THDS 17
"Sit."
Hindi ako sumunod sa utos ni Atlas nang makapasok kami sa opisina 'niya'. Pinanliitan ko siya ng mata nang tumingin siya sa gawi ko.
"Are you sure that you're the CEO?"
Atlas let out a soft chuckle. "Why? Do you really think I'm not capable of building my own empire?"
Nanatili akong tahimik dahil hindi ko masagot ang tanong niya. Well, bukod sa napaka-indecisive niyang tao, palagi rin siyang pagala-gala sa kung saan-saan. Dahil sa ugali niya, hindi ko naman talaga mahahalata na puwede pala siyang maging CEO.
Eh bakit ba kasi kung saan-saan siya sumusulpot? Hindi ba siya busy sa trabaho rito sa kumpanya niya?
Maurice is also a CEO... hindi naman siya tulad nitong si Atlas.
I drew in a long breath before crossing my arms over my chest. "Plinano mo ba 'to?" Walang pag-aalinlangang tanong ko sa kaniya.
Mahina siyang tumawa, "What?"
"This!" Pumadyak ako dahil sa inis. "You planned this, right? Delaney was the one who offered me this job. Lagi kayong magkakasama---"
"But you're the one who went here. Hindi naman kita pinilit."
Sinamaan ko siya ng tingin. See? Heto na naman siya! Hindi ko na naman maintindihan ang mga ginagawa niya.
Kung mayroon lang sigurong competition ng mga nagbibigay ng mixed signals, siya na ang panalo.
Mapang-asar na umupo si Atlas sa swivel chair niya at tiningnan ako sa mata. Mas lalo lamang akong nainis nang malapad siyang ngumiti na animo'y enjoy na enjoy sa ginagawa niya sa akin.
"Come on, take a seat. We need to catch up--"
"Hindi ako magtatrabaho rito," mabilis na pagtutol ko sa sasabihin niya. Taas noo ko siyang tiningnan. "I won't accept your offer."
I thought he's going to back down, but to my surprise, his annoying smirk remained on his lips.
"Hmm..." He nodded while looking at me. "Really?"
Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ko. Mukhang inipon niya lahat ng paraan ng pang-iinis sa akin kaya naman parang sasabog sa init ang ulo ko.
Nagising na ako. Namulat na. Nag-iisip na... hindi tulad noong may nangyari sa aming dalawa.
Kung nasa tamang pag-iisip ako noon, pipigilan ko siya. Hindi ako magpapadala sa bugso ng damdamin.
Fine. Na-enjoy ko rin naman ang nangyari noong gabing iyon. But aside from that? How he reacted after we did the deed? Up until now, his dissapointed face is still etched on my mind. Hindi mawala iyon sa isip ko at masasaktan lang ako kung papayag akong ulitin niya pa iyon.
I am a Fontanilla. The only heiress of the mighty Dwayne Fontanilla. Papayagan ko bang ganyanin niya lang ako? Me? THE Danielle Fontanilla? Of course not!
Hindi na ako magpapadala sa mixed signals niya. Habang hindi ko pa siya tuluyang nagugustuhan, mas mabuting itigil na agad namin 'to.
"You know what, wala akong oras sa pakikipagbiruan mo. Kung horny ka na naman, puwes 'wag ka sa akin lumapit... marami pa riyan sa tabi-tabi," mataray na sambit ko at muling umirap sa kaniya.
Just like what I expected, his lips parted out of shock. Lihim akong ngumiti. See? Alam ko na kaagad ang tumatakbo sa utak niya.
Tumikhim siya at sumandal sa upuan. "Well, I admit that I'm horny but I'm professional, Miss Fontanilla.... what about you?"
Sa pagkakataong iyon ay labi ko naman ang umawang. Magsasalita pa sana ako nang nauna na siyang magsalita muli.
"I am your future boss, Miss Fontanilla. Isn't it unethical to ask me if I'm horny of not?"
"Well, I also told you that I won't accept your offer--"
"But you already told your cousin that you're going to work for me, right?" He cut my words off.
I eyed him suspiciously. "Pinasusundan mo ba ako?!"
Tumawa siya, "Of course, not. Who do you think you are?"
Hindi ako sumagot at sa halip ay pilit na ipinakalma ang sarili. I can't have an outburst here.
He's right. I told Maurice that I already secured this job because they are the one who offered me a position... but I never told her that I am going to be working with Atlas!
Ano na lamang ang iisipin niya kapag nalaman niyang ang lalaking 'pino-problema' ko nitong mga nakakaraang araw, magiging boss ko pala? Hindi na naman ako tatantanan ng babaeng 'yon kapag nalaman niya.
"I don't want to work here," I firmly stated.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakipagsukatan ng titig. Sa halip na maintimidate, ngumisi lamang siya sa akin.
Damn him!
"I heard your broke?" tanong niya na siyang nagpalaki ng mata ko. "Are you really going to let go of this opportunity just because of your pride, hmm, Fontanilla?"
I swallowed the lump on my throat. He knows about my financial situation? How? Talaga bang pinasusundan niya ako?
"Well, if you don't want to go back to your lavish life, then fine. I won't force you to work here. But remember, you might lose your luxurious bags---"
"Oh, shut up!" Mabilis na pagputol ko sa sasabihin niya. Masama ko siyang tiningnan. "I still have lots of connections out there. They'll help me find a job to sustain my needs. Isa pa, unlike you, my cousins are with me. Hindi nila ako pababayaan."
Atlas fell silent. Nakatingin pa rin siya sa akin ngunit hindi tulad kanina, I saw how his emotion shifted from being sarcastic to completely annoyed in just a few seconds. Wala sa sarili akong napalunok.
Did I say something wrong?
"I thought you wanted to become independent?"
Ilang beses akong napakurap.
Oh.
Right.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga habang nakikipagsukatan ng tingin kay Atlas. The intensity of his gaze is more than enough for my legs to shake. Tulad noon, hindi ko na naman matantiya kung anong tumatakbo sa utak niya.
He's too vague!
"If you want me to accept your offer, then answer me, Atlas," seryosong sambit ko at tinaasan siya ng kilay. "What are you planning to do with me?"
"What plan?"
"Tinatanong ko nga sa 'yo, 'di ba? All of this... this is your plan, right? Because of what? I know that you hate my guts and you regret what we did last time, but isn't it enough? Kung ayaw mo sa 'kin, lumayo ka. Bakit ba ang kulit-kulit mo?"
Silence filled the room and it suffocates the hell out of me. Gaano bang kahirap sagutin ang tanong ko? Dahil ba ayaw niyang malaman ko ang kung ano mang pinaplano niya laban sa akin?
"Regret? I regret what?"
My eyes landed on Atlas' direction. Dahil sa lalim ng pag-iisip ko kanina, hindi ko na napansin na kanina pa pala siya nakatayo. He walked towards my direction with his menacing gaze, making me nervous.
Sunod-sunod ang paglunok ko nang tawirin niya ang distansya sa pagitan naming dalawa. Before I could even react, his arm made its way on my waist and pulled me closer towards him.
"Atlas!" suway ko sa kaniya.
"Tell me, Danielle."
Malakas akong bumuntong hininga at dali-daling nag-iwas ng tingin sa kaniya. "What happened between us... you regret that, right? Nadala kalang sa emosyon--"
"What made you think that?"
Tila natulos ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang tanong niya. Bakit ba tanong pa siya nang tanong?!
"Alam kong alam mo na kung anong tinutukoy ko. You regret everything we did because I am a dissapointment. Akala mo siguro, because of my reputation, I am experienced when it comes to having s*x. Well, I apologized if I let you down--"
My eyes widened when he cut off my words by claiming my lips. He kissed me with so much tension as if he's trying to prove something. His left hand scooped my hair to pull me closer to him. Because of what he did, my lips parted a bit. My mouth was already open that one thrust of his tongue was quick enough to enter.
He finished it off with a torrid and all lips kiss.
I was gasping for air after what he did. I cluelessly looked at him. Hindi tulad kanina, mapungay na ang mga mata niya.
"What the..." I muttered.
"Do I look like I regret everything?" Atlas asked as he licked his lips. "Not even an inch."
"And you want me to work here? For what? Para maging professional f**k buddy mo rito sa office?"
His jaw clenched.
"I am professional, Danielle. If I am not, then by now, you're probably moaning my name and reaching your climax... here... in that table... in my f*****g office."