CLAIRE OUR FIRST DAY in the resort was a lot of fun. JP took care of me well. Palagi niyang inuuna ang mga gusto ko at nakahaplos sa aking tiyan. Ang sabi niya, kapag kapit-kapit niya ang tiyan ko ay parang hawak na rin niya ang anak namin. “Did you always want children?” tanong ko sa kaniya. “Yes and no.” “Huh?” Ako naman ang nalito sa sagot niya. It’s usually yes or no—not both. I heard him sigh. “I am a normal guy who wants a family of his own someday. Ang mahirap ay ang hanapin ang tamang babae para maging nanay ng anak ko. The women I have dated were not ready to be mothers. Kahit nasa late twenties na ay mas gusto pa rin nilang mag-party, and their careers always come first. Until I met someone different.” “Were you in love with her?” Kahit masakit ay gusto kong malaman kung m

