JP REASONABLE MY ASS! She wasn’t home nang makarating ako sa bahay nila. Ang sabi ng Papa niya ay nagpaalam daw ito na aalis at gustong mag-out of town muna. Nang itanong ko kung kailan ang balik ay hindi rin alam ng Papa niya. Pambihira, wala pa akong tatlong linggo na nawala ay nakapagbakasyon na siya agad. I didn’t communicate with her while I was away but she didn’t message or call me either. Paano ko ba liligawan ang babaeng wala rito sa bahay nila? Malalim na ang gabi ay gising pa ako at nakatanga sa kawalan dito sa balkonahe. “Kuya, hindi ka rin makatulog? Alauna na,” sabi sa akin ni Migz. “Paano ako makakatulog kung wala siya rito? Kaya nga ako bumalik dahil sa kaniya. Have you talked to her before she left?” Napangiwi ito at napakamot sa batok. “Yes, I did.” “And? What di

