room ng bahay. May pop corn din at sari saring chips na nakahanda sa loob. Sa sofa naman ay pina-gitnaan namin ni Dad si Mommy. “Kailan kaya ako may makakatabing babae dito at tatawag sa aking Tita or Mommy.” Parinig ni Mom. Mula tuloy sa pagkain ng popcorn ay dinalahit ako ng ubo. Sa tagal kasi ngayon lang nagparinig ng ganun ang aking Ina. “Hay naku! Sa tamang oras darating iyan. Wag kang mainip. Let our son enjoy. Mahirap mag patali kung ‘di pa handa” Pag-salo naman ni Dad sa akin. Pero parang biglang tumahimik si Mom pero sumagot din kalaunan. “Kung sabagay at sosolohin muna namin ang anak natin. Kami na lang muna ni Zionna at Nana Tinding ang babae sa buhay ni Eavan.” Sagot naman ni Mommy sa tono na pinasigla kaya medyo nakalma ako. Sa mga oras kasing ito wala akong planong mag nobya o mag seryoso sa relasyon. May mga gusto kasi ako na hindi ko pa mawari. Napuno ng tawanan at kulitan ang buong entertainment room. Dahil sa saya ay hindi namin namalayan na umabot na pala kami ng alas onse ng gabi, tsaka lang tuloy kami naghiwalay. This is one of the best memories. And I'm happy na hindi na ako nakakalimot. Mananatili na ito sa aking hanggang mamatay ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD