Chapter 6

1088 Words
CLAIRE BUNTIS? NAPALUNOK AKO. I don’t know what to say to that. Ang alam ng lahat ay wala akong boyfriend—iyon rin naman ang alam ko. One-night stand lang ang nangyari sa amin ni JP. I can’t be pregnant. It was just one night. Ngumiti ako kay Arlene. “Don’t be silly. I’m not pregnant.” Napakamot siya sa leeg niya at parang tabingi na ang ngiti. Natatakot siguro siyang mapagalitan ko. “Pasensiya na po, Ma’am. Ganiyan din po kasi ako noong naglilihi. Ang mga kinakain ko ay weird na mga kombinasyon. Iyong minatamis na sampalok ay isinawsaw ko sa ketchup at sarap na sarap ako. Nang makapanganak ako ay sinubukan ko pero hindi kinaya ng tiyan ko,” natatawa niyang kuwento sa akin. When she left, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ayaw kong magpahalata sa kaniya kanina pero ang totoo ay nakaramdam ako ng nerbiyos. How am I supposed to explain it to my parents na buntis ako at si JP ang ama? That was one night. One night. I called my attending physician. Ninang ko si Dra. Sanchez at puwede kong ipakiusap sa kaniya na huwag munang sabihin kina Mommy ang tungkol dito. But Arlene is right, this weird cravings and mood swings are not like me. After a few rings, her secretary picked up the call. “Good afternoon, Fortuna Medical Clinic. How may I help you?” “Hello, it’s Clarissa Castrillón. I was wondering if Dra. Sanchez is available to see me today?"” “Ay, Ma’am, kayo po pala. Yes po. May cancellation po ng isang pasyente for three thirty. Okay po ba sa inyo ang oras na ’yon?” “Three thirty is fine. I will be there. Salamat.” One step at a time, Clarissa. Magiging maayos ang lahat. Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ni JP kung totoong buntis nga ako. He was very vocal about how he wants to get to know each other and nag-effort din naman siya kaya lang ay dalawang linggo na siyang hindi nagpaparamdam. Maybe he changed his mind? Maybe he found someone else. Iyong hindi malayo sa kaniya at puwede niyang makita at makasama araw-araw. Naisip ko rin na baka naman nag-aalala lang ako sa wala at hindi ako buntis. Thirty minutes ang papunta sa clinic ni Ninang pero umalis na ako ng maaga at nag-allot ng sampung minuto kung sakaling traffic. Hindi ako nagpahatid sa driver namin ngayon dahil may sakit ang asawa niya. Isa pa ay kaya ko namang mag-drive. Mabuti na rin ito. At least, hindi niya ikukuwento kina Papa na nagpunta ako ng clinic. Nang makarating ako sa parking lot ng medical clinic ay umusal muna ako ng panalangin. Hindi ko alam kung ano ba ang hihilingin ko—na hindi ako buntis o na sana maging maayos ang pagbubuntis ko. Ganoon ang nararamdaman ko ngayon. It would have been different if JP is here. At least, hindi ako nag-iisa. Hindi rin ako mangangapa. At isa pa, magkasama kami sa pagharap sa mga magulang ko. Can you imagine at thirty, after kong gawin lahat ng tama sa buhay ko ay saka pa ako nabuntis nang walang ama at hindi kasal? Makaluma ang mga magulang ko. At kahit alam kong mahal nila ako, they still want their only daughter to get married before having a child. Bumati ako kay Beth na nasa front desk. Siya iyong kausap ko kanina at nagbigay sa akin ng appointment. Sinabi niyang maupo muna ako at nasa loob pa ang isang pasyente. I put my phone on silent at ayaw kong magambala kung ano man ang pag-uusapan namin ni Ninang. Nang sa wakas ay ako na ang titingnan, sinalubong ako ni Ninang. At sixty, bakas pa rin ang kaniyang ganda. Kababata siya ni Mommy at kahit magkaiba ang kurso nilang dalawa noong kolehiyo ay hindi naman naputol ang komunikasyon nila. “Clary, what brought you here?” Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. “Hi, Ninang, may ikokonsulta lang po sana ako sa sa inyo.” “Ganoon ba? Oh, sige. Sa loob na tayo mag-usap at ikaw na rin naman ang last patient ko. We can have dinner after this, it’s my treat. Matagal na kasi tayong hindi nakakapagkumustahan.” Nang makapasok kami sa loob ng silid ay isinara niya ang pinto. I felt nervous being here. Puti ang lahat—dingding, sahig, kisame, silya at maging ang mesa niya ay puti rin. I am not fond of hospitals or clinics. The smell of alcohol is making me nauseous at mas masangsang ang amoy niya ngayon. Sobrang sensitive naman ang pang-amoy ko ngayon. “Okay, tell me what’s wrong. May masakit ba sa ’yo?” tanong niya sa akin. Nag-type siya sa keyboard at binuksan ang file ko. I saw my name on the screen. “I—wala pong masakit sa akin. But I just. . . I feel weird and irritable. I just don’t feel like myself. Kanina ay kumain ako ng durian candy at isinawsaw ko ’yon sa suka.” Tinitigan niya ako nang matiim. “Clary, are you pregnant?” “Po?” My brain is like running over a hundred kilometers per hour. “Ang sabi mo ay isinawsaw mo ang durian candy sa suka. I am not sure if your mother told you this, but she did the same thing when she was pregnant with you. Ako pa nga ang tagabili niya ng durian candies sa bayan.” I didn’t know that. “Ninang. . .” “Relax. Let’s get your blood test done and then we will do an ultrasound, okay? When’s your last period by the way?” Napalunok ako nang sunod-sunod. I haven’t had my period since I came back from New York. But I was so busy with work that I didn’t really pay attention to it hanggang sa nawala na sa isip ko. “Mahigit dalawang buwan na po akong hindi nireregla.” She started typing on her keyboard and then called a nurse to get my blood samples sa mismong office na rin niya. Pina-rush niya ang result at ang sabi ay malalaman ang resulta within an hour. She also asked for urinalysis. At ang last step ay ang ultrasound. When all of it were done, Ninang confirmed that I am. . . pregnant. Eight weeks to be exact. Sampung linggo na buhat nang may mangyari sa amin ni JP. What am I supposed to do now?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD