PART 1: THE FALSE CAPTURE TONDON, MANILA - 1:00 AM Pagkatapos ng pagkakapaslang kay Felmer ay nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari na gumulantang sa natitirang member ng FRIENDS CLUB. Ang mga pulis, nakasuot ng bulletproof vests, ay nakapaligid sa isang abandonadong warehouse. May tip daw: nandito ang puganteng si Ibarra. "Surround the area! Do not let him escape!" sigaw ng hepe. Sa loob, nakatago si Ibarra. Basang-basa pa rin, gutom, at takot. Hindi niya maalala kung bakit siya hinahabol. Ang tanging naalala niya: dagat, ilaw, at mga mukha ng mga kabataang tumatawa sa kanya. May pumasok na SWAT. "Don't move! On the ground!" "I... I don't remember..." bulong ni Ibarra. "Down! Now!" Bumagsak si Ibarra sa sahig. Dinakip. At sa labas, kitang-kita ng mga news crew ang paglabas niy

